Twelve: continuation

1.5K 72 3
                                    

Griselda pov

Isa akong skilled assassin. Magaling. Mapanganib. Matinik. At hindi ako pwedeng mamatay basta basta sa kamay ng mga Phantom, at mas lalong hindi ako pwedeng mamatay ngayon hangga't di ko napapatay si Solemn. Hangga't hindi napapasaamin ang Royal mafia.


Dahil kilala ako ng mga guards papasok ng mansion ay hinayaan lang nila akong pumasok, napangisi ako ng makapasok sa loob. Madilim na ang buong kabahayan, bawat sulok ay nakapatay na ang mga ilaw kaya malaya akong makakagalaw ngayong gabi. This will be the assassination of the queen ruler of Royal mafia. At sisiguraduhin kong hindi nila malilimutan ang pagkamatay ng Golden Fairy.


Dumiretso ako sa second floor, tinahak ko naman ang mahabang hallway nito upang makarating sa pinakadulong pinto. Ang kwarto ni Solemn. Hawak hawak ang baril sa kabilang kamay ay marahan kong binuksan ang pinto ng kwarto bago walang ingay na pumasok sa loob.




Nakahiga siya sa kama, kahit hindi ko buksan ang ilaw ay kita ko ang nakaumbok na pigura sa kama. Lumapit ako roon at itinapat ang aking baril sa kaniya.




"tapos ka na, Solemn!"





Tatlong putok ng baril ang ginawa ko, ngunit ang mas pinagtaka ko ay ang paglipad lang ng mga cotton at feather mula sa nabutas na unan. Natulala ako sa kama habang di makapaniwalang nakatingin sa butas na unan. Tch!




"paano?" agad akong nanigas sa aking kinatatayuan ng maramdaman ang pagdikit ng malamig na bagay sa aking ulo. Kahit di ko na tignan ay alam kong baril iyon, naisahan ako ni Solemn! Bwisit!



"Don't play with a genius if you are a fool. You might lose." rinig kong walang buhay niyang sabi, ngunit hindi nanggaling sa likod ko ang boses kundi sa gilid. Malapit sa pinto!



Sino ang nasa likuran ko? Mabilis akong umikot upang lumayo sa kanila bago itutok sa pinto ang baril. Dalawa sila... Pero kung mamatay ako dapat isama ko si Solemn.


"and don't fight with the strong if you're weak. You might die." malamig na sabi ng lalaki at agad na nanlaki ang aking mata ng mabosesan iyon.


Bumukas ang ilaw ng kwarto at tumambad ang pigura nilang dalawa. Solemn and Phoenix. Two dangerous people. Both are leaders of the biggest mafia. Nakatutok ang baril ni Phoenix sa akin habang prenteng nakatayo lang si Solemn sa likod ng pinto. Nakipag sukatan muna ako ng tingin sa kanila habang tinatantya kung kailan ako babaril. Just do or die.



"no! What is the meaning of this Solemn? You sided with the enemy!?" galit kong sigaw sa kaniya. "alam mo namang gusto ka niyang patayin!"




Lumapit si Solemn kay Phoenix kaya napunta rin doon ang tutok ng aking baril.


"matagal ko ng alam ang sikreto niyo." walang emosyon niyang sabi habang nakatitig sa akin sa blankong ekspresyon. "Dad knows everything. Nakipag laro lang siya sayo para kumuha ng mga impormasyon sa SMO."




Alam ni Griffin ang lahat? Simula't sa una alam niyang niloloko ko siya!?




"pag pinatay mo ako, may mas malaki ka pang kalaban Solemn." ngisi ko at nagkibit balikat lang siya, tiim bagang ay mabilis kong pinutok ang baril upang patayin siya.


Bang!


Bang!


Bang!




Three consecutive gunshots. Napaluhod ako sa sahig habang umuubo ng dugo, nanlalabo ko muli silang tinignan at sumalubong sa akin ang malalamig na titig ng lider ng phantom.


"pwe! Uu...u..ubusin niya ka...yo! Pa—"

***

Sora pov

Napatitig ako sa walang buhay niya ng katawan bago bumaling kay Shin na kakababa lang ng baril, sa kaniya nanggaling ang mahinang kalabog kanina. Dumaan siya sa veranda ng aking kwarto para makapasok rito.



"thanks for waking me up." nakangiti kong sambit at tumango naman siya. Naka tiim bagang pa rin siya hanggang ngayon habang masamang nakatitig sa bangkay kaya hinawakan ko na lang ang kaniyang kamay.


Medyo nagrelax ang kaniyang muscle at mas lalo naman akong napangiti ng tignan niya na ako.



"let's go." hila niya sa akin.


"t-teka! Saan tayo pupunta?"


"my house." malamig niyang sabi at huminto ako sa paglalakad. Masamang tumitig sa akin si Shin ng lingunin niya ako at pinagkrus ko naman ang aking braso.




"hindi pwede. Makakahalata sila, masisira ang plano ko Shin." matigas kong sabi. I have my plans at ayokong mabalewala lang lahat ng iyon.



"Then I'll sleep with you here." kibit balikat niya bago naglakad papunta sa kabilang kwarto.



"fine..doon ako matutulog sa kwarto ng kambal ko." kibit balikat rin, tumalikod na ako.upang umalis ng hilahin niya ako palapit sa kaniya.

"you are staying with me." matigas niyang sabi at nagpumiglas naman ako.



"ayoko nga! Doon ako—"


*tsup






"come." nakangisi niyang hila sa akin matapos akong halikan. The nerve of this guy!



"doon ka sa baba! Sa kama ako!" sambit ko.


Mabuti na lang talaga at sa kabilang hallway ang kwarto ni Cello. Sound proof ang mga dingding roon kaya siguradong wala siyang narinig na mga pagputok ng baril. Pagpasok ng kwarto ay mabilis kong kinuha yung isang unan at comforter bago ihagis kay Shin. Kunot noo niya naman akong tinitigan kaya humalukipkip na lng ako.


"sa kama AKO." giit ko.




"I don't take orders nor favors, Solemn Raina." malamig niyang sabi at nahiga na sa kama. "just go to sleep. I'm harmless." ngisi niya pa sa akin na nagpataas ng mga balahibo ko.



***

End of chapter twelve ;)

Don't forget to vote - click the star below! Okay?


Hit comment at mag ingay mga readers ;)



#shinra
#MTBP


Lovelots...
Pinkiepurpy

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon