"Celine?"
Napalingon ako ng tawagin ako ni Kael. Nasa kwarto ako ngayon. Apat na oras na ang nakakalipas simula ng makauwi kami sa bahay. Pareho kaming pagod. Lalo na si Kael na mukhang hindi parin nagpapahinga para bantayan ang kapatid nito.
Kane was still unconscious but I guess he's stable now. Nasa basement siya ng bahay at tinitingnan ng isang doctor. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko magawa. It seems like there's a powerful barrier that won't allow me to enter the room. Kaya pala nakakandado iyong pinto na malapit sa kusina dahil pintuan iyon papuntang basement ng bahay.
Pumasok si Kael at tumayo sa tabi ng pintuan. He looks like a mess. Duguan ang buong katawan at pagod na pagod ang kanyang mga mata. If he's neat and clean, he looks handsome. Mas gwapo siya kaysa sa Kuya niya. He has soft facial features while his older brother has dark and interesting features that made him stood out.
"Kamusta na siya?" tanong ko.
Kael's heart is beating nervously. Mukhang hindi pa okay ang kuya niya at ramdam ko ang lungkot sa buong sistema nito. Napabuga ako ng hangin at nagsalita ulit.
"You need to rest, Kael."
Umiling ito. "Kailangan ko pa bantayan si Kuya..." humugot ito ng malalim na hininga saka napayuko. Biglang umuyog ang balikat nito na kinataranta ko. Agad ako lumapit sa kanya at hinila siya para yakapin.
He immediately cries when I hugged him. Para siyang bata kung umiyak dahil nababasa ang balikat ko mula sa mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata pati na ata laway ay tumutulo rin sa aking balikat. I could feel his sadness, pain, and fear. Takot na takot siya sa nangyari sa kanyang kapatid. Takot siyang maiwan. Kane is the only family left of him. Gusto ko maawa pero parang namanhid ang puso ko. I can only feel what he is feeling right now but it doesn't feel anything to me.
Huminga ako ng malalim saka bumulong. "I have to do this, Kael."
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pag-iyak.
Ginawa ko ang nararapat gawin. I opened the artery on his neck and suck his blood lightly, just enough to make his body loosen up. Then I hypnotize him to make him forget that I bit his neck and suck his blood to make him go to his room, take a shower, and sleep. Hindi ko na sinabi na kalimutan niya ang nangyari sa kanila. Ang kailangan lang niya ay magpahinga.
Nang masigurado ko na nakatulog na si Kael ay pumunta ako sa kusina. Hinihintay ko iyong doctor na lumabas mula sa basement. Nakabukas pa rin ang pinto na kanina ay nakalock. May hagdan ito pababa papunta sa basement pero gaya ng nangyari kanina ay hindi ako makapasok sa loob. Nang sinubukan ko pumasok ay bigla akong tumalsik sa lakas na enerhiya mula sa hindi ko alam kung saan.
Kael said that a supernatural creature can't enter their basement unless they removed the mountain ash or something. Hindi ko maintindihan yung sinabi niya dahil hindi rin niya masyadong naexplain dahil kailangan na niyang dalhin si Kane sa loob ng basement. Dahil sa gulat na nangyari noong sinubukan kong pumasok sa basement ay nagdesisyon na lang ako na pumanhik sa taas ng bahay.
I have a lot of questions about what happened and about this kind of place. Akala ko kasi, ako lang ang supernatural na mag-eexist sa mundong to. Hindi ko naman aakalain na sa pag-alis ko sa amin ay makakatagpo ako ng tiyanak at makalaban sila. Wala to sa plano ko.
Ang plano ko ay umalis at magpakalayo-layo saka mamuhay mag-isa. Pero ano tong nangyayari ngayon?
Napahawak ako sa aking ulo. Ilang beses akong sumigaw sa aking isipan at nagmura.
I think it's better for me not to wake up from a coma. I think it's better for me to go to everlasting sleep. Kakaloka pa la kapag ganito na iyong dadatnan ko sa second life na matatangap ko.
