3 of 150

90 10 0
                                    

AKLAT. Ginagamit bilang gabay ng mga nag-aaral. Ikaw ay nagsilbing gabay ko ng mamatay ang puso ko't malunod sa kasinungalingan ng pag-ibig mo.

ALAHAS. Ginagamit palamuti ng mga tao para maging kanais-nais ang itsura. Ako ay iyong palamuti na ginamit mo ngunit pagkalauna'y ibinalandra mo.

ALAK. Ang pag-ibig mo ay parang alak, nakakalasing, nakakahilo.

ALITAPTAP. Gabay sa iyong malamig na gabi. Ikaw ang nagsilbing alitaptap ko ng magdilim ang aking mundo.

ALIW. Isa lang pangaaliw ang pag-ibig mo. Naloko ako. Naaliw ako.

ANINO. Ako'y naging anino mo na palaging sumusunod sa iyong gusto. Ngunit mananatili nalang ba akong ganito? Kontrolado't kasunod mo.

ANTOK. Nainip ka at ako'y iyong iniwan. Sana ramdam ko ang pagkaantok mo ng sana'y nabigyang pansin ang pag-ibig ko.

APARADOR. Ginagamit bilang taguan ng iyong gamit. Ang pag-ibig mong sinungaling? Saan mo kaya itatago?

APOY. Nagbabadya ng panganib kapag kumalat. Ang pag-ibig mo ay parang apoy, nagbabadya ng panganib kapag lalong lumala.

AKO. Ako ang pinangakuan mo na mumultuhin ka sa kinabukasan mo, sasalubungin ka ng mga sarili mong salita na ginamit mo para paamuhin ako.

AASA. Aasa ako sa pagdating mo sa pangakong tagpuan natin kasama ang pagmamahal at mga pangako na mapapako ulit sa oras na basagin mo uli ang aking puso para makaalis.

ASAR. Asar na asar ako sa iyo nung ipinagpalit mo ako sa kapwa mo manloloko, bakit? Bakit hindi ka pa nakuntento sa tulad ko?

ASIN. Maalat na pag-ibig ang ibinigay mo sa akin tulad ng asin na sinasawsawan ko ng matatamis mong mga salita na alam kong pilit lang rin.

AYOKO. Ayokong mabulag sa araw na sisilaw sa akin kung tatanggapin ko muli ang pagmamahal na alok mo, ayokong isuko muli ang sarili ko sa dagat at malunod muli sa tubig ng mga luha ko.

ANGAT.  Sa segundong in-angat ko ang aking ulo, nakita ko ang pagmumukha mo. Tangina, ang sakit mo pala sa ulo.

AMBON. Umaasa ako na kahit hindi man malakas ang ambon tulad ng ulan, sana may lumitaw na bahaghari sa kalangitan.

ABO. Abo ng nasunog na pag-iibigan na nagdulot ng mga pangakong sira tulad ng walang hanggan.

ARAW. Ayoko sa araw, sila ay nakakasilaw tulad ng mga ilaw sa loob ng ating silid kung saan mo binanggit ang mga salitang nagpakabog sa aking dibdib. Mahal kita.

AGILA. Isa akong malaking ibon tulad ng agila na lilipad lipad sa kalangitan para saluhin ang mga iniwan mo sa hangin.

ALKANSYA. Magi-ipon ako ng mga salita hanggang sa maibuga ito ng bibig ko ng kusa at walang paga-alinlangan. Gusto kong ipamukha na sa ilang beses na niloko mo ako sa isang buwan ay nakaipon ako ng malaking halaga para maipamukha sa iyo na nagkamali ka, tanga.

APAT. "Apat na buwan, marami pang hindi alam." Pasensya na, kung hindi ako naniwala o nagpaloko sayo. Sinubukan ko lang kung kaya mong paikutin ang tulad ko ngunit sa oras na sumuko ka, tsaka ako nahulog sa bitag mo.

ALON. Magpapadala ako sa alon hanggang sa dalhin ako nito sa pangpang at sabihin sa akin na, "Dinala kita rito dahil ito ang mundo mo." Sayo.

Pag-ibig: Wika Ng SangkatauhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon