Chapter 14

12 1 0
                                    

Chapter 14

Pinagbuksan ko ang mga magulang ko ng pinto. Itinago ko muna si Zech sa isang kwarto. Pinagpawisan ako ng sobra sobra sa kanya.

"Karina, bakit ang pawis mo?" sabi ni dad.

"H-huh? Ah! N-nag-wo-work out po kasi ako, Dad."

Pinapasok ko sila pati na rin Tito at tita, Parents ni Zech. Jusko, hibdi pa naman nila alam na nandito siya.

"Karin, regalo ko sayo. Happy birthday!" binigay ni tita sa akin yung dalawang bote ng pinacolada.

"Thank you, po. Alam na alam niyo po talaga yung favorite kong drinks."

"Of course." sabi ni tita na nakangisi.

Nagdala sila ng iba't-ibang pagkain para sa birthday ko at nagoder rin sila.

"Kumusta dito, karin?" tanong ni mommy habang kumakain at nagtatawan sila.

"Ayos lang, mom. Payapa dito. Walang problema." kahit meron naman talaga.

"Good. Dapat sanayin mo na ang sarili mo. 20 years old kna at magtatrabaho kana nyan."

"Tama mommy mo, Karin. Zech will work na sa company tutal naman noong nasa states pa siya nakapagtapos na siya. Kung gusto niyo naman pwede niyo ng asikasuhin yan ni Zech. Pagtulungan niyo yung pinagmerge namin na company." sabi ni tito.

Nagsitanguan naman lahat sila.

"Good idea." wika ni dad pagtapos niyang uminom.

Sa gitna ng pagkukwentuhan namin lahat, nakarinig kami ng ingay mula sa kwarto.

"Ano yon, karin?" tanong ni mommy.

Hindi ko alam sasabihin ko. Natataranta ako. Bakit pa kasi ngayon kapa nag ingay, Zech!

"Ah! May a-alaga po kasi akong pusa. Baka gutom na. Sandali lang po."

"Huh? Kailan kapa nahilig sa mga pusa, Karina?" tanong ni dad.

"Nacutan po kasi ako, dad. Sige wait lang. Pakakainin ko muna siya."

Nagdala ako kunwari ng pagkain at pumasok sa loob. Nakita ko si Zech na nasa floor at ang dami kalat. Hinila ko siya hanggang sa may carpet dahil malamig sa may tiles. Bubuhatan ko sana siya patungo sa kama pero ang bigat niya. Hinulog ko ulit siya sa may carpet at ginulong gulong patungo sa dulo para hindi na marinig yung ingay niya.

Umuungol siya at pinagpapawisan. Ako naman, naliligo na rin sa pawis at hindi ko alam yung gagawin ko.

"Hoy, Zech! Huwag kang magiingay. Bubuhusan ulit kita ng tubig pero this time, mainit naman, sige ka."

Umungol lang ulit siya. May kumatok. Si Mommy.

"Karina! Anong ginagawa mo dyan? Bakit ang tagal mo?"

"Po? Wait lang, Mom. Magpapalit lang ako ng damit."

"Okay."

"Zech! Uulitin ko! Huwag kang magiingay diyan."

Nagpalit ako ng damit at lumabas.

"What took you so long?"

"Sorry, guys. Ang kulit lang kasi ng pusa ko. Pinagpawisan ako sa kanya ng sobra at ang likot."

"Pwede ko ba siya makita?"

"Ha? Ah, baka po kasi kagatin ka lang ng pusa ko, tita. Sa akin lang sanay yon eh. Ang bangis pa naman."

Tumango na lang siya at nagtataka ang mga mukha nila na para bang may ganon ba talagang pusa.

Kung alam lang nila na parrot yung nandoon at isang mabangis na parrot. Sobrang laki pa!

After an hour, umalis na silang lahat. Ang mga pagkain ay linagay lahat sa ref. Naglinis rin ako at naligo dahil sobrang pawis ko na.

Pinuntahan ko si Zech sa kwarto at nakita ko siya doon na nakaupo at nakayuko na parang ramdam parin yung pagkahilo.

"Are you okay?"

Nagangat siya ng tingin at pinagmasdan ako. Matutunaw yata ako.

"Yeah. Anong nangyari? Bakit may mga pasa ako?"

Hala, baka yan yung pagpadyak ko sa kanya kanina.

"Baka nakipagbubugan ka kagabi ng hindi mo alam."

"Nah, I have no enemies. Tanging ikaw lang talaga ang umaaway sa akin."

Tumayo siya at lumabas. Pumunta sa kitchen at naghahanap ng pagkain. Bahala siya sa buhay niya. Pupunta nalang ako sa kwarto at magmomovie marathon.

Habang nanunuod ako narinig ko mga yapak niya papunta sa akin. Napapikit ako dahil topless siya.

"Lumayas ka nga sa harapan ko."

"Karin, magusap nga tayo."

"Ano naman?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"About us."

"Us? May Us ba?"

"Yeah. I'm your fiancee karin. At saka friends naman tayo."

"Noon. Iba na yung ngayon."

Hindi na lang siya nagsalita na parang alam na talo siya.

Pumunta siya sa pinto dahil may nagdoorbell. Sinundan ko siya ng tingin pero umiwas rin ako ng papalapit ulit siya sa akin.

"For you." Cake? Naalala niya?

"Tara kain na tayo. Linabas ko mga pagkain sa ref mo at ang dami." sabi niya tapos hinila ako papunta sa dinning table.

Nabuhayan talaga ako. Akala ko hindi na niya naalala.

"Thank you, karin."

"And?" tanong ko.

"And sorry kasi inistorbo kita."

"And?" tanong ko ulit.

"May nakalimutan pa ba ako?"

Napawi ngiti ko at bumagsak mga balikat ko. Akala ko naalala niya na. Hindi pa pala.

May nagdoorbell ulit. Bodygaurd ni paulo. Binigyan ako ng flower at pinapabigay ni paulo dahil birthday ko daw. Nagpadala rin si liam ng bouquet at nagyaya pang lumabas. Tatawagin ko nalang siya at sasabihing next time nalang.

"Kanino galing yan?" tanong ni Zech.

"Sa mga kaibigan mo."

"Bakit ka nila pinadadalhan ng mga ganyan?"

"Ano ngayon sayo?"

"Tinanggap mo mga 'yan pero yung akin hindi mo man lang kinain." sabi niya na parang batang nagtatampo.

"Para kang bata. Tumigil ka nga."

"I'm your fiancee, Karin. Dapat ako lang yung lalaki sa buhay mo."

"Huwag na tayong maglokohan, Zech. Alam naman nating naglalaro lang tayo."

Ngumisi siya at tumingin sa akin ng seryoso.

"You're really serious about that, huh?"

"You're not?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Kumain lang siya. Nagdiwang yung puso ko dahil parang nagseselos siya.

THIS IS IT!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Waited for himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon