Buong gabei nakabusangot ako. Nakakainis talaga yung Chase na yun. Grrrrh. Kahit crush ko siya di ko parin papalagpasin ang pagsigaw-sigaw niya sa akin. My golygoly. Tsk.
Subukan niya lang akong kausapin bukas hahampasin ko talaga siya ng chemistry book namin.
Aw as if naman na mamansin yun. Okay ako na assuming hheheheh.
***
Kinabukasan
***
Akalain mo yun. Di pumasok si Chase. Mas lalo akong nabwesit! Grrrrh. Nag eemo ata yung lalaking yun.
"Hoy buang! Maraming masamang nangyayari sa mundo wag mo ng dagdagan!" si Nissa. Umandar na naman ang kaepalan.
"Ano naman ang kinalaman ko don?"
"Yung face mo! Masamang tignan besh! Pangit mo!"
Ay Leche talagang bestfriend to may saltik.
"Heh! Tumahimik ka. Wala ako sa mood ngayon na hambalusin ka! shit ka!"
Ganyan talaga kami wag na kayong magtaka.
"Heehe. I smell something fishy besh ha! A-ha! Absent si...." nginuso niya yung upuan ni Chase.
"Pakialam ko dun! Bwesit!"
"Hahahahha! Halata mo naman gaga ka!"
Hinayaan ko nalang si Nissa na tumawa. Kahit pumotok yung ugat niya sa leeg wala akong pakialam. Basta ang alam ko bad trip ako!
Naiintindihan niyo ba?! Badtrip ako!
The following days di ko pinansin ang katabi ko.
Ang nakakainis lang hindi rin siya nagsasalita. Sino bang galit dito? Ako o siya? Bwesit na buhay naman oh! Bahala siya diyan no. Sakalin ko siya ng sang milyong beses eh! Tengina! Hoho. Ganun na nga ang nangyari, wala kaming imikan kahit magkatabi lang kami. Oh diba? Galit galit ang peg namin. Dios na mahabagin naman oh!
"Class good morning! Since malapit na talaga ang pasko may activity akong ipapagawa sa inyo."
Ay nako, ito na naman! Napabuga nalang ako ng hangin.
"Hmmm.. Maganda na ang classroom natin salamat sa pag decorate niyo, pero gusto ko lang sabihin na napagpasyahan ng faculty at ng admin ng school na dapat may parol sa hallway, sa classroom at kahit saan mang sulok ng school nato.. So, mag by twos kayo para gumawa ng parol.. pass it next week.. Kahit simple lang pero wag naman yung walang effort na pagkakagawa.. Hehehe.."
Ok shoot. Buti hindi brainstorming or something.. Ok ako pag ganyang activities. Hehehe. Pero ano daw? By twos? So? Tumingin ako kay Nissa. Siya na lang ang partner ko kahit ang ending ay ako na naman ang gagawa.
"Para fair naman. Ang magiging partner niyo ay ang taong nasa kanan niyo, starting from this edge up to Mr. Martinez." biglang singit ni Ma'am.
Whaaaaaaaaat?? Sigaw overload. Pero sa utak ko lang. Ano ba naman kasi. Yung nasa right ko si Chase. Ugh! As if naman hindi ka masaya? Sigaw ng konsenxa ko. What? Bakit naman ako magiging masaya? Huh! Pasko nga ito.
"Paano ba yan si sungit partner mo?" siniko ako ni Nissa.
Nag pout ako na tumingin sa kanya. Nakakainis lang kasi pero.. Okay gusto ko rin. Hehehe. Masosolo ko si Chase. Drop the thing na galit ako sa kanya. Hahaha. Nababaliw na ba ako?!
"Gusto mo naman!" bulong ni Nissa.
Ay paano niya nalaman? Ganun na ba ako ka transparent?
"OY di ah!" Todo tanggi ko. " Wala ata akong mapapala sa partner ko eh, puro kasungitan lang! "
"Are you reffering to me pea-brained?"
Oy nagsalita rin si mas pea-brained. Akala ko tinapon niya na ang bibig niya sa outer space eh. Hahaha!
"Ha? Hindi ah! Nagsasalita ka pala?"
"Crazy." patay malisya niyang sabi.
"Mas baliw ka!" pinandilatan ko siya.
"Talk to your hand Antonette."
