I Waited for him

139 4 0
                                    

Prologue

Nagcecelebrate si Karina para sa kanyang birthday party. 8 years old palang siya pero grabe ang pinahanda ng kanyang mommy. Para na siyang nagdedebut.

Nakapag ayos na si karina para sa party niya syempre ininvite niya mga classmate niya.

Bago magstart ang party may tumabi sa kanya...

"Hi zech!" Sabi niya sa anak ng kaibigan ng kanyang daddy.

"Happy birthday, karin!" Bati niya.

"Thank you."

"Ilang taon kana?"

"Eight years old na ako. Ikaw?"

"Ten years old na ako. Marunong ka na bang magbilang? Kung marunong ka, Ilan ang ten?"

"Ha? Di pa ako marunong eh haha."

"Ganito o." Hinawakan ni zech ang kamay niya at tinuruan siya nito kung paano magbilang.

Ang totoo ay marunong naman talaga siya kaya lang kinikilig siya tuwing hinahawakan nito ang kanyang kamay.

"Uhmm, Zech? Gusto mo ba ako? Kasi sabi ng classmate ko 'pag hinawakan ng boy ang kamay ng girl gusto siya nito."

"Bakit? May humawak na ba sa kamay mo?"

"Oo. May gusto nga sila sa akin eh. Sabi ng mga boys kong classmate, kapag kalaki daw namin liligawan daw nila ako."

"Huwag, ayaw ko. Promise mo sa akin di ka magpapaligaw sa kanila."

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Gusto kita. Pagkalaki natin, liligawan kita. Promise mo sa akin na di ka magpapaligaw sa kanila."

"E diba pupunta kayo sa ibang bansa? Iiwan mo rin pala ako eh."

"Oo pero hintayin mo ako pagbalik ko, ikaw ang una kong babatiin at pagbalik ko pakakasalan kita."

"Promise?"

"Promise." Pangako nito.

"Hihintayin kita, zech."

I Waited for himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon