Falling in Love with my BestFriend: Chapter 10 - Prank Call?

28 0 0
                                    

             Stephen & Francine on the side ------------------------------------------------------------------------------------------------------>

Chapter 10 - Prank Call?

Klarisse POV

Nung sinabi ng hosts na magsipuntahan sa harap ang mga dalaga ay pumunta ako dahil sa pagkakataon na yon ay ihahagis ng bride yung bulaklak at yung groom naman ang maghahagis ng garter sa mga binata..

Pagkahagis ng bulaklak ay sakto naman tong nalaglag sa mga kamay ko at di ko na kailangang makipag-agawan pa dahil na sa dulo ako at talagang malayo ang pagkakahagis ng bride..

Laking tuwa ko naman nun..

Sino naman kaya sa mga binata makakakuha ng garter..?

Pagkahagis ng groom ng garter ay agad na nag-agawan ang mga lalaki at....

Oh no!!!

Si Spencer ang nakakuha!!

May kasalanan pa sakin yan...

Pinaupo na kami sa gitna at ilalagay na ni Spencer yung garter sa paa ko pataas sa binti ko...

O_______________O

"Higher!! Higher!!" sigaw nung mga bisita

"Spencer! Yari ka sakin kapag pinagnanasaan mo makinis at maputing legs ko!" pabulong ko sa kanya..

"Sus! Parang pagnanasaan kita..Mahilig ako sa mga sexy, maputi at makinis at matangkad noh! Bakit sexy ka ba? tsk!" panlalait pa niya!

Di na lang ako sumagot at nalagay niya rin yung garter sa binti ko..

Malakas na kantiyawan ng mga bisita ang mga naririnig ko lalo pa at nalaman nila na isa kami sa Wedding Organizer..

"Mukhang inilaan talaga para sa inyo yan ah.." - Princess

"Kiss!" - Daniel

"Kiss! Kiss! Kiss!" sigaw na rin ng mga bisita..

"Bakit bride ba ako?" react ko..

"Sige na! Spencer, kiss mo na si Klarisse!" - Nathan

Humarap na ako kay Spencer.. "Huwag kang magkakamali ha? Uupakan talaga kita!" banta ko sa kanya..

"Ang hina mo naman, Spencer! Kiss lang ay hindi mo pa magawa!" kantiyaw ng isa sa mga bisita na hindi ko kilala..

Talagang inihanda ko na ang kamay ko para sumalag just incase na umandar ang kalokohan ng lalaking ito..

O__________________________O

asdfghjjkllagshjsgahjajkajajaj!!!

"Ay! I hate you! Walanghiya ka!" react ko sabay hampas sa kanya

"Be sport hija.. It's just for fun so ok lang yan..Enjoy the moment.." sabi nung isang may edad na babaeng bisita na lumapit sa hosts at hiningi ang microphone..

"Ano nanakawan ba uli kita ng halik o papayag ka na lang.?"

"Ang kapal mo talaga! Humanda ka sakin mamaya..Sige na! Sa pisngi lang ha!"

"Okay...ready...one two three..." countdown pa niya saka pa smack na hinalikan ako sa pisngi.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at  katulad kanina ay may naramdaman akong kakaiba kahit na sa pisngi lang dumikit ang labi niya.

Falling in Love with my BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon