LUHAN'S P.O.V
"Luhan gising na"- mahinahong sabi ng P.M ko alam kong siya yan siya lang naman ang may ari ng boses na kinakainisan ko eh....
"5 mins."- sabi ko at tinakpan ng unan ang mukha ko.
"Luhan...anong oras na andami panating kailangan para sa school kaya kailangan maaga tayo"- sabi niya,himala di ako sinisigawan.
"Yes boss,ito na nga ako pwede kanang lumabas"- sabi ko lumabas na siya ako kinuha na ang tuwalya ko at naligo.
Nang matapos kong mag ayos lumabas na ako at naabutan kong nasa labas si tiffany naka indian seat siya at nakapikit tulog ata di konaman maitatangging maganda talaga siya,maputi,sexy aish!tama na.
"Hoy!"- siga ko nagising naman agad siya.
"Oh..andyan kana pala tara na!nag aantay nasi manong"- sabi niya at hinila ako pababa ang lambot kamay niya...
"Luhan bibili muna tayo ng bag tapos mga kailangan natin sa school okay?tsaka dadaan din tayo ng grocery dahil wala ng laman yung mini ref.mo diba?"- sabi niya tumango nalang ako at nag headset umiling nalang siya.
Nakabili na kami ng bag oo agad agad...nandito kami sa national sumusunod lang nama ako kay boss(tiffany)tapos siya kuha lang ng kuha ng kung ano ano....humjwalay muna ako sakanya at pumunta sa mga books naghahanap lang ako ng mababasa...Fifty shades of grey kaya?ay wag!bad yon...The Fault In Our Stars nalang kaya?mukha namang maganda kaya kinuha ko pagkakuha ko non may nakita akong dyosa sa kabilang side si tiffany...ang ganda niyang pagmasdan kung di kolang talaga maid to niligawan konato!kaso ayoko sakanya eh!
"Aray!bag ka namimitik?!"- galit kong sabi sakanya aba pitikin daw ba ako?
"Kanina pakita tinatawag,okay na tara na kumpleto na ikaw nalang kulang"- sabi niya at lumabas na syempre sumunod ako.
"Manong palagay nalang po muna yung pinamili namin sa sasakyan tawagan nalang po namin kayo pag tapos na kaming mag grocery"- sabi ni tiffany tumango nama si manong at unalis na hinarap naman ako ni tiffany.
"Ikaw Monster,wag kang tamad ha?"- sabi niya ano daw monster?!
"Monster?!"- sabi ko tumingin nama siya sakin.
"Oo tsaka bakit diba?ayusin mo sagot mo kundi babalian kita ng buto"- sabi niya tsk...tinarayan ko nalang siya.
'Tara na nga!daldal mo"- sabi ko pero ang babaeng to di magpapatalo kaya naman.
"Panget mo"-sabi niya,at inunahan ako hahaha may balak ako nasaakin yung pera na pambili ng grocery eh!
"Luhan ano mas gusto mo apple o mangoes?"- sabi niya at may binigay saakin na dalawang supot yung isa apple yung isa mangoes....
"Apple"- sabi ko tumango nama siya at nilagay sa basket yung apple madami pa siyang kinuha like juices,snacks softdrinks etc.and yes!nandito narin kami sa counter.
"Miss mag kano po"- tanong niya dun sa babae.
"P4,499 po"- sabi nung babae kinuha naman niya yung wallet niya at nanalaki ang mata.
"Uy!may pera ka dyan?bayaran kita mamaya"- sabi niya hahaha welcome to hell Ms.Hwang.
"Wala bahala ka dyan"- sabi ko at iniwan siya bahala siya sa buhay niya dumiretso ako sa parking lot at hinanap yung kotse namin nang makita ko kung nasaan sumakay ako don at nag pauwi na ang sabi ko kay manong nauna na si tiffany ano kaya nangyari don?hahahaha....
Nang makarating kami ng bahay dumiretso ako ng kwarto at natamaan ng flying unan sakto pa sa mukha ko...
"Ikaw!Tama bang iwan ako don sa mall ha?!tsaka anong akala mo?!hindi ko alam mga binabalak mo ha?!buti nalang at kapatid ko si dora at lagi akong handa!argh!bwiset ka kakalbuhin talaga kita!!!"- sabi niya at sumugod saakin at pinag hahampas ako ng unan.
"Ano ba,tumigil kana nga!"- sabi ko tumigil naman siya pero sinipa niya muna ako sa bahaging pinaka iniingatan ko bago umalis...lord wag po muna niyo akong baugin ngayon gusto kopang magka anak!ouch!yung pagkalalaki ko!Humanda ka talaga saakin TIFFANY HWANG!!!