Un1berso: Limang Bagay na Nasasabi ng mga Nasasaktan
Una, hindi ako mahalaga. Isa lang akong bato sa mundo ng mga dyamante. Hindi ako karapat-dapat, dahil kung oo, sana ay hindi ako nakakaramdam ng matinding sakit pagkadilat ng aking mga mata. Naniniwala ako na ang mga nasasaktan ay kadalasa’y masasayang tao.
Pangalawa, susunod nilang sasabihin na baka kaya ganito at ganyan. Kin-kwestyon nila ang mga bagay na posibleng maging mali ngunit tama naman talaga. Minsan papasok sa iyong isip na kaya ka pala hindi karapat dapat sa tapat na pagmamahal dahil kung sino pa ang nagmamahal sayo ng tunay, sila pa ang iyong binabalewala. Akala mo ginagantihan ka ng tadhana. Mali, ginagatungan niya lamang ang mga desisyon mo.
Pangatlo, wala silang ibang sasabihin kundi nahihirapan na ako. Ngunit kagaya ng dati, kakayanin parin nila ang mga batong ibabato sa kanila ng tadhana, kakayanin pading lumangoy sa sariling mga luha, kakayanin pading lumaban sa sandamakmak na kalaban at higit sa lahat ay kakayanin paring magmahal kahit paulit ulit ng nahihirapan - kahit pumasok pa sa kanilang isipan ang kapaguran.
Pang-apat, sila ay ngingiti at sasabihin sa sariling kakayanin pa ngunit ang katotohanan ay nasa pagitan na ng isip at puso, kung susuko ba o lalaban, kung tama o mali, kung pagmamahal o pasakit, kung pataw o patawad, kung siya ba o ang kanilang mga sarili. Sila’y naguguluhan sa mga bagay na nagpapataw sa kanila ng mabibigat na kasalanan, mga kasalanang pang-walang hanggan.
At huli, pang-lima, sila’y magmamahal muli. Isusuko ang pagkakataong makawala sa tadhana at pipiliing tumira sa hawla ng mga mananakop ng sarili. Mamahalin ka nila muli kahit pa sinaktan mo na sila ng sobra. Kaya kung isang beses mo na siyang nasaktan, sana wag mo na ulitin pa, dahil mapapalitan ng sakit ang pagmamahal pag inabuso mo pa.
Kaya mahal, sana wag mo na akong abusuhin pa, nasasaktan na ako at malapit na rin rin akong mapagod at maaring ang kapaguran ang didistansya sa ating pagitan, at baka sa pagkakataong yon ay tuluyan na nating iwan ang isa’t isa.

BINABASA MO ANG
Pag-ibig: Wika Ng Sangkatauhan
PoetryHighest Rank: #287 in Poetry Sinulat. Isusulat. Isinusulat ko gamit ang wika ng pag-ibig mo. Pag-ibig na naging liwanag sa madilim kong mundo ngunit ito rin pala ang magiging dahilan ng pagbagsak muli nito.