Chapter 9: We Chat! ;D

48 1 0
                                    

“Kita – kits next week!” paalam ni Melody sa amin at pumasok na siya ng bahay niya, nasabi ko bang few blocks away lang ang bahay namin ng bespren ko?

By the way, remember sa “SOMEWHERE UNDER THE RAIN”? nalaman ko lang na sila pala yung bagong lipat sa street namin…. DESTINY or KARMA?

Nagsimula na muli kaming naglakad papunta sa ‘13 Street’, “Oy, ba’t parang na bad trip ka ata kanina?” tanong ko kay Jun.

“Wala ka na dun.” Matipid niyang sagot, hindi ba napapanis ang laway?

I pouted, “Ay ganoon? Sabihin mo na dali, magkaibigan naman tayo diba?” I said.

He glared at me then snubed me, ay ganoon? Taray nito. “Meron ka ba ngayon?” tanong ko sa kanya.

“Paki mo?” he said, maldito ka! Then nauna ng lumakad.

“Ayaw mo bang pag – usapan?” sabay silip sa mukha niya, iniiwas niya ang tingin niya sa akin, “You know, I could help.”

“…………………………………” sabay lakad ng pauna sa akin.

Haaaaay, ewan ko nga ba kung bakit naging kaibigan ko ito, “Oy! Hintay!” I said at lumakad mas mabilis. Paliko na kami para pasukin na ang street namin.

“Ang bagal mo kasi!” irita niyang sabi.

Aish! Nag P-PMS ata to ngayon, ang init ng ulo, lumakad ako ng mabilis and blocked his path papunta sa gate ng bahay niya and I spread my arms, to make sure na wala ng escape.

“Ano na namang kalokohan ito, Ignacio?” he lazily asked, poker face!

I smiled, “Hindi ka makakapasok kung hindi mo sasabihin ang problema mo.”

“Umalis ka diyan.” He said habang inayos niya ang bagpack niya.

I shook my head, “Andwae!” no

“Pagod na ako, umalis ka na diyan.” He said, then again poker face.

Nagmatigas muna ako, “Aniyo!” NO “You’re acting like an old lady underwent menopausal baby.” I said.

He sighed, “O sige na, wait. What is menopausal?” he asked.

“Usapang babae lang iyun, wag mo nang alamin.” I said, “So?”

“Okay na bad trip ako, happy?”

“Nope, not yet satisfied.” I said and smiled.

Jun’s POV

“Pumasok ka na kaya sa bahay mo? Hahanapin ka na ng mga magulang mo.” I said, malapit lang yung bahay namin, as in yung katabi lang yung house namin.

“Tsssss, my parents aren’t here until 9:30 pm.” She said then again smiled, nahawa na ata sa sushi na iyun. “Sige na, please?” she pleased.

“(-____-)7 “Fine! Okay, na bad trip ako dahil..”

“Dahil?”

“Dahil……”

“Ano nga?”

“Natatae ako.” I said, *POKER FACE* uli.

“Oh, ganoon? O sige, good night na lang!” paalam niya at pumasok na sa bahay niya.

GOOD.

Pumasok na rin ako sa bahay at naligo, bihis, at pumunta sa veranda ng bahay. Two floors tung bahay ko, katulad din kina Kara at lahat ng mga bahay rito.

Umupo na ako sa may table set doon at nag-guitara, I’m playing “Buko”

Naalala ko pa

Heart Strings (A Barkada Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon