Chapter twenty five: Maroon
Wala akong nagawa hanggang sa bumalik ang aking senses. Dinala nila ako sa napakalaking kwarto na mukhang pinasadya para sa isang prinsesa. Siguro kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon ay makukuha ko pang mamangha sa ganda at yaman na sinisigaw ng kwartong ito. Red and gold. Iyan ang kulay nito na may napakalaking glass wall na natatakpan ng makakapal na pulang kurtina. Sa gitna ay ang queen sized bed na may mga pulang rosas sa ibabaw. I smile bitterly knowing what irony I am in.
Lumapit ako malapit sa kama at naupo roon. Alam kong nakalock mula sa labas ang pinto at kung hindi man, paniguradong maraming nagbabantay sa labas ng kwartong ito.
Isang katok mula naman sa pinto ang kumuha ng aking atensyon kaya agad ko itong nilingon. Pumasok ang isang babaeng nakasuot na pang maid, bahagya pa itong yumuko sa akin bago nagpakilala.
"Good afternoon, madam. Ako si Gina. " sabi niya sa maliit na boses "sumama po kayo sa akin upang mamili ng wedding gown na susuotin niyo po. " dagdag niya.
Walang emosyon ko siyang tinitigan bago tumango, ngunit bago pa man di ako lumakad palabas ng kwarto ay pinigilan niya ako. Nilingon ko siya ng may pagtataka.
"Gusto pong ipasabi ni Ma'am Sera na pagkatiwalaan mo siya. Hawak siya ng Alcaster at Pearson, at maling galaw niya ay ikamamatay ninyong magkambal. Wala siyang choice, pero magtiwala ka lang." napatitig ako kay Gina. Nagtataka ko lang tinitigan ang kaniyang mukha hanggang sa mapagsino kung sino ba talaga ang babaeng ito.
Siya yung personal assistant ni chief. Yung babaeng laging umaalalay sa kaniya.
"ibig sabihin siya nga ang aking ina?" mahina kong tanong at isang tango lang mula sa kaniya ang aking natanggap. "pero bakit kailangan niyang saktan si Shin? Bakit kailangan niyang labanan siya? " puno ng hinanakit na tanong ko.
"dahil kapag hindi niya ginawa iyon ay makakahalata ang nanunuod sa bawat galaw niya. "
Mariin akong napapikit bago sumunod kay Gina na inaya na ako papunta kung saan. Base naman sa hinala ko kanina ay napakarami ngang bantay sa labas ng aking kwarto. Lahat sila ay armado at diretso lang ang tingin na parang hindi ako napansin, pero siguradong alerto ang senses nilang lahat.
"nasa'n tayo? " tanong ko. Naglalakad na kami sa mahabang hallway na may mga nagbabantay ring armadong lalaki.
"nasa isang private mansion ng Alcaster tayo, madam. " sagot naman ni Gina at iginaya ako sa pinto sa dulo ng hallway.
Sa loob nito ay nakadisplay ang iba't ibang uri ng wedding gowns sa iba't ibang kulay. Masaya siguro kung pipili ako dahil kay Shin, pero hindi. Pipili ako para sa kaligtasan. Pilit man ang gagawin ko pero kailangan.
Wala siyang choice, pero pagkatiwalaan mo siya.
Tama. Gaya ng sabi ni Gina kanina ay kailangan kong pagkatiwalaan si mom. Sa ngayon ay yun lang ang magagawa ko para sa kanila at ayokong pagsisihan ang lahat dahil lang sa hindi ako nagtiwala.
"mamili ka lang diyan, madam. "
"Gusto ko nung—"
"My princess! At last, nagkita rin tayong dalawa!"
"Stanley. " matabang kong banggit sa pangalan ng nagsalita. Naikuyom ko ang aking kamao sa nararamdamang galit bago walang emosyong siyang nilingon.
"Napakaganda mo pa rin, Solemn. Napakaganda. " ngiti niya at akmang yayakapin ako pero agad kong iniiwas ang aking sarili. Mabilis namang hinanap ng aking mata si Gina ngunit wala na siya sa loob.
"tss. Di ko akalaing hawak mo pala ang aking kambal. " monotone kong sabi. Hindi naman nawala ang kaniyang mga ngiti.
