Falling in Love with my BestFriend: Chapter 22 - Come Back

16 0 0
                                    

Chapter 22 - Come Back

Princess POV

So here we are! Sa Airport! Yaman talaga nila Nate...not to mention na nasabi ko na sa inyo dati na galing sa mayamang angkan yang si Nate...Eh di siya na mas mayaman samin.

Naunang bumaba si Nate sakin at inilahad niya ang kanyang kamay sakin kaya kinuha ko ito at bumaba na ko ng helicopter at isinuot yung hat ko (yung pang beach)...

I miss you Manila! But mamimiss ko ang Cold Spring Island..

Nga pala hindi sakin sinabi ni Nate na doon sa  kasukalan na parang akala ko na puro puno lang dun sa may likod ng resthouse nila ay meron palang shortcut doon papunta sa bayan pero hindi na sakop ng pagmamay ari nila Nate dahil sa kanila lang yung Cold Spring Island.. Tsk! Bakit di kami pumunta doon?? Akala ko pa naman isla lang talaga yon..yun pala may shortcut dun sa kasukalan kaso malato pa daw ang lalakarin...Nakng! Teteng ka Nate! Sinabi mo lang sakin ng pabalik na tayo dito..

"L-love.." usal niya sakin sa mahinang boses at hinawakan niya ang isang kamay ko.

"Nate bakit?" tanong ko.

Nakikita ko kasi sa mata niya na parang may gusto siyang sabihin.

"Please kahit anong mangyari hindi ka bibitiw."

"Nate ano ka ba? Nasa airport na tayo. Saka makapagsalita ka parang namang mawawala ako sayo." hinawakan ko ang dalawang kamay nya at pinakatitigan siya sa mata.

"Kung ano man ang iniisip mo na mawawala  ako sayo. Hindi mangyayari yon Mr. Nathaniel Dave Perez at ikaw lang ang tanging mahal ko. I love you." Then i smiled at him.

Hinawakan niya ang pisngi ko saka dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha niya sakin at ipinagdikit niya ang mga noo namin.

Hindi na ko tumutol pa kung sakaling hahalikan niya ako. Kaya naramdaman ko na lang ang mainit niyang labi na dumampi sa akin. He did kissed me. Kusa ng pumulupot ang isang kamay ko sa batok niya at ang isa naman ay sa buhok niya.. Hmm...kissing under the sun? Sakto dahil papalubog na ang araw..

After that kissed we both panting. But still magkadikit pa din ang mga noo namin at nakahawak pa rin ang isa niyang kamay sa pisngi ko at ang isa naman ay nasa bewang ko.

"Mrs. Princess Jin Perez...promise me that you will never leave me...kahit ano pang malaman mo.."

"Nate ano bang pinagsasabi mo.?"

Teka! Naguguluhan ako. Ano ba ang gusto niyang palabasin sakin. Nate. I don't get you.

"Cess, please...just promise me na hindi mo ako iiwan..Mahal na mahal kita.."

Yung boses ni Nate parang maiiyak na at nararamdaman ko parang nasasaktan siya kaya um-oo na lang ako at niyakap niya ako ng mahigpit.

Nathan POV

"L-love"

"Nate bakit?"

"Please kahit anong mangyari hindi ka bibitiw." Please Cess...mangako ka..

"Nate ano ka ba? Nasa airport na tayo. Saka makapagsalita ka parang namang mawawala ako sayo." hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinakatitigan sa mata.

"Kung ano man ang iniisip mo na mawawala ako sayo. Hindi mangyayari yon Mr. Nathaniel Dave Perez at ikaw lang ang tanging mahal ko. I love you."

Falling in Love with my BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon