LUHAN'S P.O.V
"Luhan...wake up!"- sigaw ng makulit kong personal maid kaya no choice ako kundi gumising.
"Ano bayon?"- tanong ko at dinilat yung mata ko.
"Oh pinapabigay ng papa mo"- sabi niya kaya kinuha ko yung letter.
Dear Luhan,
Anak pumunta ako ng japan its about buisness at hindi ko alam kung kelan ako makaka uwi binigyan korin ng 2 months na bakasyon silang manang kaya ikaw at si tiffany lang ang andyan sa bahay kaya wag mo siyang pahirapan makinig ka sakanya malaman kolang na may ginawa kang kalokohan malalagot kasakin pag uwi ko.- Dad
Ayan yung nakalagay sa letter wtf?!ano bang iniisip ni dad?isang araw pangalang na bwibwiset nako sa babaeng to 2 months pa kayang kami lang dalawa dito sa bahay edi 24/7 ko siyang makakasama?!god!torture nato ah!
"Aish!umalis kana nga dito!"- sabi ko tinarayan naman niya ako.
"Bumaba kanalang pag gutom kana"- sabi niya at umalis na god?di napo ako magpapaka playboy at dinarin po ako mambubully basta lord alisin niyo sa buhay ko si tiffany please po amen!
Bumaba nako dahil gutom na ako kanina pa sakto namang nakita kong papaalis si tiffany.
"Oh...saan ka pupunta?"- tanong ko nilingon naman niya ako.
"Mag gro-grocery sama ka?"- sabi niya umiling nalang ako.
"Okay bye"- sabi niya at umalis na wait?kaya niya bang madala yun?aish bahala na.
Tapos nakong kumain teka nga?mag gro-grocery siya eh wala pang bukas na mall ngayong oras nato ah?!galing mag palusot nung isang yun....tawagan ko kaya?wag!sabihin panong concern ako sakanya bakit hindi ba?hoy ina mo konsensya kalang manahimik!puntahan ko kaya sa bahay nila?oo tama baka nandun lang yun!
Nandito ako sa loob ng kotse ko nasa tapat na nga pala ako ng bahay nila ayoko lang muna lumabas ewan ko pero kinakabahan ako may nakita naman akong matandang babae na lumabas lola niya ata,kaya lumabas ako at pinuntahan si lola.
"Lola kilala niyo po ba si Tiffany Hwang?"- tanong ko.
"Anong kailangan mo sa apo ko?"- sabi niya.
"Ah..lola saamin po siya nag tra-trabaho"- sabi ko ngumiti naman siya.
"Tara ijo pasok muna tayo sa bahay teka nag almusal kanaba?"- tanong niya bat ang bait ng lola ni tiff.pero soya hindi?
"Opo nag almusal napo ako,lola ako napo mag buhat"- sabi ko at kinuha yung hawak niyang ewan ko kung anong tawag don.
"Sinungaling pala ang apo ko"- sabi ni lola at saktong nakapasok na kami sa bahay nila maganda naman pala bahay nila eh...sakto lang para sakanila simple pero buo ang pamilya.
"Bakit naman po lola?"-tanong ko pina upo naman ako ni lola kaya umupo ako.
"Sabi niya kasi sakin masama daw ugali mo talo mo padaw ang isang halimaw"- sabi ni lola at uminom sa kape niya grabe talaga yung babaeng yun.
"Pero tama naman siyang gwapo ka at malaki ang katawan"- sabi ni lola sinasabi ko na nga ba at may pagnanasa saakin yung babaeng yun eh!
"Ijo bat ka nga pala napapunta rito?"- tanong ni lola.
"Ah...tatanong ko lang po kung nasan si tiffany"- tanong ko.
"Di ba kayo magkasama?sabi niya kasi saakin na aalis daw ang papa mo at ang mga katulong niyo naman daw ay may 2 buwan na bakasyon kaya dun siya matutulog sa mansyon niyo para daw bantayan ka"- sabi ni lola pati sa lola niya hindi niya rin sinasabi kung saan siya pupunta.
"Pero subukan mong pumunta sa pangmayaman na sementeryo"- sabi ni lola.
"Saan po?sa ****** cementery po ba?"- tanong ko tumango naman siya nagtataka siguro kayo kung bakit alam ko yun noh?dun kasi naka libing si mama.
