Chapter 17: We on!

36 1 0
                                    

Mika’s POV

Palakad na ako sa campus…

Maayos na ang lahat, malapit na kami mag-Street perform ngayong Friday, so super duper excited at puspusan na practice ang mangyayari. Me gas! I’m so happy talaga, kaya ngiting – ngiti ako lumalakad.. marami namang nagtataka sa ikinikilos ko, pero wa pakels ang peg ko noh! Sino ba sila hahadlang sa kaligayahan ko??

          “Uy Mika! Laki ng ngiti naten dyan ah?”

“Uy Perez! Blooming ah?”

“Uy, ano kaya nakain niya?”

Smile lang ako, keri ko teh!

“Hoooy Mikaela, anu nangyari sayo at ngiting aso ka diyan?” tanong naman ni Kara habang nag-aayos ng mga gamit sa locker niya.

“Wala, feel ko lang ngayon. Bakit aangal ka?” maangas kong sabi.

“Wala.” Matipid niyang sabi at halata namang nanlumo pa rin itong babaeng ito sa katangahan niya xD I mean, ang pagkatalo niya pala.

“Hoy, Mika ang aga aga mo pang ngumiti ng ganyan, mukhang papatay kang tao eh!” sabay tulak naman ni Melody sa akin.

“Sus, ganito naman ako eh! Happy all the time diba?” I said and was reading a book.

“Uy, himala?! Aklat ba yan?” habang nagpretend na napamangha si Melody.

“Che! Doon ka na nga! Wag mo ngangpakialaman ang day ko chooo!” taboy ko sa kanya, umalis naman siya with a sneer.

Seriously guys? Bawal bang maging masaya ngayong araw? seeesh!

“Ohio gozamaisu minna..” greet ni Ziam sabay upo sa upuan niya and plugged her earphones, and malamang nakikinig ito ng mga japanese songs J

Agad namang nagsilapitan sina Kara at Melody kay Ziam, sure akong, ako ang pinaguusapan ng mga ito xD

Napalinga na lang ako, pero…

Pumasok ang taong di ko inaasahang lumapit ito sa kanila…

“Xavier!” tawag ko..

All attention are on me, awkward!!!

“Yeah?” sagot naman niya.

Think Mika! Think!!! “Good morning! Nakalimutan kitang i-greet kanina sa text eh…kaya personal na lang.” Sabay ngiti…na ewan.

O.O “ah…mm…” shock ata?

“OOOOOY SI PEREZ!!!!” sigaw ng lahat.

Napakamot na lang ako sa ulo ko, “Ahehehe, yun lang..sige!” sabi ko at umupo na dahil andiyan na ang teacher namin.

<Fast Forward>

RECESS

“Di nga? Diba ang cool kapag ganoon? Ano sa tingin mo Kara?” tanong ni Jeremy sa kanya.

“Hindi nga eh! Paulit – ulit?! Ang badoy kaya!” inis na sabi ni Jun.

And then again, exchange death glares…

“(>__>)++++(<__<)”  (-___-“)7

“Haaay, matatapos talaga tayo nito…” napa-face palm na lang si Kara sa ginagawa nila xD

Nakita ko na naman siya uli, huli na naman sa recess dahil sa chess practice na iyan! Kalma lang Mika…

Umupo na siya sa silya ngaming tableat kumain na lang.

“Nga pala ano nga uli ang sasabihin mo sa amin Xavier?” tanong ni Kara,

“Oo nga, baka importante yan?” singit ni Melody.

Heart Strings (A Barkada Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon