Letters To Mr. Genius (BOOK 1 AND 2)

676 13 0
                                    

https://www.wattpad.com/42953384-letters-to-mr-genius-book-1-and-2-letters-to-mr

By FIsieann

~~~

Dear Mr. Genius,

Alam mo nakakainis ka! Araw-araw at gabi-gabi naman akong nagrereview para sa exam natin pero ikaw parin ang highest pag nacheckan na! Ano bang sikreto mo bukod sa lagi kang tulog at late sa klase? Ano bang laman ng bag mo? Ayy wala ka nga palang dalang bag parati! 

Ano bang nirereview mo? Ano bang mga binabasa mo? Ano bang kinakain mo? Ano bang pinapakinggan mong music sa tuwing nakasuot yang headset mo? Ano bang pinanliligo mo kasi ang bango bango mo parati? Ano bang nilalagay mo sa mukha mo bakit sobrang gwapo mo?

Nakailang girlfriend ka na ba? Sa loob kasi ng isang linggo tatlong babae ang nakita kong kasama mo...

Naaalala mo ba nung nilagyan mo ng chewing gum yung buhok ko? Grabe isang linggo kong iniyakan iyon, yun kasi ang pinakamahabang naputol mula sa buhok ko! First time yun!

Eh yung paglagay mo ng buto ng fried chicken sa bag ko, naaalala mo? Alam mo bang binutas ng langgam ang Jansport ko dahil doon, tatlong araw kong iniyakan yun! Akala ko yun na ang pinakasagad sa pambubully pero nasundan pa.

Buti na lang di ako nabalian ng buto ng minsan mong tapunan ng balat ng saging ang daanan ko, wag mong sabihing nakalimutan mo iyon? Halos mamatay ka nga kakatawa nung makita mo ako sa sahig eh! Bully ka, sobrang bully mo!

Alam mo bang tadtad ng picture mo ang kwarto ko? Gusto kasi kitang ipakulam sa sobrang inis ko sa iyo pero nabago lahat yun nung college na tayo...

Naaalala mo ba nung sinagip mo ako sa recitation? Di ko kasi talaga masagot yung tanong eh, eh yung pagpapahiram mo ng payong nung malakas ang ulan? Grabe hindi mo alam kung anong boltahe ang naglakbay sa katawan ko ng nag share tayo dun at nagtama ang mga braso natin! Yung binigyan mo akong coke in can nung nabibilaukan na ako, tanda mo pa ba?

May tinatago ka namang bait eh, ramdam ko iyon. Kaya nga napalitan ng paghanga ang inis ko sa iyo!

Pero seryoso, kailan ba kita matataasan? Oh kahit mapantayan man lang? Kailan mo kaya ako lilingonin? Kailan mo kaya ako kakausapin ng matino? Tutulungan mo ba ulit akong sumagot ng assignments sa Accounting? Andami kong gustong itanong sa iyo pero hanggang sulat na lang ako....

Mababasa mo kaya ito?

Umaasa, 

Znela Jimenez ♥

PS. May candy wrappers sa bag ko every dismissal, ikaw ba naglalagay nun? Grabe ka may trash can naman sa pinto ah!



😊October 29, 2016 👍

Kakakilig, kakatuwa, kakalungkot, kakaiyak.. Book two is on going.

BESTest AMAZING Wattpad STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon