Chapter 5 The Rector's Office

243 7 3
                                    

Niel's POV

Ito na! Nandito nako sa pintuan ng opisina ni Fr. Phil, kinakabahan pa rin ako ngayon dahil sa kung anuman ang pag-uusapan namin ay siguradong tungkol ito sa pinag-usapan namin kanina nina Gino at Pao .. Pahamak talaga yung dalawang yun kahit kailan .. Kumatok ako ng tatlong beses saka pumasok ..

" Good Afternoon Father .. "

" Maupo ka Niel .. "

Seryoso ang mukha ni Father, siguradong seryoso din pag-uusapan namin ngayon ..

" Narinig ko ang pinag-usapan ninyo kanina Niel .. "

" Father mag— " pinutol niya ang sasabihin ko sana

" Niel, gusto ko maging tapat ka sa mga sasabihin mo sakin .. May nobya ka ba sa labas?? "

" Po?? Wala ho pads .. "

" Eh sa loob?? Dinig ko, isa siyang madre?? "

" Wala ho pads .. Mali po ang iniisip ninyo .. Wala po akong kasintahan sa labas at lalong lalo na wala akong kasintahang madre .. "

" Diba, madre ang pinag-uusapan ninyo kanina?? "

" Opo, kasi po, si Yanna ... Pumasok na ho ng monastery .. "

" Yanna?? You mean yung kapatid mong babae sa parish?? "

" Opo .. "

" Mahal mo siya?? "

" Opo ... "

" Bilang siya?? O bilang kapatid?? "

" Father .. "

Hindi ako makasagot, hindi ako makasagot hindi dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko kundi dahil nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko kay Fr. Phil ang tunay kong nararamdaman ..

" Alam kong nagdadalawang isip ka kung sasabihin mo sakin o hindi pero ako ang rector mo, may karapatan akong malaman kung ano man ang nangyayari sa inyo dahil para ko na rin kayong anak .. Kahit pa man na tungkol yan sa pag-ibig, maiintindihan ko rin naman yan dahil naranasan ko rin yan nung kabataan ko .. "

" Father, may kakaiba po akong nararamdaman kay Yanna, mahal na mahal ko po siya .. "

" Kung mahal mo siya, edi ipaglaban mo .. Pero, ipaglalaban mo siya sa labas ng seminaryo .. "

" Matagal ko na po siyang mahal Father pero hindi ko lang binigyan ng pansin dahil alam kong mali .. "

" Walang mali sa pagmamahal .. Tao rin naman kasi tayo, nakakaramdam din tayo ng ganyan .. Natural lang yan, aware ka naman na yung iba mong mga kasama ay may kasintahan nga sa labas diba?? "

" Maling-mali po kasi na mahalin ko siya dahil seminarista ako at madre naman siya .. "

" Aspirant palang naman diba?? Malay mo, nakalaan pala kayo para sa isa't isa pero "

" Nakakasiguro po akong hindi niya tatalikuran ang Diyos .. Ganyan siya katapat sa kanyang pagsisilbi .. Matagal na po niyang pangarap maging madre .. Malabo na pong mangyari yun at isa pa, sumuko na po siya .. Pagod na po siyang umasang magiging kami pa .. "

" Ikaw?? Hindi ka pa ba susmusuko?? "

" Hindi po ako susuko sa bokasyon ko, unti-unti ko pong iwawala ang nararamdaman ko para sa kanya .. Masaya na po ako sa buhay na tinahak niya ngayon at masaya rin po akong malamang masaya siya para sakin .. "

" Mabuti naman kung ganoon Niel .. Nakakapag-isip ka ng maayos .. Sige, bumalik kana sa ginagawa niyo .. "

" Opo Father, salamat po .. "

Lumabas na'ko sa office ni Fr. Phil at bumlik sa kanila Gino, hindi nalang ako sumali sa pagbabasket nila kasi pinag-isipan ko yung sinabi ni Father ..

Ipaglalaban ko ba kahit alam kong hindi na pwede??

You are MineWhere stories live. Discover now