Chapter 16: ....................................

40 2 0
                                    

Ziam’s POV

Minulat ko na ang mga mata ko at nadatnan ko ang isang maputing kwarto.

Nasa langit na ba ako?

Napaupo ako at kinapa ang necklace sa leeg ko. Mabuti naman at nariyan pa.

Ang tanging nakahiga sa couch ay si Kara, binabantayan niya talaga ako.

“Kara.”

Ayaw.

“KARA!”

That woke her up, “Ah what? May nasunog ba?” habang napalinga – linga sa paligid.

“Baka..” (-___-“)

“Eto naman oh, nag – joke lang eh J” sabay ngiti tapos lumapit sa bed ko.

“Si..ano..kamusta na kayo?” tanong ko.

“Okay lang naman, ako. Heto, may konting bruise at scratch, pero okay na rin. Si Jun, may muscle pain kasi nahulog nga sa bangin eh xD. Tapos sina Melody at Cav, nasa cafeteria kasama si Ms. Yoona at mga parents natin, dahil nga sa nangyari kahapon. Hehe, pinastay rin ako ng mga magulang ko rito, kasi nga wala kang kasama baka magtataka ka, kung si Mika at Xavier naman, ayun.. Nag – order sa may Jollibee para sa ating breakfast.” Daldal talaga niya kahit papaano.

“Yung mga bogarts na iyon ay nahuli silang lahat at yeah, life sentenced. Mabuti naman at dumating agad yung mga pulis right on time, pati na rin yung Mysterious Guy, na bigla na lang sumulpot.” Dakdak niya uli.

“Mabuti naman, si Rain kamusta?” tanong ko.

Biglang nawala ang ngiti niya, “Si Rain? Ano uhm, nasa kabilang kwarto.” Sabay iwas ng tingin sa akin.

“Bakit Kara? May problema ba?” ewan ko lang dahil bigla lang ako kinabahan ng husto.

“uhm ano, Ziam…h-hindi pa rin gising si Rain. Sabi kasi ng doctor, na malala ang mga nakuha niyang mga bugbog at pasa. At, nang dahil din iyun sa silyang tumama sa likod niya, at parang natamaan rin ang ulo niya. Ziam, sabi ng doctor na baka, magka-amnesia siya, short term lang naman pero, di namin alam kung hanggang kalian.” Malungkot na sabi ni Kara.

“Samahan mo ako sa kanya…please?” paki-usap ko.

“S-sige…”

Tinulungan ako ni Kara na maka-alis sa room ko at pumunta sa room ni Rain, nang pumasok na kami, nadatnan naming naka-upo si Jun sa sofa, “Kanina ko pa kayo hinihintay, Good morning pala.” Bati ni Jun.

“Sensya na ah? Na-ospital kasi yung tao eh..” (___ _”)7 sabi naman ni Kara, “Sige, Ziam, doon muna ako sa kabila, may kukunin lang ako.” Paalam niya at lumabas na, sumama na rin si Jun sa kanya and closed the door.

Lumapit ako sa bed niya, “Rain?”

Hindi pa rin siya umimik. Natutulog nga siya, ang himbing. Gigising pa kaya siya?

“R-rain?” sabay yugyug ng kamay niya. “Gumising ka please?”

Wala pa rin, “Gusto kong magpaslamat dahil sa ginawa mo at humingi ng tawad dahil sa pagiging estupida ko.”

Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko, “Uy, Rain! Please naman oh, buksan mo ang mga mata mo…” napahikbi na lang ako, “Rain, diba sabi mo…sabi mo, babantayan mo ako? Eh ano ba tong ginagawa mo ngayon? Paano mo ba ako mababantayan kung ikaw ay nakahiga lamang diyan?”

“REYNATO GARCIA!” sigaw ko, napasubsob na lang ako sa dibdib niya, “please, oh God, please…bring my Rain back..please..” I whispered.

“Uhm..uhfff..”

Heart Strings (A Barkada Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon