What You Can't Have
BUMUNTONG hininga ako at tinawagan ko siya.
Calling Mrs. Arenas
"Hello Mrs. Arenas" pambati ko saka
"Doctora, bakit po kayo napatawag?"
"Doctora, kasi ipapaclose ko na ang clinic ko"
"Ha?! Bakit naman?"
"A-Ah kasi po yung husband ko ayaw akong ipatrabaho"
"Ganoon ba?" narinig ko ang pagbuntong hininga niya at mahihimiigan mo ang pagkalungkot sa boses ni Mrs. Arenas
"P-Pwede ko po bang makausap si Coby?"
"Oo naman." hindi nawala ang pagkadismaya sa boses ni Mrs. Arenas ero ibinigay niya parin ito kay Coby"Tita Corrine?"
"Hi Coby this is your Tita Corrine"
"Why did you call us Tita?"
"Kasi Coby hindi na kita makakausap sa susunod natin na session kasi ipapasara ko na ang clinic."
"Ha?! Bakit Tita?"
"Basta Coby bibigyan kita ng bagong Tita siya ang bahala sayo" pinasigla ko ang boses ko para naman ma excite siya pero mukhang wala itong epekto sakanya.
"No! Ayaw ko sa iba Tita Corrine, Ikaw lang! Ayaw ko sa iba! Sasaktan nila ako!" naiiyak na sabi ni Coby. Nalungkot ako at gusto kong umiyak pero hindi ako umiyak.
"You have to understand Tita Corrine. Ganito nalang baby, I will talk to you over the phone, pupuntahan din kita paminsan minsan, basta magpapakabait ka sa bago mong Tita"
"Sige Tita Corrine basta hindi ako sasaktan ng bago kong Tita" masiglang sabi niya at napangiti ako dahil doon.Tumagal ang pag-uusap namin at masaya akong napasaya ko si Coby sa munting pangakong ginawa ko.
PAGKATAPOS kong tumawag kay Coby ay naghanda na ako ng dinner namin ni Theo, tutulungan sana ako ni Manang ngunit tinanggihan ko siya. Mahigit isang oras na akong naghihintay ngunit hindi parin dumating si Theo at ala sais na.
Sa wakas ay dumating na siya kaya mabilis akong pumunta sa door upang batiin siya. "Good Evening Theo" bati ko sakanya. "Magbihis ka, may pupuntahan tayong party." malamig na utos niya saakin. "Pero paano yung niluto ko?" tanong ko.
Tumawa siya ng sarkastiko at tinignan ako. "Ikaw nga ba ang nagluto?" hindi niya na ako hinintay na makasagot at nagsalita na. "Kung ikaw nga talaga ang nagluto ay ipatapon mo nalang." sabi niya at naglakad patungo ng kanyang kwarto.
Nagsimula na rin akong maglakad ngunit nagsalita siya ulit. "And please wear something decent, baka sabihin nilang nag-asawa ako ng taong grasa" utos niya at tuluyang tinalikuran ako.
Ako din ay pumasok na sa kwarto ko at tinignan ang mga damit na pwede kong suotin. Kinuha ko ang isang beige na sheath dress. Sinuot ko ito at nag-apply ng kaunting make-up. I also added big curls and styled my hair into a half-ponytail.
Some people said I'm a prude but I'm actually fine with that. I'm not into short dresses and for me the longer the better, unlike my sister, Ate Hazel she appreciates body hugging dresses.
Lumabas ako at nakita kong tapos na din si Theo. He wore a simple tuxedo and styled heis hair. "Ang tagal mo." sabi niya at lumabas na. Nagbuntong hininga na lamang ako at sinundan siya.
Pagpasok ko sa sasakyan niya ay agad niya itong pinaharurot not giving me time to fix my seatbelt. Natatakot ako sa matuli niyang pagtakbo pero nilakaasan ko ang loob ko at nagsalita. "T-theo ano b-bang party a-ang pupuntahan natin?"
"Charity Ball" I think nakakakuha ako ng invitation pero hindi ko nabasa.
Hindi ko na ito sinabi sakanya at nagfocus nalang sa daanan.
Pag dating namin doon ay medyo marami rami na ang tao. Mabilis rin kaming nakapasok at nakakuha ng upuan. "Doctora Corrine!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.