LUHAN'S P.O.V
Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto nila manang at tiffany syempre di tiffany inaantay ko antagal kasi...magbibihis lang eh!well papasok na kasi kami yung shopping namin kahapon success naman si tiffany lang talaga patagal....inaayos padaw kasi niya yung buhok niya.
"Luhan ano okay ba?"- narinig kong may nagsalita sa likod ko at alam kong si tiffany yon kaya nilingon ko at....ang ganda niya!bumagay sakanya yung suot niya!shit!nagmukha na siyang tao!siguro naman mukha na siyang kaibigan ko noh?
"Oh ano monster ganda konoh?"- sabi niya at nag popose maganda siya kaso paminsan mukhang tanga.
"Kapal mo bilisan mo malate pako dahil sayo"- sabi ko syempre siya nag buhat ng bag ko di porket nagpapanggap kaming bestfriend pasarap siya noh!tsaka sandali lang naman kami magpapanggap nito eh....hmm mga 1 week lang.
"Tsk...humanda kasakin sa school"- sabi niya at tinanggal yung shades niya tsk...grabe natakot ako.
Nandito na kami sa school syempre kinuha ko kay tiffany yung bag baka kasi hindi maniwala yung mga loko na bestfriend koto maya maya naka salubong namin si Amethyst isa sa mga girlfriends ko.
"Luhan sino to?"- mataray na sabi niya pumunta naman si tiffany sa harapan ko anong balak ng isang to?
"Diba halata?bestfriend niya wag kang tanga"- sabi ni tiffany humarap naman sakanya si Amethyst.
"Bestfriend?baby wala kang nababanggit na may bestfriend kang babae..."- sabi ni amethyst at kumapit sa braso ko.
"Mamili ka Miss Aalis ka dyan ng kusa o gusto mong kaladkarin kita paalis dyan sa dadaanan namin "- chill na sabi ni tiffany mukha naman natakot si Am.kaya nag walk out.
"Oh anong tinitingin-tingin mo dyan?"- poker face na sabi ni tiffany at tinarayan ako.
"Tara na nga"- sabi ko at inakbayan siya napatingin naman siya sakin.
"Bestfriend kita diba?"- sabi ko umiwas nalang siya ng tingin tsk....pano kaya may manliligaw dito kung ganito to ka sungit?
Nandito nako sa tapata ng room ko kailangan kong mapapasok ng room si tiffany para mapaniwala ko ang mga loko.
"See You later bestfriend"- sabi ko napatingin naman yung mga classmates ko saamin syempre pati narin ang mga panget kong kaibigan.
"See You later din bestfiend bye!muah"- sabi ni tiffany at nag flying kiss syempre sinalo ko sayang noh makuha pa ng iba.
"Woah pre!sa lahat ng babaeng nakilala ko yung bestfriend mo ang pinaka maganda pre bre-break ko si yuri payagan molang akong ligawan si tiff."- sabi ni kai kaya ayun binatukan ko.
"Ito joke lang eh!"- sabi ni kai at bumalik na sa ginagawa niya kanina hayy buti nalang naniwala ang mga to kundi nako pwede nakong mamatay well ayoko lang naman sasabihin korin naman yung totoo after one week.