Napatingin ako sa paligid. Walang tao. Wala ring bahay 20 kilometers from here. Nasaan ba ako? I focused my senses and alert myself from anything. I'm in the middle of nowhere and hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin dito.
Kahit pa duwag ako, hindi ko rin naman hahayaan ang sarili ko na mapahamak. Lalo na ngayong hindi na ako kagaya ng ibang normal na tao. Pwede akong makapatay kapag nanlaban ako ngayon kaya kelangan ko maging handa. I don't want to kill anyone. Hindi ko nature ang pumatay.
Naalala ko naman ang ginawa ko kanina.
Aish. Oo na. Kaya kung lokohin ang sarili ko na hindi ko kaya manakit ng tao pero hindi ko matatakasan ang katotohanan na may nabiktima ako kanina para lang makainum ng sariwang dugo.
Nakaramdam ako ng pagkakaiba sa katawan ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya tumigil ako sa paglalakad.
Nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang pagtubo ng pangil ko. Sht. Sht. Anong nangyayari?
Napatingin rin ako sa kamay ko at nanginginig ko lang tinitingnan yung kuko na humahaba that's when I realize what's happening.
Tumingala ako sa taas at nakita ko ang unang kabilugan ng buwan simula nung maging bampira ako.
Mas lalo kung naramdaman ang katangian ng isang bampira. Masyado ng malinaw sa akin ang ingay mula sa mga kuliglig kahit sa may kalayuan. I can even hear footsteps galing sa mga animals na naghahabulan sa gubat kahit hatinggabi na.
May naririnig rin akong pagbagsak ng tubig mula sa isang falls. Tumingin ako sa side kung nasaan nanggaling yung ingay mula sa falls. Masyadong malayo sa kinatatayuan ko ang falls pero kung tatakbuhin ko ito mula rito, kaya ko itong puntahan within 10 minutes more or less.
Naglakad ako patungong gubat. Nang tuluyan na akong makapasok, pinakiramdaman ko ang buong paligid. Walang mababangis na hayop o kaya tao ang nasa paligid.
Inayos ko ang pagkasukbit ng backpack ko saka ako huminga ng malalim. I closed my eyes and I let my vampire instinct embrace my whole being.
I started to run at lahat ng dinaraanan ko ay nagiging blur. Tamad ako tumakbo noon dahil madali akong mapagod but this time, ang sarap pala tumakbo ng ganito ka bilis.
Pwede na sana ako sumali ng marathon nito pero baka magkagulo kapag nalaman nila na hindi ako tao.
I stop when I found myself at the edge of the falls. Naramdaman ko kung gaano kalamig ang panahon. Kahit gabi na, maliwanag dito sa parte ng may falls dahil sa liwanag ng buwan.
Kung normal parin akong tao, manginginig na ako sa sobrang lamig but since I'm a vampire, cold is nothing to me.
Tumakbo ako papunta sa baba saka nilagay ko yung bag ko sa may gilid ng puno. I started to undress. Gusto ko sana maghubad nalang lahat pero ayoko naman na may pumasok sa ano ko ng kung anu-ano sa katawan ko kaya nag panty at bra nalang ako.
BINABASA MO ANG
The Last Blood
VampireCeline, she was a human not until someone save her from death but in order to save her life, she needs to drink the blood of a vampire.