Fifteen: continuation

1.5K 44 1
                                    

Jack pov

"kill him! Kill that bastard!" galit na sigaw ni Pearson bago nanggagalaiting hinagis ang baso na tumama sa picture frame.

Bumagsak at nagkalat ang mga bubog sa sahig, sakto namang pagpasok ng maid sa loob ng kwarto.

"sir ma-" bang! Bumagsak ang kaniyang katulong sa sahig. Sandali pa itong nangisay bago tuluyang namatay.


"bakit mo pinatay?" ngisi ko habang walang pakielam na pinapanood ang galit niyang hitsura.

"shut up! Just kill that bastard!" giit niya at nagkibit balikat lang ako. Sino ba ang hindi magagalit kapag nalaman mo ang fiance mo ay may kasamang iba?


Nakatanggap ng tawag si Pearson galing kay Zham. Nalaman niya ang nangyayari ngayon sa pagitan ng dalawang mafia boss. Si Solemn at si Phoenix, kaya yan tuloy... Di makapagpigil si Pearson sa pagwawala. He is much too obsessed about Solemn. Sobra.


"sige, bukas na bukas uuwi ako ng Pilipinas." seryoso kong sabi, naglakad naman ako at dinaanan siya upang lumabas pero bago iyon ay kinuha niya ang kaniyang phone.


"Ready the great queen. I want the wedding on Next week." matigas niyang sabi. "Sinclair." tawag pa ni Pearson dahilan para magtigil ako.


Hinarap ko siya ng hindi nawawala ang ngisi sa aking labi.


"Sabihin mo kay George at Daishu na kailangan ko ang report tungkol sa kaniya." tumango ako bago lumabas ng kwartong iyon.


Hawak ni Pearson ang alas laban kay Solemn. At siguradong hinding hindi makakalaban ang golden fairy sa kaniya. Hinding hindi siya matatanggihan ni Solemn sa kasal... Tsk. Ibang klase talaga gumawa ng plano si Pearson, kahit sino kayang kaya niyang paukitin sa mga palad niya.


***

Sora pov

Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung ano ngunit bigla akong kinutuban na para bang may mali. Na para bang mayroong hindi magandang mangyayari na hinding hindi ko matukoy. Nevermind.


Nakakunot ang aking noo na pumasok ng kompanya, diretso lang din ang aking tingin at hindi na pinansin ang pagbati sa akin ng guard.



"Good morning, ma'am." bati ng iba kong empleyado na nilampasan ko lang at hindi man lang tinapunan ng tingin.



Bumukas ang elevator, agad naman nagsipagyukuan at lumabas ang laman nito kaya ang kinalabasan... Mag isa akong sumakay roon. Kinukutuban talaga ako...


"g-good morning, ma'am!" gulat na bati ni River ng bigla akong makasalubong sa hallway. Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan siya na ngayon ay nakayuko na. "m-may kailangan po ba k-kayo, ma'am?" mahina niyang tanong.


"coffee." walang gana ko namang sabi bago dumiretso sa aking opisina. Nagsimula na akong magbasa ng mga reports at e-mails para sa board meeting mamaya. Mas marami na ngayon ang mga ito kumpara no'n dahil sa discrete partnership sa Sumiyoshi. Wala pang nakakaalam ng bagay na iyon bukod sa ibang board members, ayoko munang kumalat ang balitang ito.



***

Matapos ang meeting ay sumakay na ako sa aking kotse upang pumunta sa address na sinabi ni Cello, yun yung lugar ng private funeral. Palubog na rin ang araw kaya medyo nagdidilim na ang langit, isama mo pa ang nagbabadyang ulan at malakas na hangin.


Lumiko ako ng daan habang tinitignan ang number ng mga gate ng matigil ako sa tapat ng isang abandonadong bahay. Tss. Eto pala ang kinukutob ko. Aalis na sana ako ng biglang mag vibrate ang phone ko dahil sa isang text na talaga namang nagpangisi sa akin.



