9 of 150

6 0 0
                                    

Kung maaari mahal, pakibalik ang nawawalang parte ng pagkatao ko, yung kayang magsulat, kayang gumawa ng delubyo gamit ang simpleng mga salita at higit sa lahat, kayang ilabas ang sariling pait at sakit sa buong kalamnan.

Mawalan man ng ilaw sa daan, ang tangi kong kailangan ay ikaw. Ikaw, na parte ng aking katawan, ang nagiisang nagbibigay liwanag sa mga tala na tinititigan sa tuwing sasapit ang gabi. Ayokong sumapit ang dilim. Dahil wala ka, ang nawawalang parte ng aking pagkatao, ang araw at ang buwan.

Kung maaari lamang, mahal, ibalik mo na sila sa akin. Dahil hindi na kakayanin ng mga bituin na marinig ang aking pag-iyak sa tuwing matatapakan ko ang bubog kapag pinatay na ni ina ang ilaw, dahil ang sabi niya ay gabi na. At kailangan ko ng ipikit ang aking mga mata upang ako'y makapagpahinga na.

Ngunit mahal, bago ko muling iyakan ang mga tala at bago ko salubungin ang araw ng aking pagsinghap, maaari mo na bang ibalik sa akin ang aking parte na pilit mong tinatago?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig: Wika Ng SangkatauhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon