7 of 150

41 1 0
                                        

❝ Ang tula sa likod ng bawat pag-iyak ❞

Siya, ang bituin sa gabi at ang araw sa umaga.

Na sasabay sa ngiti ng araw na tila walang problema ngunit ni minsan ba ay naririnig mo siya na umiiyak at humihingi ng saklolo sa buwan kasabay ang pagbabakasaling baka marinig nga siya nila.

Kung siya ay iiyak, sa harapan ng taong mapanghusga, ang una niyang itatanong sa kanyang sarili ay kung pwede nga ba ulit akong magsuot ng maskara? Maskarang magtatago sa aking mga iyak, mga hagulgol na magiging sanhi ng hirap ko sa pag-hinga.

Ito, ang tula ng totoong kwento. Ang tula na magbubukas ng iyong mga mata na hindi sa lahat ng oras na ako ay ngingiti, hindi na ako iiyak pag-uuwi ako sa gabi.

Tatanungin kitang muli, sigurado ka ba na sa tuwing tatalikod ka sakanya ay malalaman mo paring siya ay nakangiti? Malamang, hindi. Dahil ito ay maskara ng mga naduduwag, maskara ng mga pekeng ngiti, maskara ng mapagkunwari.

Hindi mo masisiguradong siya ay nakangiti pagtalikod mo. Dahil sa unang pagharap mo palang sa kanya, tulong na kaagad ang hinihingi ng kanyang mga mata. Sa likod ng mga tula, mga maskara, maaari mo bang sabihin sa akin ang totoong kahulugan nila?

Oo, tama, inuutusan kitang magpakatotoo. Bulagin mo ang araw gamit ang mga luha mo, sabihin mo sa kanya na hindi purke ika'y nakakasilaw, titigil na ang aking mga luha. Sabihin mo sa buwan na hindi purke ika'y katamtaman, mapipigilan at matatakpan mo na ang katotohanan.

Maari ba kitang tanungin kahit saglit. Ituon mo sa akin ang iyong atensyon, sabihin mo sa akin ang mga katagang tinatakpan ng mga bituin, sabihin mo sa aking ika'y umiiyak sa tuwing didilim dahil papatayin na ni ina ang ilaw sa iyong silid.

Sabihin mo sa akin, nagpapakatotoo ka ba ngayong nabasa mo na ang repleksyon ng iyong mga luha? Ngayong binuksan na namin ang iyong mga mata?

Pag-ibig: Wika Ng SangkatauhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon