Six: They met

2.1K 63 5
                                    

Chapter 6: They met


They met? Diba yun yung sinusuot natin? Tshirt, dress, sando. They met. Hahaha. Sino nakagets?? *,*


***

Thyme pov


Taas kilay kong binuksan ang pintuan at bumungad naman sa akin yung alalay ni Chief.


"sunduin ko na po si chief." magalang niyang sabi, sinenyasan ko lang siya gamit ang aking kamay ng 'sige' at pumunta naman ang babae kay chief.



"may check up pa po kayo sa mata, tara na po"



"napakabilis talaga ng oras. Mauna na ako, Shin." sabi naman ni chief at tinulungan na siya nung babae na lumabas ng kwarto, naghintay lang ako doon sa pintuan hanggang sa makalabas na sila at makaalis.


Sinara ko naman ang pinto ngunit para bang may pumigil dito. Inis kung inis ay binuksan ko ulit yun upang tarayan ang bagong dating. My face froze midway.


"I hope hindi pa ako late sa napag usapang oras."


Napatitig ako sa kaniyang mukha, sa asul niyang mga mata. Sa shoulder lenght niyang blonde na buhok at sa suot niyang formal na damit.


"i-ikaw yung may ari ng black swan?" di makapaniwalang sabi ko. Ibig sabihin buhay nga siya... Pero bakit ngayon lang siya nagpakita?


Trap nga ba talaga to? May balak ba siyang umatake?



"s-sora!" rinig kong usal nila fritz pero hindi ako lumingon. Nanatili akong bato sa aking kinatatayuan habang di makapaniwalang nakatitig sa babae sa aking harapan.


Ibang iba ang dating niya ngayon, hindi katulad dati na mukha talaga siyang inosente. Ngayon ay ramdam ko yung aura niya, awra ng isang mafiusa. Mapanganib. Mapanlinlang.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" walang gana niyang tanong at tila ba napipi lang ako, hindi ako sumagot pero nagtuloy tuloy siya ng pasok... Papunta sa tapat ni boss.


"Good morning, Mr. Sumiyoshi. I'm Ms. Woldart the one who called your office yesterday." napalingon ako kay boss na walang emosyon na nakatitig kay Sora, kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao bago bumaling sa amin.

"leave us." malamig niyang sabi, tumango ako at lumabas na kasunod nila Fritz at Basil.

"Shit! Nakakatakot siya ngayon!" siko ni Basil kay fritz. Sumakay kami ng elevator at hanggang ngayon di pa rin ako makaimik.



"buhay nga siya... Tama yung hinala ni boss." mahina namang sabi ni Fritz.



Buhay nga siya, ngunit naging mas mapanganib ngayon. Ano ba ang balak niya at ngayon lang siya nagpakita? Pakiramdam ko kasi na hindi maganda ang pagbabalik ng isang Solemn Raina Woldart o ang bagong Queen ng Royal Mafia.

****

Sora pov


I can sense his anger. Nakatayo lang ako sa harapan niya habang hinihintay siyang magsalita, ngunit tahimik lang siyang nakatitig sa aking mga mata na para bang makikita niya ang mga sagot sa kaniyang katanungan roon. Isang taon na ang nakalipas at ang dami niya na agad pinagbago. Medyo nagmature ang mukha niya at ngayon mas halata na ang kaniyang muscles. His hard toned chest seems to fit his suit. Mas dumilim ang kaniyang awra kaya masasabing kong mas cold ngayon si Shin.

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon