Sumama na nga ako kay Chase. Kahit may naiwan akong trabaho. haha! Hayaan na ngayon ko lang nasolo ang nilalang na ito eh. Pangiti-ngiti ako habang nakatingin sa kanya. Ang gwapo niya talaga. My ghad hindi ako nagsasawang titigan siya. Nakakaloka naman ako.hehehe
Kanina pala hinarang pa kami ng guard, saan daw kami pupunta. Akala ko nga di na kami makakalabas pero ang cool parin ni Chase. Sinabi ba naman sa guard na natagusan ako. Hahaha. Muntik ko na ngang batukan eh. hehehe.
"Chase, saan ba tayo pupunta?"
Tinignan niya lang ako. Di na ako sinagot. Sungit talaga. Sabi ko nga di nalang ako magsasalita.
Nakita kong pumasok kami sa isang subdivision. Hmmm. Balita ko ito yung pang mayaman na subdivision eh. Gwapo na mayaman pa. Lahat na yata nasa kanya. Eh di siya na. hahaha!
At teka ano namang ginagawa namin dito?
Wag na nga lang akong magtanong baka sipain ako palabas eh. hehehe!
Maya-maya ay tumigil kami sa isang itim na gate. Mataas ang bakod. Di ba pag ganitong mataas ang bakod mga mata pobre ang nakatira? Di ba ganun yun? heheh!
Ay teka so nandito kami sa bahay nila?!
Malamang diba? Alangan namang bahay to ng ibang tao tapos si Chase papasok-pasok lang. Neurons naman gumana kayo.
Bumukas ang gate tapos pinasok na ni Chase ang sasakyan niya. Namangha ako sa ganda ng bahay nila. May swimming pool pa. Gusto ko tuloy maligo walang ganyan sa bahay namin eh. Hehehe. May swing pa sa kabilang bahagi at may mga kahoy na furnitures yung pang garden. Ang presko sa mata ng bahay nila.
Di naman kami matatawag na mahirap pero di rin naman kami mayaman. Kumbaga average lang kami. Di kami yung nagwawaldas ng pera para sa mga maluluhong bagay. Ang arte ko pa naman. Heheheh. Nahiya ang ate niyo sa ganda ng bahay nila Chase. Halatang di basta basta si sungit.
"Aray naman!" bigla nalang pinitik ni Chase ang noo ko. Masakit yun ha.
"Close your mouth, Antonette!"
Ay buang. Nakanganga na pala ako. Takte nakakahiya sa kanya. Kasalanan ko bang maganda yung bahay nila, gibain ko to eh. Hahahha!
"Ay pasenxa kana. Ang yaman niyo pala, Chase." Nahihiya na natatawa kong sabi.
Nagkibit-balikat lang siya tapos nagsimulang maglakad papasok ng bahay. Hanep main door palang halatang pinaglaanan ng datung. Iba na talaga pag maraming pera. Hehee.
"Wow!!!!"
Kung maganda sa labas, may igaganda pa pala sa loob ng bahay. Sayang lang yung nganga moment ko sa labas. Hahahha! gold and cream tapos may kunting touch ng white yung bahay nila. Tsaka ang ganda ng sofa. Pang mayaman. Tapos yung hagdan nila, may carpet pa. Walanjo naman oh. Pwede na ba akong tumira ditey? Heheheh! Asa pa ako. Hahaha!
Joke lang hirap kaya linisin ng ganito kalaking bahay. Ok na ako samin. Pero pwede din ako dito. hahaha! pikotin ko kaya to si Chase? Wahahahahah!
Panay parin ang wow ko ng bigla na namang nagsalita si Chase.
"You weird woman. Wait here."
Tinuro niya ang sofa kaya umupo ako. Bakit kaya ako pinasama ng mokong na yun dito. Pinagmamayabang lang ata niya yung bahay nila eh. Psssh.
Hindi naman nagtagal ay bumaba narin siya.
"Let's go."
"Ay ganun? Wala man lang bang snack?" aalis nadaw kami eh kararating lang nami ah. May saltik talaga to.
Hindi na niya pinansin ang sinabi ko kaya instead na iwanan niya ako, which is pwedeng mangyari kasi walang paki yun sa mundo, sumunod nalang ako sa kanya. Sarap itulak sa pool kahit gwaping eh. ugh!