"It was all planned. The birthday party. Ang pagsugod sa phantom upang paniwalain si Phoenix na ang Royal ang may gawa nun. Ang pagsira ng birthday party. Pagbaril sa iyong ama. Paggamit sa galit ni Phoenix sa Royal. Ang aking mga kasinungalingan at ang pagsama mo. " I gritted my teeth in anger. Ngayon ay sinasabi niya sa akin ang lahat ng ito? Tss.
"Sa una palang alam kong may mali na sayo, Stanley. " matabang kong sabi.
Lumapit ako sa isa sa mga gowns at tinignan itong mabuti, ramdam ko naman ang mga titig niya sa akin at sa ginagawa ko.
"I should have known you are very smart. Masyado mo akong napaniwala na gusto mo rin ako. I believed you. Hell, You even make me a fool for thinking that you say 'yes' because you love me too!" itinaas ko ang aking tingin upang salubungin ang kaniyang titig at ang kaninang di mawaglit na ngiti ay tuluyan na ngang naglaho.
"pero gaya nga ng sinabi ko kanina, planado ang lahat. Wala ka nang kawala, Solemn. Ikakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo kung hindi ikamamatay ng kambal at ng iyong ina. If you think you played the game better then you were wrong." gusto kong magwala. Sa mga sinabi niya gusto kong humugot na baril at iputok iyon sa kaniyang bungo. Gusto kong pasabugin ang kaniyang ulo at ang lahat ng taong may kinalaman sa kaniya. I want him dead.
"You. Are. An. *sshole! " sigaw ko sa mukha niya at nagawa pa nitong tumawa.
"may napili ka na bang gown? " ngiti niya ulit. Huminga naman ako ng malalim bago walang emosyon siyang binalingan. Kahit minsan lang, kailangan kong ipakita na hindi ako naapektuhan. Na hindi ako mahina...
"oo, yung maroon." sagot ko. Halata ko naman ang saglit na pagkunot ng kaniyang noo bago tignan yung gown na tinutukoy ko.
"mas bagay sayo yung pearl white. "
"pinapili mo ko diba. Maroon ang pipiliin ko. " nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya nang hindi siya nagsalita. Ilang segundo pa ang lumipas ay tinawag niya si Gina na mukhang nasa labas lang ng pinto.
"Take care of her. " matigas na sabi ni Stanley bago kami iwanan roon. Napangisi na lang ako sa inasta niya. Alam kong gusto niyang puti ang susuotin ko, but I won't give him the satisfaction of getting what he wants.
"may napili ka na? " tanong ni Gina. At sa pangatlong pagkakataon ay sinabi ko ang kulay maroon.
"bakit yan?" kunot noo niyang tanong. Sumandal naman ako sa pader at hinarap si Gina na ngayon ay inaalis na sa mannequin yung gown.
"nagmumukha na siyang red. Red is blood—it is war. And it is the symbol of my heart bleeding to death." sabi ko. Tumango si Gina at inaya na akong lumabas matapos sukatin yung damit.
Wala man lang akong naramdaman nung sinuot ko iyon kundi galit at lungkot. Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng lahat ng ito, wala na rin akong lakas at panahon para umisip ng panibagong plano dahil iisa lang ang bumabagabag ngayon sa isip ko. Shin Phoenix Sumiyoshi. Gusto kong malaman kung kamusta na siya at kung ano nang nangyari sa kaniya. Malayo na naman siya sa akin... Nakakabaliw.
Pumunta ako sa kama at walang pakundangan na tinanggal ang mga bulaklak roon upang ihagis sa isang tabi. Nahiga naman ako at ipinikit ang aking mga mata, ngunit wala pang ilang minuto ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at yabag ng mga paa na lumakad papasok.
"The wedding is tomorrow night. Congratulations!"
Agad namang kumulo ang aking dugo nang marinig muli ang boses na iyon. The guy who tried to kill me. The son of the humbag asassin. The playful Cello Alcaster!

BINABASA MO ANG
The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned Queen
ActionThe mafia and the golden fairy book 2 Kung di niyo pa nababasa yung book 1, wag munang basahin ito dahil maguguluhan lang kayo. *** The heiress' game to rule. *** "I will find and pick those broken fragments to build myself again. I am lost at kalah...