Chapter 11

15 0 0
                                    

Chapter 11

Sa lahat ng pakiramdam na gusto kong maramdaman, yun yung salitang 'Pag-ibig'. Oo, umibig na ako pero gusto ko iniibig rin ako ng iniibig ko. Kuha niyo? Yun yung gusto kong maramdaman.

Mahirap na tinatanaw mo lang siya sa malayo. Masakit kapag hindi ka niya pinapansin. Kaya gusto ko ngayong mag-isip ng paraan para magustuhan niya rin ako. Sabihin niyo ng adik ako kasi lagi na lang siya yung topic. E inlove ako e. Walang kwenta yung pagpapagupit ko at saka yung pagaayos ko sa sarili ko. Tulad parin ng dati. Mahal ko parin siya.

Nung isang araw na nadaan ako isang room sa school. May narinig akong naguusap na mga barkada. Lalagpasan ko sana pero narinig ko yung pangalan niya. So, napatigil ako atsaka sumilip.

"Zech, pare, sino girlfriend mo ngayon ha? Hindi ka nagkukwento." tanong ni ran na pinaglalaruan yung bolpen habang nakatingin kay zech.

"Hindi pa ako nagkaka-girlfriend. May dinedate, oo. Pero girlfriend? Wala." sagot ni zech na nakatingin kay ran.

"Wushu, wushu. Sabihin mo sa aso ichichismis niya sa pusa. Sinong linoloko mo? Kami? Kaw pa?" sabi ng sira ulo na ran.

"Just shut up kung di ka rin maniniwala." sabi ng nka pokerface na si zech.

"Nagtanong ka pa sa kanya, ran? He will never say the truth." wika naman ni ian na seryosong tinitingnan yung magazine.

"Sira ulo kasi si zech, mga pare. Andyan na nga si karin humahanap pa ng iba." sabi ni liam na nagbabasa ng libro.

"Manahimik kayo. Ako nanaman topic niyo." sabi nung parrot.

"Bakit? Hindi ba totoo?" sabi ulit ni liam.

"Shut up, bro."

Naku! Magkakainitan yata mga 'to.

"Paano kung ayaw ko? Umamin kana kasi na gusto mo si karin."

"Ts. Bahala kayo dyan. Kahit kailan talaga sa lahat ng sagot ko may sagot ka rin. Ba-" naputol yung sinasabi ni parrot dahil sumabat si Ian.

"Huwag mo ng ipilit, liam. Baka gusto mo si karin kaya ang pinagiinitan mo ngayon si zech?"

"Paano kung sabihin kong, oo?"

Kahit kailan talaga, nakakatawa si liam. Kung makapagbiro, wagas.

"Yun, oh!" sabi ni ran.

"Zech, paano ba yan?" sabi ni paulo na kanina pa tahimik na nakikiramdam sa paguusap ng mga kaibigan.

"It's okay. She's all yours." he said with he's serious tone.

I never saw that expression. He's fiercest eyes. Nakakakilabot.

Nakikita ko iyon ng malinaw dahil nakaharap siya sa pintuan at nakatalikod sa mga kaibigan. Hindi naman niya ako nakikita dahil konting bukas lang ang makikita mo dun at saka malapit ng magala-sais, nagdidilim na.

"Walang bawian, pare. Akin na siya."

"Sayong sayo na." sabi ni parrot na halatang pilit yung ngiti.

Nainis ako, that day. Pinamimigay ako ng ugok na 'yun. Kung sanang sinabi niya na lang na hindi pwede e. Di sana nasa mood ako ngayon.

Ito pa yung malala. Kinausap ako kanina ni Zech. Ang dami niya sinabi. Grabe, natuwa ako sa iyak.

"Karina, can I talk to you?"

"H-ha? S-sure." sabi ko na nagsmile.

"Ano 'yon, parrot?"

Halos magdikit yung kilay niya nung sinabi ko yun.

"I mean, zech. Problem?"

"Ayaw ko munang makipag away, okay? Baka masira araw ko."

"Ts. Ano ba 'yon?"

"O, pinapabigay ni liam." sabay abot sakin ng three yellow tulips. "Busy kaya sabi niya ako na raw magbigay."

"Sabihin mo salamat." tumango siya papaalis na sana siya ng ma maalala ako.

"Zech, paano yung kasunduan?"

"'Yon? Na-convince ko na si dad na di na matutuloy. Kakausapin niya daw lolo mo."

"WHAT?"

"Why? Gusto mong makasal sa di ka mahal? At saka may liam kana" sabi ng langyang lalaking yon tapos umalis na.

Saklap, dba? Hindi daw niya ako mahal. Pero may sinabi siya sa huli eh. Ano ba yun? Nabingi yata ako. Ay basta.

Kakausapin daw si lolo? Edi kausapin niyo si lolo kung papayag yun. Hah!

Get ready, zech. You'll love me.

I Waited for himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon