Falling in Love with my BestFriend: Chapter 16 - First Night With Him

18 0 0
                                    

*Author's Note*

Hello there..sorry kung now lang nakapag UD.. Dami inaasikaso nitong mga nakaraang araw ehh..BTW enjoy reading..Thanks..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 16 - First Night With Him

Princess POV

Hahalikan na sana ako ni Nate, o panaginip ko lang yon? at assuming lang ako masyado na hahalikan nya ako? Joke! Still, nakatitig pa rin sya sakin, edi magtitigan kami pero di ko na kaya, kaya ako na ang unang nag iwas ng tingin.Biglang sumulpot si lola malapit sa pinto.

"oh tapos na ba kayo maglabing-labing dyan? halina sa labas.  Mamaya nyo na ko gawan ng apo sa tuhod o talampakan na ba?"

Sumunod na lang kami sa kanya palabas habang magkaholding hands kami. Hindi ko maintindihan pero sabi ng puso ko na mahal ko ang lalaking katabi ko. Kung pwede nga lang na habambuhay na kami na talaga. Kung gumawa na kaya ako ng paraan na mainlove sya sakin? Not bad. *grins*

******  

Pagpunta namin dito sa Cold Spring Island gamit ang helicopter na naghatid samin dito feeling ko pagtapak ko sa buhangin parang nasa ulap pa rin ako. Duh! Princess first time mo kaya sumakay ng helicopter! Dahil mas sanay ka mag airplane.          

Hindi na ko nagyaya pa kay Nate na maglibot kami dito dahil papagabi rin lang naman. And im tired gusto ko na matulog talaga.            

Pagkapasok sa loob ng beach house, actually di sya kubo, semneto sya semento! haha! Wala lang parang style nito yung mga house sa ibang bansa. Basta yun na yon!            

  Nag ayos muna ko ng gamit ko at nasa iisang kwarto lang kami matutulog, dahil nakalock yung isa pang kwarto at yung isa pa bodega daw yung nasa baba! Pft! Sa sahig sya matulog kung gusto nya basta di ko sya tatabihan! Asaness! =________=              

Nang matapos na ko mag ayos ng mga damit, sakto lumabas si Nate ng CR.               And...uhm..*lunok* oh  so hot! Yummy..tse! Stop it Princess! Kakahiya! Tinampal ko ng dalawang beses ang pisngi ko.              

"something wrong, hon?"          

"oh nothing." nagkandautal utal na sabi ko. Hon na ba tawagan namin?? "Sige magshower na ko."              

Naglakad na ko papunta sa pinto ng CR ng bigla nya kong hatakin papalapit sa kanya. Ang lapit tuloy ng mukha ko sa kanya. At naamoy ko pa yung sabon na ginamit  nya! Sarap singhutin! Nakakaadik! Haha!              

Infairness! Ang bango rin ng hininga! Listerine na color blue ba yung ginamit mo Nate?? Hihi!               "Sige na magshower ka na" sabi nya at bumulong sakin "Hintayin kita dito."              

Ewan ko kung ano nangyari basta pagpasok ko nilock ko agad yung pinto at napasandal sa likod nyon. Nate bakit ka ganyan?? Ano nakain mo?? Or nalipasan ka lang ng gutom?? Shocks! Pinagpawisan ako dun! Makapagshower na nga! Baka kung ano pa maisip ko na kahalayan.              

Anong oras na ba? I mean ilang oras na ko dito sa loob, nakababad sa tubig. Eh ang sarap kaya magtampisaw! haha! LOL!              

*tok tok tok*              

"Hon, mahigit isang oras at kalahati ka na dyan! Baka natulog ka na dyan ah. Pagbilang ko hanggang sampu at di ka lumabas dyan, papasukin talaga kita." sabi ni Nate na ikinataranta ko.              

Falling in Love with my BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon