4 Years After ...
Father Niel's POV
Dahil malapit na ang epilogue, ako raw muna magp-POV
Nandito ako ngayon sa parokya kung saan ako na-assign, saan ako nadestino?? Hindi ko muna sasabihin kung saan .. Hahaha .. Maya-maya lang, pinatawag ako ng sekretarya ko dahil may tawag daw ako sa telepono ..
" Hello ?? " pagsagot ko sa tumatawag sa'kin sa telepono
" Fr. Niel Sanchez, this is Ginette " sabi nung kausap ko
" Oh I'm so sorry, Ginette ikaw pala .. " paghingi ko ng paumanhin kay Ginette, ang Secretary ni Bishop
" Father, the bishop wants to talk to you .. " pag-anunsiyo niya
" Bakit daw ?? "
" I don't know Father but I think this important .. He is expecting you to come.. "
" Sige, maraming salamat .. "
Pinapatawag ako ng Obispo .. Ano na naman kaya yung pag-uusapan namin ??
Nandito na nga ako sa Bishop's Palace hinihintay ko pa si Bishop dahil kakausapin daw niya ako .. Heto na pala siya eh ..
" Good Afternoon Bishop .. " bati ko kay Bishop
" Good Afternoon Fr. Niel .. Kaya kita pinapunta dito eh dahil may importante tayong pupuntahan .. " anunsiyo niya
" Tayo po Bishop ?? Kasama po ako ?? " tanong ko
" Yes , kasama ka at dito tayo pupunta .. "
Iniabot niya sa'kin yung invitation at may nakalagay na " PAX! We the Benedictine Nuns of the Sacred Heart are inviting you to witness the Solemn Perpetual Profession of Sr. Marie Therese P. Tolentino, OSB from Our Lady of Fatima Parish Diocese of Bacolod , this 28th day of December in the year of our Lord Feast of the Holy Innocents .. That in all things ... God may be Glorified! " at nakalagay din dun yung address ng Monastery
" A Benedictine Nun from my parish, Bishop?? " tanong ko
" Yes .. From your parish, kaya kita isasama and her former parish priest Fr. Patrick already received the invitation at pupunta siya .. And by the way Sr. Marie Therese is going to meet me on the 23rd magco-courtesy call siya dahil uuwi siya sa 22 at babalik siya ng Pampanga sa 26 to prepare for her Solemn Profession .. Naalala ko pa nga na siya yung batang humingi ng Pastoral Blessing ko before she leave for Pampanga .. " si Bishop
" Bishop, I'll try to attend her Solemn Profession .. "
" Why try ?? Clear your schedule from 27-29 dapat nandoon ka, she's a former youth and lector in your parish .. Sabi ni Fr. Patrick active talaga siya, hindi lang youth, catechist, lector, legionary at choir pa siya noon ha .. Napaka-imposible nga raw na nag-mongha siya dahil mahilig mag-gala yun .. Basta Niel, nakapa-book na'ko ng flight natin .. Kinakailangan mong pumunta dahil siya ang first Contemplative Vocation ng parokya mo ngayon .. Don't disappoint me .. I'm counting on you .." sabi ni Bishop sakin
A Benedictine Nun from my parish ha, malakas ang kutob ko na si bunso ito, alam ko naman na nagmongha siya at sabi niya iimbitahan niya 'ko sa Solemn Profession niya, kaya siya talaga ito .. Halatang-halata naman na siya talaga ee ..
" Sige po Bishop, I'll clear my scheds na .. Pupunta ako .. " pag-aassure ko kay Bishop
" Good .. "
" Opo Bishop, alis na po ako .. Maraming Salamat po .. " umalis nako
Yung nararamdaman ko?? Parang masaya na parang malungkot, alam kong nakamove on nako pagkatapos ng apat na taon pero hindi ko lang talaga maiwasang hindi malungkot dahil magiging ganap na madre na ang huling babaeng minahal ko .. Paano ko kaya siya haharapin??
~ ~ ~
A/N : Short update po ulit! Babawi ako sa Epilogue Keep on voting and commenting, kung gusto niyo, share niyo na rin po .. Thank you and Lovelots
Love,
Empress Khie Nyang
YOU ARE READING
You are Mine
SpiritualHighest Rank: #7 in Spiritual as of March 3, 2017 " Do not be afraid, I am with you I have called you each by name Come and follow Me I will bring you home I love you and you are mine " That is t...