Chapter 7

34 0 0
                                    

Chapter 7

Karin

It's sunday. No classes. Today is a family day too. So, nandito ako sa bahay kasama sila mommy at daddy. Kasalukuyan kaming kumakain at nakwe-kwentuhan.

"So, kumusta sa school? Maayos ba?" Tanong ni mommy.

"Maayos naman, mom. Actually, tinuturuan ako ni aki."

"You should study on your own, karin. Hindi yung umaasa ka sa friend mo." sabi naman ni dad sa akin.

"Okay, dad. Pero nagsitaasan naman po mga grades ko."

"Pero kailangan mo pa rin mag-aral ng mabuti." sabi ni dad with his serious face. Ayaw ko ulit mapagalitan. Tinignan ko si mom. I gave her the please-cut-this-topic look.

"Kumusta naman kayo si zech?"

Buti na intindihan ni mommy kung anong ibig sabihin ng tingin ko pero ano daw tanong niya?

"Ha?"

"Sabi ko, kumusta kayo ni zech?"

"I don't care about him. We're not close."

"Hindi na ba talaga kayo magbabati?" Nakwento ko kasi sa kanila ang pagaaway namin ni zech. Nalungkot si mommy ng nakwento ko iyon ewan ko ba.

"Asa pa siya." sabay irap ko sa kawalan.

"Alam mo botong-boto ako sa inyo. Gusto ko siya para sayo."

"Mom, I don't like him. He always tease me. Nakakainis."

"Diba noong mga bata pa kayo, close na close kayo?" Tanong naman ni dad. Oo close na close. Naging crush ko pa siya and again, I remember his promise.

Argh, huwag mo ng isipin iyon, karin. Hello? Past is past. Forget that. Nakalimutan niya na rin naman iyon eh.

"I don't know."

"May boyfriend ka na ba? Bakit di mo pakilala samin? You're already nineteen years old, karin. 4th year college and graduating." sabi ni mommy na parang excited na magka boyfriend ako.

"Mom, ang bata ko pa kaya atsaka wala pa po akong boyfriend."

"Siguraduhin mong buhay pa kami ni mommy mo 'pag nagkaanak ka. Gusto pa namin makita mga magiging apo namin." sita naman ni dad na nakakapangasar.

"Dad!" sigaw ko. Tumawa naman sila. Hello? Teenager pa ako anong pinagsasabi na mga magulang ko?! Psh.

"Si zech na lang kasi, nak." sabi ni mommy.

"Ang bata ko pa. Wala muna akong panahon sa mga 'yan."

"But zech is okay for me." sabi naman ni dad. Hay, naku! Kairita yung pangalan na iyan.

"Yeah, hon. Zech is handsome and our daughter is beautiful. Bagay sila." My mom with her lovely smile.

Hindi na lang ako umimik. Hinayaan ko silang magkwentuhan habang kumakain.

"Ma'am, may gusto pong kumausap sa inyo sa telepono." Tawag ng isang katulong sa amin.

"Sino daw?"

"Liam Fuentes daw po."

Ay, oo ng pala. Kagroup ko siya sa isang subject. Si liam ay napakabait at ang gwapo pa ang swerte ko nga magkagroup kami. Sabi niya pa sa akin I'm pretty pa hahaha kinilig ka naman karin! Okay stop na kailangan mo na siyang kausapin hahaha

"Sige po, manang, sabihin mo ayan na. Mom, dad. Excuse me."

At tumango naman sila pero bago ako mapalayo sa dining room, narinig ko pa paguusap nila.

"Sino si Liam Fuentes? Boyfriend niya?" Tanong ni mommy.

"Sabi kanina ni karin wala daw siyang boyfriend."

"Mabuti dahil mas boto ako kay zech."

"Ako rin, hon." Mga magulang ko talaga.

I Waited for himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon