Eto na po ;) sana magustuhan niyo.
Chapter 8: getting closer
****
"aah." sabi ni Shin habang sinusubo sa akin yung pagkain.
"kaya kong kumain mag-isa, shin." iwas ko naman sa kutsara.
"so we're back to the first name basis?" ngisi niya habang di pa rin inaalis yung kutsara sa harap ko. We are still in house near the seashore, eto yung bahay nung nakakita sa akin, yung parents ni Vincent.
Ayaw pa nila akong paalisin dahil medyo malalim daw yung sugat, i needed to rest for at least two days, yan ang sabi nila. And what's worst is Shin will be staying here too.
"seriously? Hindi ako naputulan ng kamay, okay? Tagiliran ko ang nabaril hindi kamay." halukipkip ko at ngumiti lang siya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin, ayokong nakikita siyang ngumingiti... Nahuhulog lalo ako.
"ahh." pagpupumilit niya at kinuha ko yung kutsara.
"ako na. Kaya kong kumain mag isa" walang gana kong sabi pero inagaw niya ulit yung kutsara.
"no. " matigas niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "susubuan kita. Just shut up and follow me, or else I'll kiss you." dagdag pa niya.
Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya, habang kumakain ako ay tahimik lang kaming dalawa. Katahimikan'g puno ng tensyon. Umiwas ako ng tingin ng magtama ang tingin naming dalawa.
"are you mad at me?" basag niya sa katahimikan. Di ako nagsalita. "tch. Answer me. May kinalaman ba to one year ago?"
Nakuha niya ang atensyon ko ng sabihin niya 'yon. One year ago... Napangisi na lang ako at sinamaan siya ng tingin.
"sa tingin mo? May kinalaman ba ang galit ko ONE YEAR AGO." matigas kong sambit at hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. Still cold as ever. Like a block of ice.
"I'm sorry... I'm sorry... I'm stupid! Di ko dapat sinabi iyon." mahina niyang sabi, ngumiti ako ng mapakla bago ipinagkrus ang aking braso.
"sorry? You've almost crushed me, shin! Halos gumuho ang mundo ko! You've called me names! Tinawag mo akong user! Liar and worst, bitch! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?!" napaiyak na lang ako ng kusang lumabas sa bibig ko ang aking nararamdaman, ang mga emosyong matagal kong tinago. Sadness...anger...hurt...longing.
"sinaktan mo ako. I told you to trust me! At least that's the last thing I want you to do! Pero hindi! Sinaktan mo ako! You even want me dead! Para mo akong pinapatay nung araw na iyon! Ang sakit sakit! Ang sakit!... Shin... I was broken... I was lost..." hikbi ko at nung akmang hahawakan niya ang aking mukha ay iniwas ko iyon.
"I'm sorry... I'm so sorry... I should have trust you... Dapat inalam ko muna ng lahat. I was eaten by hatred at hindi ko akalaing masasabi ko yun... Sora... I'm sorry... Please..."
Di ko siya tinignan. Ayokong makita ang mga luha niya, ayokong makitang umiiyak ang isang napakacold na mafia boss.
"Iwan mo muna ako." monotone kong sabi. Hinintay kong makalabas na siya ng kwarto, at nung nanyari yun doon na ulit ako umiyak.
Iniyak ko lahat. Lahat ng nararamdaman kong matagal kong itinago. Lahat ng halo halong emosyon na dahilan kung bakit ako nagbago. Lahat ng sakit at galit na siyang bumabalot sa puso ko. Iniyak ko iyon buong maghapon hanggang sa gumaan ang aking pakiramdam. Okay lang naman umiyak, dahil kahit isa akong lider ng makapangyarihang mafia, tao pa rin ako. Vulnerable and Weak.
BINABASA MO ANG
The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned Queen
AcciónThe mafia and the golden fairy book 2 Kung di niyo pa nababasa yung book 1, wag munang basahin ito dahil maguguluhan lang kayo. *** The heiress' game to rule. *** "I will find and pick those broken fragments to build myself again. I am lost at kalah...