After namin umalis sa bahay ay nandito kami ulit sa school. wtf! sana naman Hindi na ako sumama. abnormal talaga tong lalaking to eh.
"Oh bat bumalik tayo dito? Anong meron?" tanong ko.
"Program, right?"
Aw oo nga pala. ahhh!
Dali-Dali akong lumabas ng kotse niya. Di ko na nga nilingon eh. Kailangan ako sa program, Isa ako sa mag oorganize. Leche nasan naba ang utak ko?! huhu.
Akala ko bumaba narin si Chase pero nakita ko siyang muling pinaandar ang sasakyan niya. Hala San pupunta si crush?!
Binalewala ko nalang at tumakbo na ako papuntang auditorium .
Pagkatapos ng program ay bumalik ako sa classroom para kunin ang mga gamit ko.
Mabuti naman may natapos ang mga classmate ko sa pag dedecorate .
Napa smile ako.
Paglabas ko ng campus ay agad na akong nag-abang ng jeepney. Di nagtagal ay nakasakay rin naman ako.
Traffic na naman. Kailan kaya masosolve ang problemang itey. 16 years na ako sa mundo pero ganito parin ang kalsada. haaay.
Napagpasiyahan ko nalang bumaba at maglakad para sumakay ulit dito sa divisoria.
"Chase stop it!"
Bigla akong napalingon sa pinaggalingan ng boses. Well nakatawag pansin ang "Chase" na pangalan sakin.
"I won't stop unless you make this things clear to me."
Aba si Chase nga. Anong ginagawa niya diyan sa labas ng bar at sino ang kausap niya?! Pwede naman siguro akong maki chismis diba?
" I'm breaking up with you."
Chase stayed still but I bet galit na siya. Hala. Totoo ba talaga ito?
" Why is it this time, Luna?"
" You're really asking me that? Seriously Chase? Why don't you try asking your goddamn self?"
" I'm asking you why because if I know I wouldn't ask you instead." Chase said calmly.
"God you're really insensitive. Why do I even like you?"
"Ask your self don't ask me."
"Ugh! This conversation is takin us nowhere. I quit! I can't stand another insensitiveness Chase."
"Isn't it enough that I love you?"
Aray. Napahawak ako sa dibdib ko. Hala oy heart ah OA mo naman. Tsk.
"Chase, I love you too but..."
"But what?"
"But love isn't always enough Chase."
Then she left Chase. Hindi ko inakala na ako pa ang makakasaksi sa kabiguan ni Chase. May girlfriend na pala ang masungit Hindi man lang nagsasabi. Oh well papel, wala naman talaga sa itsura niya ang mag share.
Tinignan ko ulit si Chase. ganun pa din yung posisyon niya Hindi na gumalaw ang mokong. Hala. Nasaktan ata sa break-up.
Lalapitan ko ba o hindi?
Parang na paralyze ata siya sa kinatatayuan niya. Baka mag overnight siya diyan no. Lapitan ko nalang.
"Chase!"
Bigla siyang lumingon. Pero ng nakita niya ako wala naman siyang reaction.
"Oy okay ka lang ba? Naglalakad lang ako tapos nakita kita dito! So lumapit na ako, friends naman tayo eh. heheh" takte. Hayaan niyo na ako guilty kasi nakichismis pa. hoho.
"Go away." halos pabulong niyang sabi.
"Ano ba ginagawa mo dito?"
Alam ko naman Kung bakit nag as if nalang ako. kainis.
No respond.
Snobero naman!
"Hooooyyy Chase Martinez!"
"Leave me alone!!"
Napa- atras ako kasi sumigaw na si Chase. Hala sabi ko nga eh ang kulit ko.
"Okay Bahala ka nga. Sungit mo ha!"
Leche naman oh concern lang ako.
Broken hearted yung crush ko eh.
Iniwan ko nalang siya. Bahala siyang magka-ugat dun!
Hmmmmmp.

BINABASA MO ANG
Love and Chase
RomanceLet's capture the heart of a cold and furious man. Join me in my journey. Let's chase and love. Follow your heart.