Napatayo ako mula sa aking kinauupuan ng maramdaman ko na may lalabas mula sa basement. Hindi ko siya nakita kanina dahil pumunta ako sa aking kwarto noong dalhin na sa basement si Kane. Kaya hindi ko alam ang kanyang hitsura.
The doctor stopped on his tracks when he got out of the basement door. Tinanggal nito ang kanyang suot na salamin at napatingin sa akin. He's old, but not really that old. Puro puti na ang buhok nito pero matikas pa rin ang kanyang tindig. I guess, he's around 50 years old.
His heart is beating calmly while staring at me. Hindi ko rin maramdaman ang kahit na anong takot sa puso niya.
Humakbang ako palapit sa kanya. "Kamusta na si Kane? Okay na ba siya? Kailan siya magigising?" sunod sunod kong tanong.
He wrinkled his nose and cleared his throat then took a step to face me. "Kane's stable now. Magigising din siya mamaya. Mabuti na lang ay hindi masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya na pinagtataka ko."
I pursed my lips. Alam ko ang gusto niya sabihin pero mukhang nalilito siya. Ramdam ko rin mula sa kanya na naninibago siyang makita ako rito. He doesn't recognize me not as a human but something he expected. Kaya hindi niya alam kung paano sabihin ang gusto niyang iparating.
Malaki ang sugat ni Kane sa leeg. If you were there with me, masasabi mo na hindi na siya makakasurvive sa natamong sugat. He would die if I let him bleed. But I didn't even expect that he would survive when I give him what he needed.
"I gave him a little blood enough to save him."
Mas lalong kumunot ang noo ng matanda. "Masyado malaki ang sugat ni Kane sa leeg. Blood transfusion is not enough to save him. May artery na nabali sa kanyang leeg na pwedeng papatay sa kanya kung--."
"I gave him a little vampire blood." putol ko sa sinabi nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata na napatingin sa akin. Tumaas ang tibok ng kanyang puso dahil sa gulat pero hanggang doon lang iyon. I didn't smell fear from him which is really odd. Kagaya ni Kane na hindi ko man lang maramdaman ang kahit na anong takot sa dibdib maski noong nanganganib ang buhay niya.
What's up with these men?
"I'm Celine, by the way." pakilala ko dahil hindi ko rin alam paano makipag-usap sa kanya. I wanted to know his name but there's also something about him that is odd. He knows how to shut his mind. Away from someone who can get a little glimpse of what's on their mind.
"It's been too long since I met a vampire before." saad nito saka naglakad papunta sa may highchair at nilagay doon ang kanyang dalang bag. "I'm Dr. Francisco Leonel. Pwede mo akong tawaging Doc Franz."
Tumango ako at nanatili sa aking kinatayuan habang nakaharap sa kanya.
Pinanood ko siyang umupo sa mataas na upuan saka humarap ulit sa akin. "Maupo ka hija."
Hindi ako sumagot at naglakad papunta sa may mesa at sumandal doon paharap sa kanya. Sa tingin ko, siya lang ang may kayang sagutin ang mga tanong ko. Halata sa bawat kilos ng kanyang katawan na hindi lang bampira ang nakaharap niya. He knows how to keep his distance and he somewhat knows that I want to talk to someone about what's happening in this place.
"Sa tinatagal ko maging doctor sa pamilya ng mga Ejercito, hindi ko aakalain na may darating ulit na bampira sa pamilya nila." panimula nito na kinakunot ng aking noo. "At alam ko kagaya ng huling bampira na narito ay marami ka ring katanungan hindi lang sa sitwasyon mo ngayon kundi pati na rin sa nasaksihan mo dito sa lugar na'to." dagdag nito.
"It seems like you know too much, Doc Franz."
Ngumiti ang aking kaharap. "I know everything you needed to know, Celine."
BINABASA MO ANG
The Last Blood
VampireCeline, she was a human not until someone save her from death but in order to save her life, she needs to drink the blood of a vampire.