(PAST)
Ysa's POV
We were seated here sa Lowerbox. By we, I mean me and my friends. Game day ngayon nila Jeric against the DLSU.
"Friend, sana tinanggap mo na lang yung patron tix from Papa Jeric" Sabi ni Mariel
"Ano ka ba, nakakahiya na eh. Apat pa man din tayo at tska bayad to ni Andi dahil natalo sya sa bet natin" Sagot ko sa kanya
"Pero mas maganda kapag nasa patron seats tayo" Sabi ni Andi sabay pout "Nakatakas sana ako sa panlilibre sa inyo" Kuripot forevs. Hahaha
"Buti nga sayo" Sabay belat ni Biancs kay Andi
Magsstart na ang game, Jeric is not part of the starting five so nasa bench pa sya. I saw him scanning through the arena and then stopped at us. He smiled, I smiled back.
"Honglandeee. Haba ng hair" Sabay sabay na tukso ng magagaling kong kaibigan.
Di ko na lang sila pinansin, and just continued to watch the game. Napapatayo kami pag nakakashoot ang kahit sino samin pero syempre iba pa rin cheer naming pag si Jeric na maglalaro, sana ipasok na sya.
Just a few minutes after the start of the second quarter eh pinasok si Jeric. Tinginan naman sakin yung mga kaibigan ko
"Ayan na. Maglalaro na si 'Mr. Tiger' nung isa dyan" Mariel said while looking at me, namula naman ako at pinagtawanan lang ako ng mga kaibigan ko.
Rookie pa lang si Jeric pero malaki na ang trust na binigay sa kanya ng coach nya. Sabagay, magaling naman talaga sya eh. Hindi na ko magugulat kung maging rookie of the year sya pero syempre di din natin masasabi.
Napatigil ako sa pagiisip nung bigla kong nakita na may bumangga kay Jeric na kalaban. Napatayo kaming mga Tomasino. Nakakainis yung player na yun ah "HEY. WHAT WAS THAT? SINASANDYA YUN AH." Namalayan ko na lang eh napasigaw na ko. Gustong gusto kong awayin yung lalaking bumangga sa kanya, ang unsportsman naman nya.
"Kalma lang bru" Sabi sakin ni Van while holding my shoulders.
"How can I calm down? Pano kung ma-injure si Jeric" Nasabi ko sa kanila while still looking at Jeric.
"Bru, that's part of the game. Okay lang naman sya oh" Sabi ni Biancs
Mukhang okay nga lang sya. Magfi-free throw sya. Nashoot nya yung free throw and go on na with the game. Maybe I over reacted, kasi naman may napanuod akong game noon sa TV with the boys of our house and grabe talaga, sobrang physical nung game at may na injured pa. I just don't want that to happen to him.
In the end, the growling tigers won. Yaaaay. Jeric may not be the player of the game but he will always be the best player every game for me.
After that, inintay namin si Jeric makalabas kasi nga diba ipagluluto ko sya sa condo.
Dun muna kami sa kotse ni Van, dun na lang kami magiintay. Dami kasi tao eh.
"Bru, pede din ba kaming magpapicture mamaya kay Jeric?" Sabi ni Mariel
"Syempre naman." Sabi ko
"Ayos, solong solo natin si Jeric. Hahahaha" Yung iba kasi unahan makapagpapicture, ang dami pang nagpapapicture kaya kung di ayos yung picture eh mahirap na magpapicture ulit.
Maya maya eh nakita naming umuunti na ang tao and that's when my phone beeped
From: Mr. Tiger <3
Hey. Where are you? Iniwan nyo ba ko? :(
To: Mr. Tiger <3
We're here sa car ni Van, waiting for you. May pa sad face-sad face ka pag nalalaman :))

BINABASA MO ANG
Jeric Teng's secret girl (Incomplete) Idk When I Will Update
RomansEveryone wants to be Mrs. Jeric Teng. Joke. Misis agad? Maging girlfriend nga lang ni Jeric eh masayang masaya na ang mga kababaihan. Ganun din naman ako noon eh, masaya ako because I was Jeric Teng's girl kaso may problema eh, I am not only his gir...