"Nagtataka ka siguro kung paano namin siya napalibing dun noh?bata palang si tiffany non ng mamatay ang nanay niya 15 years old siya non at nag hanap siya ng trabaho para mapalibing sa maganda at maayos na libingan ang nanay niya"- sabi ni lola nakakaawa siya i mean kasi ako kayang kaya ko iyong gawin ng hindi pinagpapawisan pero siya 15 years old palang ako gadgets na hawak ko eh...pero siya bata palang siya,nag tratrabaho siya hindi para sa sarili niya kundi para sa iba....im proud of her kasi na kayanan niyang mabuhay ng walang magulang ako nga maisip kolang na balang araw mawawala rin si dad hindi ko kakayanin eh.
"Lola puntahan ko na po siya ah"- sabi ko at mabilis na pumunta sa sementeryong yon hinanap ko siya at buti nalang nakita ko agad siya lalapitan ko na sana siya ng mag salita siya.
"Hi mama ito nanaman ako hihingi ng sorry sayo*sob mama sorry kung paulit ulit ha?dika kasi mawala sa isip ko eh at mas lalo na dito*sob...mama hindi ikaw dapat ang nandyan eh*sobr si papa dapat kasi masama siya hindi ka niya pinanindigan ma...*sob sorry nga pala ma kung hindi ko matupad yung pinangako ko sainyo...na bigyan ng magandang buhay sila lola *sob...pero ma dont worry *sob mag iipon lang ako ma*sob mama alam mo ba?nayung kwarto mo ganon padin yung ayos?*sob tama na nga ma!ang drama ko na eh!tsaka baka malaman nung monster nasi luhan na nag sinungaling ako hayaan mo ma next week dadalawin ulit kita"- sabi niya ngayon ko palang siya nakitang ganito yung mahina,malungkot,umiiyak,at walang kalaban laban.Sinusubukan niyang ngumite kahit di naman niya kaya lumapit ako at halata namang nagulat siya.
"Hi Tita!ako nga pala to si Luhan/Monster na pinaka gwapo sa balat ng lupa,tita sa susunod pag sabihan niyo anak niyo ha?nagsisinungaling po kasi eh....tita wag kayong mag alala akong bahala sa anak niyo"- sabi ko at inakbayan siya yung mata ni tiffany maga padin i want to help her hindi dahil may gusto ako sakanya kundi dahil naawa ako sakanya.
"L-luhan a-anong ginagawa mo dito?kanina ka pa ba?narinig mo ba sinabi ko?ayy sorry nga pala nag sinungaling ako"- sabi niya at yumuko.
"Its okay pero dapat nag paalam ka hindi naman ako magagalit na dalawin mo yung mama mo eh..."- sabi ko at nginitian siya ngumiti naman siya pabalik she's really beautiful walang duda mabait siya s-sexy?oo sexy siya aish!manahimik ka luhan.
"Luhan tara alis na tayo baka umulan eh..."- sabi ni tiffany at naka tingin sa langit.
"Wait unfair naman yun ako kilala nako ng mama mo tara punta naman tayo kay mama"- sabi ko at hinila siya syempre malakas ako kaya wala siyang choice kundi sumama magkalapit lang yung puntod ng mga nanay namin kaya mabilis naming napuntaha yung kay mama...
"Hi mama ito ako yung gwapo niyong anak nasi luhan!at ito namang babaeng nandito katabi ko personal maid/new friend ko"- sabi ko at nag hi sa puntod ni mama gumaya naman si tiffany.
"Hi!tita!ako po pala si Tiffany ang maid ng anak niyong gwapo pero pasaway"- sabi niya at tumawa,hanggang kailan talaga tong babaeng toh.
"Hayysss ma!next time nalang ako mag da-drama sayo,pag hindi ko na kasama tong babaeng toh tsaka paulan narin kasi eh bye ma!"- sabi ko at tumayo na kami.
"Luhan wait!picture muna tayo!wag kang kj bayagan kita dyan sige ka"- sabi niya,at syempre gusyo ko pang magkaanak pumayag nalang ako unang post namin smile lang,sunod naka akbay at nakangiteng nakatingin sakanya siya naman nakatingin ng masama sakin'third post naman ay wacky,then last ay hindi inaasahan dahil nakunan na sobrang lapit ng mukha namin as in 1 inch nalang mahahalikan ko na siya.Nagkatinginan lang kami hanggang sa umiwas na siya ng tingin.
"Ah...luhan tara na paulan na oh"- sabi niya at hinila na ako papasok ng kotse,Habang nasa biyahe kami umulan na may bagyo ba?ang lakas kasi ng ulan.
"Luhan,dun muna tayo sa bahay matulog ah...ang lakas kasi ng ulan eh baka abutan tayo ng baha sa biyahe"- sabi niya tumango nalang ako at iniba ang direksyon papunta sa bahay nila.