Sender: Cello
Message: A queen never run from her enemy.


Kinapa ko ang dalawang kunai sa aking bag at nilagay iyon sa small pocket sa bandang ankle ko na natatakpan ng boots. Nakasuot lang din kasi ako ngayon ng white tank top at itim na pantalon. Hindi na rin ako kumuha pa ng baril dahil kilala ko si Cello... He always wanted a one on one fight. A fist for a fist. At isa pa hindi gano'n kagaling humawak ng baril ang binata.


Dahan dahan akong pumasok ng abandonadong bahay. Bumungad sa akin ang maalikabok nitong loob, may mga gamit pa sa loob na natatakpan na rin ng mga agiw at maging ang mga pintura at nagbabakbak na. Sa taas ko ay may banister kung saan kita ang tatlong pintuan at sa gilid ko naman ang hagdan. Muli kong nilibot ang bahay, alam kong nandito lang si Cello at ramdam ko ang pagtitig niya sa bawat galaw na ginagawa ko.


Tumigil ako at pasimpleng nilibot ng tingin ang taas ng mapansin ang pigurang nakatayo rito, ngunit bago pa man ako makagalaw muli ay may inihagis na siyang smoke bomb sa baba. Nanlabo ang paligid dahil sa usok ngunit nanatili akong alerto sakaling tumalon mula sa taas si Cello. Nakarinig naman ako ng mahinang pag 'thud' sa aking likuran kaya agad akong umikot at iniwasan ang paparating na suntok.


"Damn you, Solemn!" sigaw ni Cello. Walang emosyon ko lang siyang tinignan sa mga mata habang iniilagan ko ang mga pagsuntok.


Sinalo ko ang kamao ni Cello at pinalipit ito sa kaniyang likuran bago siya sipain sa likod, tumumba ito sa sahig at akmang susuntukin ko ulit ng gumulong siya papuntang kabilang pwesto bago mabilis na tumayo.

"You killed her!" giit niya pa bago ako bigyan ng malakas na sipa sa tiyan pero agad kong nahawakan ang kaniyang paa at iniikot siya.



"how does it feel, Cello?" walang emosyon kong sabi bago siya humampas sa dingding, inikot ko naman ang kaniyang braso sa kaniyang likuran at isinubsob siya sa pader habang nakatutok ang nakuha kong pocket knife sa kaniyang leeg. "How does it feel to lose someone you love? Masakit diba? Masakit na para bang unti unti kang pinapatay."

Mas idinikit ko ang tulis ng kutsilyo sa kaniyang leeg. Every words I speak was void of any emotion... Nothing is vulnerable. Not even grief. Anger. Nor sorrow. Just plain emotionless.


"You want the mafia? Huh? Pwes hindi mapapasayo ang royal mafia dahil isa kang traydor katulad ng iyong ina. Ngayon namnamin mo ang pait ng aking galit, Cello Alcaster. Isa ka sa sumira sa akin dahil isa ka sa pumatay sa mga magulang ko. I know everything, Alcaster. I know everything." monotone kong sabi, sinubukan niyang magpumiglas at akmang lalaslasan ko na ng leeg ng siniko niya ako sa aking tiyan.


Napaatras ako at hindi nakita ang paparating niyang suntok kaya bumagsak ako sa sahig. Sandaling umikot ang aking paligid ngunit agad din akong tumayo ng hawakan niya ang aking damit para itaas ako.

"Tsk. Babae ka lang, kahit anong gawin mo mahina ka pa rin." nanggagalaiti niyang sabi bago nagdilim ang aking paligid.


***

End of chapter fifteen.

Hi readers! Kamusta na kayo? ;)

Ano na sa tingin niyo ang mangyayari kay Solemn?

O kaya sa pag uwi ni Stanley? Hohoho. Naku lagot siya kay Shin....

Wag kalimutang mag vote at comment !**

#shinra
#MTBP

Lovelots...

Pinkiepurpy

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon