Chapter 20: just this once..

25 1 1
                                    

 

 

Kara’s POV

 

“So? Ano, payag ka na?” asked Ami habang napameywang, “Kailangan mong pumili Kara..” she said at umalis na.

 

Pumili?

 

 

Kasalukuyang lumalakad ako papunta sa club namin upang magpractice. Malapit na rin…three more weeks to go.

 

 

“Hoy Kara, okay ka lang?” tanong ni Melody sa akin.

 

“Ako? Oo naman! Bakit?” tanong ko sa kaniya.

“You’re spacing out.”sabi naman ni Cav.

“ah ganoon ba? Hwag niyo na ako intindihin..haha, kinakabahan lang ako noh?!” habang nagmamadali akong lumapit sa upuan kung nasaan ang guitar ko nakalagay.

“Sige guys, gawin na natin!” sabi ko.

After 25 minutes or so…

 

 

“Ano ba naman iyan?!” sigaw ko sa kanila. “Malapit na ang performance natin ngayon pa kayo nagkaganyan?!”

“K-kara…sorry..” Mika said.

“You should know better than that, ikaw yung high pitch natin! Bakit di man lang magawang abotin yun?” I irritatedly asked.

“S-sorry Kara, ano..hindi ko naman masyadong pinapraktis, hayaan mo sa susunod, aayusin ko na… sorry.” Sabi niya.

“At ikaw naman Jun, mali yung chords mo! Diba dapat i-prolong mo? Ano ba nangyayari sa inyo?! AGAIN!” at padabog kong nilagay sa mesa ang mineral water ko.

At nagstart na nga uli kami…pero may mali talaga….

“Guys! Ano ba? Malapit na oh!? Ngayon pa kayo nagkakaganyan?!”

 

“TAMA NA!” sigaw ni Melody, “Di mo ba napapansin Kara?! Pagod na kami! You’ve been treating us like nothing Kara.”

“Anong nothing? I’m trying my best para mas mapabuti yung performance natin.” I said.

“Mapabuti? Kara, ikaw ba talaga yan?!” habang lumapit siya sa akin, “Hindi mo ba napapansin?! Hah?! Si Cav may sakit ngayon, si Ziam at Rain mula pa sa ospital dahil nagpapagamot si Rain, si Jun stressed dahil sa school natin, si Xavier may chess practice para sa competition nag-absent siya dahil sabi mo important rehearsal ito, si Mika, KARA!” habang napaiyak na lang..

“Melody, please wag muna ngayon…” sabi naman ni Mika na iiyak na.

“Hindi, kailangan niyang malaman ito.” She sternly said.

“Kara, si Mika…Hindi na siya makakanta…Naiintindihan mo ba yun?!” habang pinahiran niya ang mga luha niya. “Sometimes, you are being selfish towards us. You are so desperate.” At umalis na siya.

“Okaasan..I’m sorry pero…kailangan pa naming bisitahin ang doctor ni Rain.” At isa – isa na silang lumabas ng club room.

 

Napaiyak na lamang ako sa sinabi ni Melody sa akin kanina. Am I the worst friend ever?

 

Lumapit si Jun sa akin at inilahad ang panyo niya sa akin, “Kailangan mong magpahinga rin, alam ko rin pagod ka na.” He said at lumabas na sa club room.

Heart Strings (A Barkada Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon