Fhalia (Book #1)

1K 4 0
                                    

https://www.wattpad.com/147762413-fhalia-book-1-author%27s-note

By SomeoneLikeK

~~~

Madilim ang buong paligid at kahit walang gaanong pumapasok na hangin ay sobrang lamig. May sira na ang aking damit kaya't hindi na ito nakakatulong para malabanan ko ang matinding lamig. Wala akong mapaglibangan dahil nagkalat ang mga sirang gamit sa paligid at wala ni isa sa mga iyon ang maaari ko pang magamit. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling araw na ako'y naligo. Hanggang sa nasanay na lamang ako sa amoy ng aking sarili.
Hindi ko na rin matandaan kung kailan ko huling nasilayan ang sikat ng araw. Ikinulong ako sa isang silid dahil sa aking mapanganib na kapangyarihan. Nasisira at namamatay ang kahit na anong aking mahawakan. Nakakaramdam ng panghihina ang kahit na sinong tumingin sa aking mga mata. At ang aking mga salita ay maihahalintulad sa isang sumpa.
Kinatakutan ako ng karamihan ngunit may isang Arcan na naniniwala na wala akong intensyon na manakit ng kapwa. Dinadalan niya ako ng pagkain at ibinibigay ang aking kailangan. Ngunit isang araw, aksidente kong nahawakan ang kanyang braso. Unti-unti itong nangitim hanggang sa hindi na niya ito maigalaw. Sadya siyang mabait dahil ako'y agad niyang pinatawad.
Ngunit hindi naging lihim sa iba ang nagawa ko sa kanya. Sapagkat hindi niya naitago ang pangingitim ng kanyang braso.
Inutos ng Hari na ako'y palabasin ng silid upang patayin. Pilit na nagmakaawa ang Arcan na nagawan ko ng hindi maganda, na huwag na akong patayin dahil hindi ko naman daw sinasadya ang nangyari sa kanya. Ngunit hindi nakinig ang Hari sa kanyang sinabi.
Tinanggap ko ang aking kapalaran. Ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Ang anak ng Hari na si Avi ay humiling sa kanyang Ama na huwag akong patayin. Sinabi pa niyang nais niya akong maging kasintahan.
Hindi ko alam na ang susunod na Hari ay nasisiraan na pala ng bait.
Ngunit ang mas hindi ko inakala ay ang malaman kong seryoso siya sa kanyang sinabi. Sa tindi ng pagmamahal sa kanya ng kanyang Ama ay pinagbigyan nito ang kanyang hiling. Naging kasintahan niya ako sa loob ng isang taon at itinuro niya sa akin kung paano kontrolin ang aking kapangyarihan.
Limang taon mula noon ay hinirang na Hari si Avi at ako ang kanyang naging Reyna. Tutol ang lahat sa akin ngunit hindi iyon naging hadlang sa kagustuhan ni Avi na ako'y makasama.
Isang taon pa ang lumipas at isinilang ko ang aming panganay na si Calli. Dalawang taon pa ang nagdaan at isinilang ko naman ang aming bunso na si Arkile.
Sa mahabang taon ng aming pagsasama ay minahal ko ng lubusan si Avi. Ngunit isang kasinungalingan ang bumali sa aming pagmamahalan. Inakusahan ako ni Ifra na pinatay ko ang Ama ni Avi. Ang pinakamasakit ay naniwala si Avi na ginawa ko ang ganoong bagay.
Tatlong taon pa lamang ang aking panganay at isang taon ang aking bunso nang hatulan akong muli ng kamatayan.
Ngunit sa pagkakataong iyon, umalis ako at nagtago. Iyon ang unang araw na tinanggalan ako ng pagkakataon na maging isang Ina.

😉August 8, 2016👍
2:30pm

😄April 20, 2018👍
Gravehlungs , I need to do some back flips and splits. 😭
Kailangan kung bumalik sa nakaraan para  maintindihan ang aking hinaharap. Toinkz! 😂 nag back read ako sa book 1 (not totally read it back word for word, parang pag-aaral lang_ nag-review /kumuha ng ilang mahahalagang idea para matandaan at maunawaan ang kasalukuyang pangyayari), tagal na din kasi... Sobrang gusto ko yung kwento. May feels. Mato-touch ka.

May future ka ateng sa pagsusulat.
Kung on the spot lang itong pag-update ko nitong compilation ko.. after I'd done reading this book I might say or write longer than this one. 😃 Kudos! for being one of the brilliant writers out here and there. 🤡 waiting for your updates on RETINAS ateng. Matatagalan ka na naman tiyak sa pag-uupdate.

God bless.

BESTest AMAZING Wattpad STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon