Chapter 11: Sweet moments compilation xD

63 1 0
                                    

Melody’s POV

Nasa park kami ngayon na malapit lang sa isang bookstore, ahehehehe. Konektado lahat dito ang subdivision namin na magBFFs, malapit rin ang school namin rito.

“Hahahaha! Ganoon?!” tawa ko, nakakatuwa pala ang ganito noh?

“Oo kaya nga, bawal ako sa butter kasi may butterphobia ako.” He said at napangiti, ngayon ko lang narealize na mas gwapo pala siya pag nakangiti.

“Uhm, Cav pwede magtanong?”

Lumingon siya sa direksyon ko, naka – upo kasi kami sa bench na malapit lang sa fountain ng park, “Hmm?”

“Bakit hindi ka gaano naka – ngiti?” tanong ko.

Tumungo muna siya bago sumagot, “Kasi hindi ako gaano masaya.” Halos pabulong niyang sabi ngunit naririnig ko pa.

I got sad upon hearing that statement of his, “Wag mo sanang masamain pero, I could be a good listener.” Alok ko.

He smiled, not because he’s happy, but he’s sad, “It’s a sad story.”

Umiling ako, “I know, every sad story has its own ending.” I shrugged, “pwedeng masaya dahil nagparaya, pwede ring malungkot dahil hindi inaasahan, pwede ring galit dahil iniisip na sana hindi na lang nangyari.” I gazed his vision, “Ang buhay ay parang libro, may table of contents, bawat pahina ay may aral na binibigay, pero sa huli, palaging may author’s note, at ikaw mismo ang magsusulat niyan.” I smiled.

Tumungo uli siya, “Ba’t gusto mong malaman?”

Tumingin ako sa kawalan, “Dahil, I would like to read your book.”

Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya, nararamdaman kong lumingon siya sa akin, “You are very nosy.” He said.

I just chuckled, “Naging kaibigan mo ako eh.”

“Here goes nothing, but first. Gusto mo ba ng ice cream?” alok niya.

*U* biglang kuminang ang mga mata ko, at lumingon sa kanya, “Sige!”

Mika’s POV

BOOK STORE

“Naku naman, wala naman ka – interes ang mga makakapal ng mga librong ito!” pabulong kong reklamo, dictionary, mathematics, novels ng nakakalurkey! Mas mabuti pa ang Candy mag, Kzone, Totally Girl, Sparkling, Cecci, Vogue and mga manga! Not to mention Precious Hearts Romances! Okay, naloka na ako rito.

          “Uy, bumibili ka na rin ng aklat?” tanong ng kung sino man ang nasa likuran  ko.

“Oo,” lumingon ako at, “Ano ginagawa mo rito?” bungad ko sa hinayupak na ito.

He shrugged at ngumiti, “Wala lang, bibili sana ng aklat rin eh.”

I just rolled my eyes at flip ng bangs and lumakad na papunta sa kabilang side ng shelves roon.

Kainis ka! “Hmmmm, this should be interesting..” I said to myself. Habang kinuha ko ang isang aklat at binasa ang plot ng story.

“Oh, that would be nice. Maganda ang story niyan.” A guy said, beside me.

“Oh, The Golden Time Keeper, yeah the plot is catchy.” Paglingon ko, akala ko kung sino. Bakit nadisapoint ako konti? Btw, gwapo naman ang isang ito eh. Oh well!

“Hi! I’m Dave, and this guy here is Emil.” The guy with a bubbly smile said, he’s wearing blue shirt and maong pants, and ‘Emil’ guy wears green t – shirt and a cargo shorts, I can see they’re handsome fellas.

Heart Strings (A Barkada Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon