Sister Marie Therese's POV
Pagdating namin sa silid namin ay agad akong tinanong ni Sr. Angelica
" Sister, alam ba ni Brother Niel na ikaw si Yanna?? "
" Hindi po Sister at hindi niya na po kailangang malaman .. "
" Kaya mo na ba siyang harapin?? "
" Oo naman po Sister .. Haharapin ko po siya bilang si Sister Marie Therese dahil wala na si Yanna .. "
" Kailan mo siya kakausapin?? "
" Kapag hindi na po tayo busy saka pag tapos na tayong mag- vocation campaign .. "
" Siyanga pala, sabi ni Fr. Patrick na pwede na tayo magstart bukas, pupunta tayo sa pinakadulo ng diocese saka papahiramin niya ko ng isang sasakyan para gagamitin natin at sa Thursday ay meron tayong vocation talk dito and I expect you to conduct it .. "
" Ako po magka-conduct?? Wala naman po akong kaalam-alam sa pagka-conduct ng vocation campaign dahil postulant pa lang naman po ako .. "
" I trust you, kaya mo naman yan .. Saka isa pa, hindi ka ipapadala dito ni Mo. Agatha kung hindi mo kaya yan .. You have the potentials Sr. Therese .. I believe you can do it .. Sige, I'll leave you muna, punta lang ako kay Fr. Patrick, maglibot ka muna .. "
And Sr. Angelica left me .. I was alone, again and then I decided to take a walk inside the parish compound .. While I was walking, my feet led me to a peaceful place, at the meditation garden .. My favorite spot! I missed it!
" Good Afternoon Sister .. " I suddenly heard a familiar voice
My goodness! That voice again!
" Sister, can I sit beside you?? " he asked me
" Oh, ikaw pala Brother ... What's your name again?? " pakunwari kong tanong para hindi naman masyadong halata na kilalang-kilala ko siya
" Bro. Niel po, pero pwede niyo naman po akong tawaging Niel .. "
" Bro. Niel .. Sure you can .. "
" Sr. Marie Therese right? "
" Yes .. "
" Can I ask you something Sister?? "
" You're already asking Brother .. "
" Ah hehehehe . "
At bigla siyang natahimik ... Spell awkward?? K.A.M.I.
" Natahimik ka yata brother?? Hahaha I was just messing around .. Sorry naman .. Hahaha " at tuluyan na'kong natawa sa kanya
Kilalang-kilala na kasi kita Kuya Niel hahaha
" So, pwede akong magtanong?? " he asked me again
" Sure, why not?? "
" What is your birth name?? "
" Oh, I'm sorry but we are not allowed to tell anyone our birthname .. "
" Ganun ba?? So, saan nakatira mga magulang mo?? " pati yan ba tatanungin niya pa??
" My family resides in Madrid .. "
Hindi naman ako nagsisinungaling dahil simula nung pumasok ako sa monastery ay nagpunta sila Mama at Papa sa Madrid pero babalik pa naman sila sa December bale nagbabakasyon lang sila dun at wala akong balak na sabihin yun sa kanya.
" So, Kastila ka pala?? "
" Half-Spanish .. Bakit mo naman natanong?? "
" Wala lang .. May kakilala kasi ako na Half-Spanish din at mongha din siya ngayon .. "
" Ano pangalan niya?? "
" Yanna .. "
" Ang ganda ng pangalan niya .. "
" Maganda din siya at maganda din ang kalooban .. "
At nag-usap pa kami ng kung anu-ano, yung mga jokes niya, ngayon ko lang narinig yun ..
" Nakakatawa ka naman po Brother hahaha .. Meron pa po ba?? "
" Wala na .. "
" Sige na po, isa pa po please! " pagmamakaawa kong magkwento pa siya
" Hala Sister! Para kang batang nagngangawa diyan ee .. "
" Kasi naman ee, gusto ko pa kasing marinig mga kwento mo .. Hahaha .. "
" Sandali, may ipapakita ako sa'yo .. "
At nag-scroll siya sa gallery ng phone niya .. Pinakita niya sakin yung picture ng mama niya at nung buo niyang pamilya ..
" Ito yung nanay at tatay ko .. "
" Nasaan na po sila?? " tanong ko kahit alam ko namang matagal na silang wala
" Wala na sila .. " malungkot niyang tugon
" Sorry po .. Hindi ko po sinasadyang itanong .. "
" Okay lang .. "
" Hmmmm .. Masaya po ba sa loob ng seminary?? "
" Masaya naman, pero siyempre hindi mawawala ang struggles kahit naman sa inyo diba?? "
" Oo, ganyan naman talaga ee .. Alam mo brother, noong bata ako, pangarap kong maging isang pari .. " natawa naman siya sa sinabi ko pero totoo naman yun ee
" Kaso, hindi pala pwede kasi lalaki lang ang pwedeng maging pari .. Pero, alam mo, naisip ko na baka isa yun sa nagpasimula ng bokasyon ko sa pagmamadre .. Akala ko rin noon, nagmimisa ang mga madre pero hindi pala .. Pero, mahal ko ang napili kong buhay ngayon kahit kailangan kong talikuran ang lahat, nag-risk ako dahil ito ang nagbibigay ng kasiyahan sakin .. " pagpapatuloy ko
" Ang firm naman pala ng vocation mo kung ganun Sister .. Hanga ako sa'yo .. "
Bro. Niel's POV
" Ang firm naman pala ng vocation mo kung ganun Sister .. Hanga ako sa'yo .. " totoo naman, pinahanga niya ako dahil sa kwento niya
" Hindi mo pa ako lubusang kilala brother kaya wala ka pang masyadong alam sakin .. Baka pag nalaman mo pa ang nakaraan ko, baka mawala ang paghangang yan .. "
" Sabihin mo sakin, pwede ko bang malaman ang nangyari sa'yo bago ka pumasok sa monastery?? "
" Brother, may mga bagay na hindi dapat sinasabi at kinu-kwento sa isang tao lalo pa't kanina lang tayo nagkakilala .. Oo, sabihin na nating isa kang seminarista pero pasensya na, hindi kasi ako agad nagtitiwala sa mga seminarista .. "
Base sa pananalita niya, halatang may nakaraan siya sa isang seminarista, but how can a 16 year old Postulant like her have had a past with a seminarian?? She is so mysterious ..
" Alam ko, sorry din kung masyado akong mausisa, there is just something about you that I really wanted to discover .. "
" Then, try to discover it .. " mapanghamon niyang sabi
** Ting ... Ting ... Ting ... **
Church bells rang at agad akong napatingin sa relo ko! Fudge! Time na pala for Angelus! Tumayo kaming dalawa at sabay na nanalangin ng orasyon .. Pagkatapos nun, bigla siyang nagsalita ..
" Brother, mauna na po ako, baka hanapin ako ni Sister .. "
At bigla siyang naglakad palayo .. Naalala ko na naman yung scene namin ni Yanna! MyGaaaad!
Ano ba kasi ang meron sa'yo Sister Therese at ganun nlang ako kainteresadong malaman iyon?? You're such a mysterious Monastic Nun .. Whatever it is, I know that sooner or later, I am going to discover it ..
YOU ARE READING
You are Mine
SpiritualHighest Rank: #7 in Spiritual as of March 3, 2017 " Do not be afraid, I am with you I have called you each by name Come and follow Me I will bring you home I love you and you are mine " That is t...