Chapter 39 - "Right Time?"

36 0 0
                                    

*Chapter 39

Mat's POV

|Hoy Mat! Baka pwedeng pahiram naman ng computer diba?! Kanina ka pa eh! Ano bang......|

Si kuya habang sinisilip silip yung monitor. Tss. Usisero tong kuya ko. -.-"

|Ano ba kuya! -.-"|

|Nang-iistalk ka nanaman! Hay nhako!|

|Paki mo? Tss. Oh yan na nga. Iyo na! Psh.|

|Thanks kapatid! Bait talaga ng utol ko. HAHAHAHAHA|

Tss bahala nga siya dyan basta ako aalis ako. Nakita ko kasi post ni Mimi eh. Aalis sila ng pinsan niya. Sa SM daw ang punta nila. Susundan ko sila. :D

|Oh saan punta mo?|

|SM|

|Gagawin mo dun?|

|Wala ka na dun. Alis na ako|

|Bat dala dala mo yan?|

Dala dala ko kasi yung  dslr ko. Kukuhanan ko ng picture si Mimi eh bakit ba?!

|Bibilhan ko ng tripod. Ge|

At tuluyan ko nang nilayasan si kuya. Nakakaasar eh.

Habang nakasakay ako papuntang SM kinalikot ko yung dslr ko at nakita kong walang memory card. P*tcha! Tinanggal ko nga pala. Bwiset! Bibili nalang ako ng bago. Para hiwalay na din ang picture ni Mimi sa mga photography ko.

Pagtapos kong kalikutin ang dslr ko napatingin ako sa paligid. Marami nang nagbago dito. Ni hindi ko nga alam na may bagong tayong SM dito eh. Hayyyy marami na nga ang nagbago. Pero sana hindi an Mimi ko. Sana hindi niya ako nakalimutan. Sana walang nagbago sa amin. Alam ko namang kasalanan ko eh. Kasi umalis ako nang di man lang nagpapaalam. Ayoko kasing magpaalam kasi baka di ko mapigilan. Baka di ko kayanin. Ayokong makitang umiiyak si Mimi. Ayokong masaktan siya. Hindi ko kaya.....

Oo. Umalis ako nang hindi nag papaalam sakaniya. Alam ko namang masasaktan ko din siya sa ginawa kong yun pero wala na akong choice. Mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Umiiyak. Oo selfish ako non kasi iniwan ko siya nang hindi nagpapaalam dahil lang sa ayaw kong makita siyang umiiyak sa pagalis ko. Samantalang siya sobrang nasaktan nang dahil dun. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako magpapaalam sakaniya. Kung paano ko sasabihing "Goodbye Mimi. Mamimiss kita.." Iiyak yun panigurado.

Pero bumalik naman ako eh. Bumalik ako dito para itama ko na ang mali ko. Bumalik ako para kay Mimi. Pero mukhang ayaw na ni Mimi. Mukhang ayaw na niya akong patawarin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Eto nalang ang naiisip kong paraan. Eto nalang.

|Oh SM! SM! SM na po!|

Andito na pala ako. Ang daldal ko kasi. Hahahaha. Napasarap ang kwento ko dun ah. Ang ganda kasi ng tanawin. HAHAHAHAHAHAHAHA.

|Bayad po.|

Pagkabayad ko bumaba na ako at pumasok na sa SM.

Nasaan kaya si Mimi? Pagkapasok ko siya agad ang hinanap ko. Pero nalibot ko na ata itong buong mall, wala parin akong Mimi na makita. Baka wala pa sila? Aish. Kukupad naman. Hahahaha. Makabili na nga muna ng memory card. -.-"

Umakyat ulit ako sa 2nd floor at pumunta sa may bilihan ng memory card. Sa may Nikon na ako pumasok para sure narin yung mabibili kong card.

|Goodafternoon sir! Ano po sainyo|

Sabi nung saleslady.

|Ay. Memory card po sana para dito sa dslr.|

|Ilang gig po?|

The Circle Of Love [ ONGOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon