(PAST)
Ysa's POV
~~RING~~
"Don't forget your homeworks. Pass it tomorrow morning sa faculty room" Sabi nung prof naming then umalis na.
"Mga bru, una na ko. My sundo's here na" Biancs said
"Bye" Sabi namin then nagpaalam na din si Mariel "Alis na din ako mga bru. Nagiintay na si Michael sa akin" Si Michael yung kapatid nyang mas bata. Susunduin din nya kasi ginabi sa school.
"Oh ano? Tara na?" Sabi ko kanila.
"Teka lang. Magaayos muna kami" Sabi ni Van tapos naglabas ng pulbo pati suklay at perfume. Si Andi naman eh ganun din "Syempre makikita natin ang tigers, baka pumayag na din magpapicture. Dapat maganda tayo"
Nung napansin nila na pinapanuod ko sila eh inabutan din ako ng pulbo "Hoy bru, mag-ayos ayos ka nga dyan." Sabi ni Van habang inaabot yung pulbo sakin. "Oo nga bru, magkikita kayo ni Jeric tapos ganyan itsura mo. Oh eto suklay, buhaghag na yang hair mo" Inabutan naman ako ni Andi ng suklay. "Sus. Dapat tanggap nya ako kahit ano pa itsura ko. Kahit oily pa mukha ko at magulo hair ko"
Binatukan naman ako nung dalawa. "Feeler ka bru. May patanggap tanggap ka pang nalalaman. Matu-turn off yun pag nakita kang ganyan. Hahahaha" Tinawanan pa ko ng dalawa at nag apir pa sila. Ang mean talaga nitong mga to. Huhu. Sumbong ko kayo kay Jeric. Haha. Joke.
Sinunod ko naman yung sinabi nila, hindi lang naman kasi si Jeric makakakita sa amin dun. Nandun syempre yung mga teammates nya pati si Coach Pido tska yung iba pang coaching staffs. Nakakahiya naman, diba?
+++
We were walking na papunta sa gym kung saan daw nagpapractice yung tigers, wala naman kasi talaga akong kaalam alam dito eh. Nung makarating na kami eh hinarang kami ng guards
"Saan po kayo pupunta?" Sabi nung guard samin. Si Andi namana ng sumagot sa kanya "Manunuod po kami ng practice ng Tigers, Kuya"
"Ah di po kasi basta basta pede pumasok. Mga kakilala lang po tska pag pinapunta talaga kayo dito, malapit na din kasi UAAP eh. Ayy teka may nagbilin pala sa akin na may dadating daw. May pupuntahan ba kayong Tiger?" tanong ni Manong guard sa amin
"Ito po" Sabay tulak sa akin pauna ni Van "Inaya po sya ni Jeric Teng manuod ng practice sabi po nya magsama ng friends kaya kasama kami. Haha"
Bumaling sakin yung tingin ni Manong guard "Ano ba pangalan mo iha?"
"Ysa Sy po" Sabi ko naman "pero sabi ni Teng eh Belle Sy daw yung pinapapunta nya. Ysabelle da--, Ahh ikaw din ba yung Belle?"
"Ako nga po. Yun po tawag nya sakin eh." Sabi ko naman habang nahihiya kasi tumataas na naman ang kilay nitong dalawang kasama ko. Alam kasi nila kung bakit belle tawag sakin ni Jeric eh. Niloloko nga nila ako eh. Mga to talaga.
"Sige pasok na kayo. Diretso lang naman yan" Sabi ni Manong guard tapos pinagbuksan kami ng pinto.
"Salamat po" Sabi naming tatlo.
Nung nakapasok na kami, rinig na namin agad yung mga talbog ng bola, pati yung ingay ng ibang nagchi-cheer. Madami kaya tao.
Nung nandun na kami sa mismong court eh nakita naming naglalaro yung mga tigers. Practice game ata to. Hinati sila sa dalawang team, May mga naka yellow at naka white. Si Jeric naman naka yellow. Ngayon ko lang sya nakitang naka jersey. Number 16 pala sya. Birthday ko yun ah, what a coincidence. Syempre alam ko naman na coincidence lang yun kasi di pa naman kami magkakilala malamang nung pinagawa yang jersey na yan.
Umupo kami dun sa bleachers. Nilibot ko naman yung paningin ko. May parang magbabarkada na naka-commerce uniform. Siguro barkada to ng tigers. Meron din tatlong babaeng magkakasama, ang gaganda. Malamang mga girlfriends to. May pailan-ilan din sigurong mga kapatid ng mga tigers, merong mga mukhang high school lang eh. Meron ding mga lalaking magkakasama, parang ang babata pa tingnan nitong mga to pero immerse na immerse sila sa panunuod.
BINABASA MO ANG
Jeric Teng's secret girl (Incomplete) Idk When I Will Update
RomanceEveryone wants to be Mrs. Jeric Teng. Joke. Misis agad? Maging girlfriend nga lang ni Jeric eh masayang masaya na ang mga kababaihan. Ganun din naman ako noon eh, masaya ako because I was Jeric Teng's girl kaso may problema eh, I am not only his gir...