(PAST)
Ysa's POV
3 weeks na nakalipas nung nagpasukan. Di ko na ulit nakita si Kuyang Chinito. Sayang, akala ko pa naman magkakalovelife agad ako. Naka-adjust din ako kahit papano sa college life, laging late ang uwi namin. Buti na lang binili ako nila Daddy ng condo near UST kaya hindi na hassle ang paguwi.
Gabi na ngayon at magdidinner kami ni Biancs, akalain mo yun, sa parehong condo building kami nakatira kaya lagi kaming magkasama, magkaiba lang kami ng floor. Minsan sabay kami gumagawa ng homeworks tapos pag may pair groupings eh automatic na kami na magkasama.
"Kelan mo kaya ulit makikita si Kuyang Chinito, I mean si Jeric pala, ayan napapa Kuyang Chinito na din ako. Ikaw kasi eh." Hindi sya nakatingin sakin at nakaharap lang kung saan saan na parang may hinahanap.
"Aba, at parang mas initeresado ka pa. Hindi ko na nga naaalala yun, di ka maka get over teh?" Sabi ko which is not true kasi lagi ko ngang iniisip si Jeric. 3 weeks na din kasi tapos di ko na ulit sya nakita, kahit anino man lang nya.
"Asus, kunwari ka pa. If I know, he's always on your mind. Lagi kaya kitang nakikitang nakatulala. I bet sya iniisip mo" Galing talaga nitong best friend ko, kilalang kilala agad ako kahit kakikilala lang namin.
"Weeeeell, minsan lang kaya. Stressed lang ako sa school works kaya natutulala na lang ako minsan" Syempre, magpapalusot ako kahit alam kong siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako lagi natutulala.
"Palusot.com" Yan lang ang sabi sakin ni Biancs habang pumasok sa kakainan namin. Hirap talaga magpalusot dito.
Bianca's POV
Naghanap na kami ng table then nilagay muna namin yung bag namin. Wala na naman masyado nakain dahil 8pm na din, nakapagdinner na siguro yung iba. After naming umorder eh umupo na kami. Nakatalikod si Ysa sa pinto samantalang ako naman eh nakaharap sa pinto.
Napatingin ako sa pinto nang may mga pumasok na grupo ng lalaki. Ang ingay kasi nila. Sila ata yung varsity team ng UST, mga naka jersey shorts pa yung iba eh tska halatang bagong paligo. Hmmm. Madami dami atang Chinito ah. Baka andito si Kuyang Chinito ni Ysa
Joke. Wala siguro yun. Imposible yun, mejo hard to reach yang mga yan. Tekaaaa, ang gagwapo naman nitong mga to kaya daming nagkakagulo sa kanila eh pasalamat sila mejo maunti lang tao at hindi sila pinagkakaguluhan, malapit pa man din na ang UAAP. Ito atang kasama ko walang kaalam alam sa mga Growling Tigers eh, mukang walang pakialam, di man lang nilingon. Malay natin, nasa kanila na pala ang soulmate nya, at hindi si Kuyang Chinito.
Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan. Aba, sila lang ba may karapatan magtawanan at magingay dito? HAHAHAHAHA.
Maya maya may nakita akong lalaki mula sa Growling Tigers na patingin tingin samin na parang may chinecheck. Type ata nito si Ysa eh.
"CR lang ako bago tayo umuwi ha" Paalam sakin ni Ysa. Pagkaalis nya eh sinusundan pa din sya ng tingin nung lalaki at nakangiti pa nung napaharap si Ysa sa kanila. Aba at tinamaan nga ata.
Papalapit na si Ysa sa table naming nung tumayo si lalaking parang stalker at hinarang sya. Parang gulat naman tong babaeng to tapos napangiti, teka makikichismis muna ako. Laksan nyo boses nyo please.
"Ysabelle, remember me?" Sabi ni stalker guy. Kilala pala nya si Ysa.
Oh diba sabi ko nagulat siya tapos ang lapad na ng ngiti nya ngayon. Oyy girl para kang luka dyan.
"Ku--- I mean Jeric, ikaw pala. Kamusta?" Seriously? Yun lang masasabi mo?
Wait. Wait. Jeric? Is he.........
![](https://img.wattpad.com/cover/9664472-288-k770837.jpg)
BINABASA MO ANG
Jeric Teng's secret girl (Incomplete) Idk When I Will Update
RomantikEveryone wants to be Mrs. Jeric Teng. Joke. Misis agad? Maging girlfriend nga lang ni Jeric eh masayang masaya na ang mga kababaihan. Ganun din naman ako noon eh, masaya ako because I was Jeric Teng's girl kaso may problema eh, I am not only his gir...