03

57 5 4
                                    


"Bampira." sambit ng lalaking ng humarap ako sa kanya pagkatapos ko kalabanin ang sinasabi ng lalaki na tiyanak. Ramdam ko ang dugo sa buong katawan ko. Mula sa labi ko hanggang sa leeg ko. Parang naliligo ako ng dugo dahil sa nangyari.


I lick my lips to taste the blood from that whatever creature they are. Pinunasan ko rin ang sarili kong mukha dahil feeling ko talaga mukha na akong halimaw sa hitsura ko.


But heck! I'm a vampire! Isa parin akong halimaw sa mga mata ng mga tao kahit pa hindi ako gumawa ng masama. Ganyan naman tayong mga tao diba? Tinatawag nating halimaw ang isang tao dahil sa hitsura at hindi sa personalidad. Sobrang babaw man ng mindset na iyan but hindi mo maiideny na pati ikaw ay guilty sa ganyang ugali.


Napaatras ang lalaki ng lumapit ako sa kanya. Huminga lang ako ng malalim at lumapit sa sasakyan niyang natumba.


Binuhat ko ito at binalik sa dati. Tiningnan ko rin kung may malubhang sira ang sasakyan at mukhang maayos naman. Sinubukan ko paandarin ang sasakyan at napahiyaw pa ako ng marinig ko ang pag andar ng makina.


"Ayan! You can still use the car and get away from here." saad ko sa lalaki at hinarap ko ito. Nakatulala parin siyang nakatingin sa akin.


Lumapit ako sa kanya at tinikop ko ang panga nito na nalaglag. Aalisin ko na sana ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa baba nito ng hawakan niya ang kamay ko. Napalunok ako ng may makita ako sa isipan ko.


I saw series of images in my mind. Paiba-iba ang imahe ang nakikita ko pero huminto sa isang eksena na hindi pamilyar sa akin.


May batang lalaki na tinalikuran at iniwan ng isang ina. Hinabol ng lalaki ang kanyang ina na sumakay ng bus. Kahit nakakalayo na ang bus ay patuloy parin sa pagtakbo a ng bata. Nakaramdam ako ng awa sa bata dahil umiiyak na ito habang tumatakbo hanggang sa nadapa ito. Nataranta naman ako ng may makita akong rumaragasang sasakyan papunta sa direkyson ng bata. Gusto ko sana ito sakluluhan kaso biglang nawala ang nakita ko sa isipan ko.


Napatingin ulit ako sa lalaking nakahawak parin sa kamay ko.


"Isa kang bampira." ulit pa niya. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya sa akin at mabilis ko siya tinalikuran.


Kinuha ko ang bag ko saka ko ito sinukbit sa balikat. Nagsimula akong maglakad.


I don't like what I saw. I don't like seeing a kid being left by her mother. Ayoko ng ganoon. Hindi ko naranasan ang lumaki na walang ina at ama. Kompleto parin ang pamilya ko sa kabila ng nangyari sa buhay namin. They didn't even left me when I had a coma. That's why I hate every mothers out there na iniwan ang anak nila sa kahit na ano pang dahilan lalo na wala pa masyadong muwang ang mga anak nila ng iwan nila ito.


Every kids needs a mother. Lahat ng bata kailangan ng isang kalinga ng isang ina.


"Teka lang!" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga yapak ng lalaki na papunta sa direksyon ko. Pumikit ako at pinakinggan ang kung ano ang mayroon sa kanya lalo na ang nararamdaman niya.

The Last BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon