4 of 150

61 4 0
                                    

BALON. Mula ako sa dulo ng balon, inahon ang sarili dahil sabi mo sasabay tayo sa alon. Ngunit sa pagkakataong ako'y naka ahon, nilisan mo na akong luhaan.

BANGKA. Bangka ang nagsilbing tirahan ko nung nagkaroon ng malaking baha dahil sa mga luha ko.

BARIL. Sa isang putok ng baril, nagulantang ang aking dibdib at kumabog muli.

BOLA. Ako'y nagsilbing bola sa buhay mo na pinaikot-ikot mo lang at ibinagsak ng ika'y magsawa na. Bakit ganyan ka umasta? Nagmamahal ka ba talaga?

BUWAN. Ikaw ang pinakamalaking tala sa kalangitan na kung tawagin ay buwan ngunit sa pagdating ng araw, nawala ka rin tulad ng ginawa sa akin ng tala.

BINTANA. Nang sumilip ako sa kawalan, sinalubong ako ng kalungkutan.

BOTE. Isinilid ko sa bote ang mga pangakong binitawan mo at hinayang alunin ng alon sa dagat at dalhin papunta sa kinaroroonan ni Bathala.

BASO. Nabasag yung mga baso pagka-alis mo, na tila hawak mo sila kagaya ng mga kamay ko.

BAHAY. Tumira tayo sa iisang bahay na puno parin tayo ng kasinungalingan sa isa't isa. Mahal, bakit ba?

BIRO. Nagsimula tayo sa isang biruan na walang katapusan hanggang sa magkaroon ng kahulugan.

BUMBILYA. Ikaw ang nagsisilbing bumbilya ng aking mundo, kung mawawala ka, wala ng ilaw ang buhay ko.

BENTE. Benteng pagsubok ang hinarap ko bago ako makarating sa paroroonan ko. Gaano ba katagal makapunta sa puso mo, mahal? At tila, parang ilang libong minuto na akong naglalakad ngunit hindi parin kita matagpuan.

BAHAGHARI. Makikita mo ang ganda ng bahaghari pagkatapos ng ulan, kagaya sa kung paano mo makikita ang napakagandang resulta ng mga luha sa dulo kung kailan titigil ka na at sasabihin sa sarili na tama na.

BINYAG. Bininyagan mo ng pagkabasag ang aking puso na tila gusto mo silang ikulong sa bisig mo at sabihin na ito ay mga pagmamay-ari mo.

BALA. Isang bala ng katotohanan ang lulunod sayo sa ulan kasama ang mga luha ng buwan sa kalangitan.

BARYO. Sa baryo, kung saan ako ang sentro ng mundo mo. Sa akin umiikot ang mga sagot sa mahihirap na tanong, sa akin umiikot ang mga tanong na walang sagot. Sa baryo, kung saan muli mo akong iniwan.

BIBO. Ang bibo mo raw nung bata ka, na kahit simpleng bagay napapangiti ka nila. Ngunit bakit ngayon hindi na? Na kahit napakalaki na ng aking ibinigay, parang wala paring epekto sayo ang mga bagay-bagay.

BOBO. Tawagin man nila akong bobo sa paniniwala muli sayo at sa mga pangako mo, wala akong pake, ang alam ko lang, babaguhin kita gamit ang salitang nagbubuklod sa kanilang gitna — b-o-b-o.

BARYA. Binigyan kita ng piso, sana ang sukli ay puso. Ayoko sa pusong warak, gusto ko sa pusong hindi nababarag.

BAGO. Magbago man ang ihip ng hangin, hindi man sumunod sa aking damdamin, ipaglalaban ko parin na sa akin nagsimula ang pagdampi ng damdamin sa iyong mukha.

Pag-ibig: Wika Ng SangkatauhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon