Kapatid ni Nissa ang nasa pic.
***
3 weeks after....
Nalaman ko rin ang pangalan niya. Chase Travis Martinez. Hmmm. Gwapo na nga pati pangalan gwapo pa din. Wala na ba talagang pangit sa kanya? Nakakainis eh. Lahat ata nasa kanya na. Di ko tuloy mapigilan ang puso ko na tumibok abnormally. heheh. Sheet na malagkit.
"Ay maganda ako!"
"You wish,addict!"
Hehe. Kahit kailan talaga ang sungit nitong katabi ko. Tinawag pa akong addict, nasasanay na siya ha.
"Grabe ka naman, Chase. Di sabi ako addict eh!"
"For the nth time woman, don't call me Chase. It's TRAVIS." malamig niyang sabi.
Hmmpp sungit!
"Mas gusto ko yung Chase eh. Bakit ba? Arte mo talaga!"
"God! Just shut up!" he said giving up.
Ewan ko ba sa kanya kung bakit ayaw niya tawaging "Chase". Mas gusto ko yun kaysa "Travis" eh. Hehehe. Chase, i'll chase you.Hahaha. Natawa ako sa iniisip ko.
Kahit araw-araw parin niya akong sinusungitan, oh well sa lahat naman masungit siya, gusto ko parin siyang kulitin. Gusto ko kasi yung na cha-challenge ako. Haha. Funny. At least ako nga kinakausap niya pa, yung iba di siya magawang kausapin kasi kahit napakagwapo niya, napaka strikto naman ng face niya.Hehe. Good thing yun sakin at least wala masyado lumalapit sa kanya.Hahaha.
"Crazy."
Nabigla ako nagsalita na naman siya eh. "What?"
"You're smiling alone. tsss."
Ay nag-smile pala ako. Muntik ko nang sabihin na iniisip ko kasi siya.hahahha!
Lumipas ang mga araw at buwan.
Ganun pa din si Chase. Masungit. Hehe. Pero may naging mga kaibigan narin siya. At may banda nadin siya. Isa siya sa mga guitarist. Alam ko kasi minsan sumasama ako sa practice nila.
Akala niyo naman sinasama niya ako? How i wish ganun nga pero hindi eh. Sinisiksik ko lang sarili ko.Di joke.
Si Nissa kasi kapatid niya yung vocalist. Si Allen Rama. Sa bahay nila sila nag pa-practice kaya may palusot ako kung bakit nakikisawsaw ako. Kasi kaibigan ko ang kapatid ng vocalist nila.Hahaha.
"Andito ka ba talaga para dalawin ako?!" himutok ni Nissa.
"Oo naman. Bestfriend kaya kita! Hehe"
"Tsee! Obvious mo kasi eh."
"Ha?Anong obvious?" alam ko naman ibig niyang sabihin.HAHA
"Whatever An. Ikaw na talaga ang patay na patay diyan sa masungit na yan!"
"Oy di ah. Grabe ka naman. Ikaw nga pinuntahan ko. Miss kaya kita." palusot ko.
"Miss mo ba ako talaga?Naglalandi ka lang ata dito eh!"
"Ang sakit mo namang magsalita bf." umarte akong nasaktan ako sa sinabi niya.
"Hoy Antonette! Matagal na tayong magkaibigan alam ko kung umaarte ka lang!"
Natawa nalang ako. Kilala talaga ako ng lukaret na ito.
"Baby, pakisabi nga sa kai Nana Rosa na paghandaan kami ng pagkain.Di ko kasi siya mahanap."
Bigla nalang nagsalita yung kuya ni Nissa. Si Allen.
Nandito kami ngayon sa sala nila.
"Okay ku--"
"Ako nalang maghahanda ng pagkain niyo kuya Allen."
Umepal na ako.Gusto ko kasi makita si Chase na nagpapractice eh.
"Ha? Wag na An. Bisita ka dito. Nakakahiya naman." natatawang sabi ni kuya Allen.
Matanda lang siya ng dalawang taon samin ni Nisaa pero nakiki-kuya nadin ako.Makapal kasi mukha ko eh.Hehehe.
"Ay kuya hayaan mo siya. Magpapa-impress kasi yan---"
Ang daldalita talaga nitong babaeng to.Ugh! Pinandilatan ko siya ng mata.
"Ok lang. Ako na bahala para may silbi naman ako dito kuya."
"Hahaha. Sige ikaw bahala. Salamat!" si Allen.
Umakyat na ulit siya at pumasok sa music room.
"Nakuuu. Kahit kailan talaga ang landi mo.!" hirit ni Nissa.
"Ay grabe ka naman mana lang ako sayo.HAHA"
"Over my dead body Antonette!"
"Tulungan mo nalang kaya ako, bes?" napapitik pa ako sa hangin.
"Mag-isa ka. Ginusto mo yan!"
Ngumuso ako sa kanya. "Ang mean mo talaga!"
"Okay na kaysa malandi no!"
Aba't. Sobrang straight-forward talaga nitong babaeng to.Hahaha.
"Aray naman, di ba pwedeng na-inlove muna?" sabay tawa ko.
Inlove na nga ba ako?
OMG!

BINABASA MO ANG
Love and Chase
RomanceLet's capture the heart of a cold and furious man. Join me in my journey. Let's chase and love. Follow your heart.