"What?" Literally naman ay tinaas ko ang kamay ko at humarap dito. "Oy hand kausapin daw kita! Mas may sense kapa kausap kaysa sa sungit dito sa tabi ko eh!" sarcastic kong sabi.
"Idiot." he then smiled a bit.
Pero sandali lang. Anakngpucha naman oh! Bakit ba kahit parang halus pilitin niya lang mag smile eh ang gwapo parin niya! Nakakainis naman. Sarap sipain eh. Nakakabaliw naman ang isang to. Ghash Chase! Why so handsome baby?! Hahaha!
Sabado ngayon at napagpasyahan namin ng partner ko, which is si Chase baby, na sa bahay nalang nila kami gagawa ng parol. Ayaw ko naman sa bahay no babarilin ako ng tanong ni papa tapos baka di lang pansinin ni Chase o di kaya sungitan pa niya. Naku! Iniimagine ko na na ihahagis siya ni papa sa outer space.
Inilatag ko na ang mga materials na binili ko kahapon. YES, tama po, binili KO kahapon kasi hindi ako simahan ng nagppms na lalaking itey. Kaya wag niya akong masisisisi dito pag may aayawan siya sa kulya or materials na gagamitin namin. Promise egu-glue gun ko yung bunganga niya. Hahaha!
"Ano bang ma-susuggest mong design?" tanong ko.
Nagkibit balikat lang siya. Pffft. Napabunot ako sa bermuda grass sa frustration. Wala talagang pag-asa ang lalaking ito sa kahit anong bagay. Papano kaya nakakapasa to? Ugh. At nandito pala kami sa garden nila na maganda sana pero mas lumilitaw ang frustration ko sa kausap ko. Aba't kahit gwapo siya nakaka-stress parin siya no!
"Di nga Chase? Any suggestion? Alangan namang ako lang ang mag dedesign nito? Ano ka sinuswerte? HUH! Kaya nga partners diba kasi para hindi masyado mapressure ang isa?"
"You can do it." smiles.
Putangmudrabelles! AHHH! Oo nahi-hypnotize ako sa smile niya pero.. Grrr! Lord namin eh. Huhuhuh.
"CHASSSEEEE! Don't do this to meeeeeeeeee."
"I didn't do anything, idiot!"
Oo nga naman wala siyang ginagawa, ako lang tong OA sa smile niya. Bwesit na pakshit.
"Tulungan mo nalang ako okay?"
"Okay."
"Good."
Tutulong din naman pala. Bigla namang tumayo si Chase.
"Hoy saan ka pupunta? Akala ko ba tutulungan mo ako?!"
"Uhm yes? I'll prepare food."
"What? Yun na yung tulong mo?! Mag prepare ng food?! Nangti-trip ka ba?!"
"Nope."
Tapos bigla na lang siyang umalis tapos sumigaw ng "Manang please prepare food for us.Thanks!"
What the fvcking eff? Siya daw magpi-prepare? Neknek mo Chase. Ugh!
So ano ako ngayon?! AHHH! Chase! Pambihirang lalaki yun ah!
after some time...
Nangangalahati na ako sa parol na ito pero hayun si Chase kasama ang gitara niya. Ang kapal ng mukhang maggitara sa harapan ko. Hindi ako makapag-concentrate eh, kasi naman kahit sabihin na nating naiinis ako sa ka walanghiyaan niya eh nakaka-inlove naman siyang maggitara.
"Hoy Chase wala ng stick glue! Bumili ka nga!"
Hindi man lang ako pinansin, mas napansin pa nga siguro ako ng langgam kasi nakita kong natigilan ito sa paggapang. Ha! sige kainin mo yang foods na para sa akin at titirisin talaga kitang langgam ka. Grrh!
"Later, just eat first."
"Kahit mas gusto kong kumain ay hindi ako mapakali dito. Ugh! Glue stick!!!!" himutok ko. Ako na nga lang ang nag-e-effort dito eh.
"Leave it will you? And eat."
"Kay.. Sabi mo eh! Ikaw? Kumain karin!"
Akala ko di siya susunod pero nagulat nalang ako ng sabayan niya akong kumain. Oy may eclipse ba? Himala ata sinunod niya ako ngayon. Hehehe.

BINABASA MO ANG
Love and Chase
RomanceLet's capture the heart of a cold and furious man. Join me in my journey. Let's chase and love. Follow your heart.