Nagising ako dahil sa ingay ng mga nag-uusap sa harapan. Kanina ko pa gusto matulog pero hindi ko magawa. Masyado akong inaantok dahil ilang araw na akong walang tulog sa bahay tapos ngayon, ang iingay pa nila. Gusto ko sila bigwasan pero ayoko naman ipakita sa iba ang kakaibang lakas na taglay ko.
My name is Celine Alcanzar. It's been 1 month since I became a vampire. Sa isang buwan, I stayed at our rest house in Tagaytay. Isang buwan narin akong hindi lumalabas dahil natatakot ako. Natatakot ako na malaman ng iba na kakaiba ako. Pero joke lang yun, lumabas ako one time para magnakaw ng dugo sa isang blood bank. After ko manakaw lahat ng dugo, ay hindi na ako lumabas ulit.
Isa akong simpleng babae na pinanganak mula sa Australia. Maputi at makinis ang aking balat. Pero, noong naging bampira na ako, mas lalo akung pumuti. Kung tingin mo sa akin ay isang normal na tao, para akong babae na may anemia sa sobrang putla.
Sabi ng pamilya ko, eto na rin siguro ang resulta ng pagkaroon ko ng coma for almost 2 years.
Nagulat sila noong magkaroon ako ng malay. Sabi kasi ng mga doctor, himala raw yung nangyari dahil isa ako sa mga hopeless case na meron sila. But miracles do came and it saved me.
Gusto ko sabihin sa kanila na sana pinatay nalang nila ako. Hindi nila alam kung ano ang naging kapalit sa pagkabuhay ko kaso noong marinig at maramdaman ko kung gaano natuwa ang buong pamilya ko sa nangyari, hinayaan ko nalang na maging bampira ako.
I can't dare to disappoint my family and I can't dare to hurt them anymore. Masyado na akong naging pabigat sa kanila sa loob ng halos dalawang taon ko na pagkacoma.
This time, babawi ako sa kanila. Pero paano? Paano ako babawi kung para lang akong patay na nabubuhay sa mundong to. This is not me. Katawan at isip ko nga to, pero yung dugo na dumadaloy sa buong katawan to ay hindi sa akin.
"Pwede ba hinaan niyo naman mga boses niyo! Wala kayo sa bahay niyo para makapagkwentuhan ay akala mo walang naiistorbo!" I said with a serious and warning tone. Natahimik ang lahat. Mukhang narinig rin ng mga tao na nakaupo sa unahan yung sinabi ko.
Sinandal ko ulit yung ulo ko sa may window. I'm going somewhere. Hindi ko alam saan basta sumakay ako ng bus. Hindi ko na tiningnan kung saan papunta basta gusto ko makalayo muna sa pamilya ko.
I already left a letter at home kaya siguro hindi na sila mag-aalala.
Gusto ko muna ayusin ang sarili ko. Hindi ko pa kaya hindi uminum ng dugo kahit isang araw lang. I'm a newborn vampire and I'm always craving for blood.
Mabuti nalang, may nabasa ako isang libro na tutulong sa akin kung paano mabuhay at paano kumuha ng dugo sa isang tao na hindi sila napapatay.
Binasa ko ang libro ni Christopher Pike na The Last Vampire or Thirst Series.
It was a good book to guide a newborn vampire like me. Mabuti nalang hindi ako madali masunog kapag nagbibilad sa araw kaso nakakapanghina parin ng konti. Unlike newborn vampire sa mga fiction books ay hindi nila kaya magbilad sa araw.
BINABASA MO ANG
The Last Blood
Ma cà rồngCeline, she was a human not until someone save her from death but in order to save her life, she needs to drink the blood of a vampire.