Seventeen: continuation

1.4K 43 0
                                    

Jack pov

"kamusta pinaagawa ko?" tanong ko sa kabilang linya. Kakarating ko lang ng Pilipinas at agad na nag utos na sundan ang sasakyan ni Shin.

"Nagawa na po namin, pero-"

"pero?" agad kong putol sa sasabihin niyan. Mukhang hindi maganda ang sasabihin nito, sumandal naman ako sa aking upuan at nilaro laro ang water goblet sa harap ko.

"m-may kasama siya sa kotse, boss. May na..nadamay" utal niya. Saglit akong napatigil sa paglalakad sa hallway papunta ng aking condo, bigla kasi akong nakaramdam ng kakaiba na para bang may nakatitig sa akin.

"s-sir?" hindi ko pinakinggan yung boses sa kabilang linya at pasimpleng nilibot ng tingin ang paligid ko. Imposible... Imposibleng may kasama ako rito dahil walang tao ang buong hallway, at kung meron man kapansin pansin kaagad ito.

"s-sir... Si Solemn po nadamay." rinig kong sabi ng tauhan ko sa kabilang linya at sandali akong nabato sa aking kinatatayuan.

'shit!'

"Bakit mo hinayaang madamay ang fiance ni Pearson?" kalmado ko pa ring tanong kahit na sa loob ko ay gusto ko ng barilin ang lalaking ito.

"hindi po namin alam, sorry po sir... Huli na ng malaman namin." mabilis naman niyang sabi sa kabilang linya.

"shoot your head bago pa ako makapunta diyan sa kinaroroonan mo at ako mismo ang pumatay sayo." kalmado kong utos bago binaba ang tawag. Nadamay si Solemn at hindi na dapat malaman pa ito ni Pearson, mahirap magalit ang mokong 'yun walang sinasanto kahit na sino.

Napabuga ako ng hangin dahil sa inis, iba magalit si Pearson kaya dapat hindi iyon mangyari. Kahit sino makakaya niyang paikutin at paglaruan, dahil na rin sa kapangyarihang mayro'n siya ngayon. 'bwisit talaga! Mapapatay ako ni Pearson!'

Pagkakuha pa lang ng susi sa aking bulsa ay agad kong binuksan ang pinto ng aking condo, pero tila ba tumaas ang aking mga balahibo dahil sa kakaibang pakiramdam. Para bang pinapanood ang bawat galaw ko, kahit ang aking paghinga ay parang binibilang ng kung sino man.

Muli kong sinuyod ng tingin ang hallway bago mabilis na pumasok sa loob at siniguradong nakalock ng maayos ang aking pinto. Para talagang may nagmamanman sa akin, di ko lang masigurado...

***

Sora pov

Napakabigat ng aking pakiramdam. Sobrang bigat na para bang may napakalakas na magnetic force ang humihila sa akin pababa. Nakakapanghina... Hindi ko agad binuksan ang aking mga mata at pinakiramdaman muna ang paligid ng makarinig ako ng pagbukas sara ng pinto.



"kaano ano ka ulit ng pasyente?" rinig kong tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang aking doktor, ramdam ko ang paglapit ng dalawang tao sa akin at nanatiling pikit ang aking mga mata.



"I'm a distant cousin, doc." sagot ng di pamilyar na boses ng babae. I don't remember having a distant cousin. Sa pagkakaalam ko wala na akong ibang kamag anak...



"if that's the case then maybe I should go after checking her vital signs first." hinayaan kong hawakan ng doktor ang aking pulsuhan. Mabigat pa rin ang buo kong katawan ngunit sa tingin ko ay kaya ko naman itong labanan para makagalaw.




"kamusta po yung lagay niya, doc." tanong ulit ng babae, sinubukan ko namang buksan ng bahagya ang aking mata at nakita silang dalawa na nakatalikod mula sa akin.

Katabi ng doktor ay babaeng may mahabang maitim na buhok, nakatago sa likod nito ang isang syringe na ngayon ay nakaharap sa akin kaya hindi na ako nagtaka pa kung bakit mayro'ng di kilalang bisita ang aking kwarto.



The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon