"Imbitado ang lahat sa palasyo,
Pasayaw ng mayaman na Ignacio,
Magdala ng maskara,
Para makasayaw ang nag-iisang prinsesa."Dadalhin ko aking maskara,
Upang hindi nila makilala,
Baka sila'y makahalata,
Sa tunay na anyo ng prinsesa.Mula sa angkan na mayaman
May ari ng tubuhan
Prinsesa kung tawagin.
Prinsesa sa iyong paningin.Nasa kanya na ang lahat
Marangyang pamumuhay,
Magandang balat at mukha
Mga taong luluhod sa kanyang paa."Ito na ang araw ng pasayaw,
Mga tao ay hindi magkandamayaw.
Huminga ng malalim,
Magsisimula na pagkagat ng dilim."Naglalakad patungo sa hagdanan ng kadiliman,
Malapit na ba ang katapusan?
Paalam na kaligayahan,
Kalbaryo na ang kahahantungan.Plantsado kanyang buhay.
Lahat ng gawa ay mahusay,
Mula sa suot na damit,
Hanggang sa pabangong gamit.Sa bibig nya ay may ginto,
Ultimo pag-gising ng amo,
Hanggang sa pagtulog,
Kasunod ay katulong."Sa ibaba ay nag-aabang,
Kamay ng mayaman,
Prinsipe ng kabilang bayan,
Sya na dapat pakasalan."Hindi ko sya katipan!
Ayoko siyang pakasalan!
Hindi kami nagmamahalan,
Kami'y napipilitan lamang.Ang isang prinsesa ay masunurin
Dapat lahat ay sundin
Utos ng reyna at hari
Hindi dapat suwayin.Ang isang prinsesa dapat mahinhin,
Itinatago ang damdamin,
Modelo sa tingin ng madla,
Hindi prinsesang pariwara."Simula na ng pagtitipon,
Mga bisita ay naglabasan,
Kopita ay hawakan,
Kasiyahan atin ng umpisahan."Nandito pala sila,
Sana hindi na lang inimbita.
Nagkukubli sa magarbong suot
Animo'y hindi salot.Sa mundong aking ginagalawan
Dalawa lang naman ang pamantayan
Ang mabuhay kang mayaman,
At magkunwari kang may karangalan.Kinagigiliwan ang gaya ko ng madla
Sa akin sila ay nagkakandarapa
Makamayan lang nila,
Tila nanalo na sa loterya."Kalagitnaan ang sayawan,
Nag-umpisa ang bulungan,
Hinanap nila kung saan,
Hinahanap prinsesa sa tubuhan."Nakatakbo ako!
Nakatakas ako!
Makakaalis na rin ako!
Sa wakas, malaya na ako!"Habulin ang prinsesa!
Sigaw ng tagapagsalita.
Mga kawal, galugadin ang bawat sulok!
Kung hindi itatapon ko kayong nabubulok"Tumatahip ang dibdib ni Ama,
Alam ko kailangang bumalik ng prinsesa,
Hindi ipinapahiya ng prinsesa ang hari at reyna,
Maging prinsipe ay nabigla.Ngunit ito na ang pagkakataon ng prinsesa,
Nag-iisang pagkakataon.
Takbo prinsesa,
Takas mahal na prinsesa.Sa wakas, nakatakbo ako,
Palayo sa mga problema ko.
Sa wakas, nakatakas ako,
Mula sa mapanghusgang mata ng tao.Sa wakas makakaalis na rin ako,
Palayo sa malaking mansyon na yaon.
Sa wakas, malaya na ako,
Malaya maging tunay na ako.Ako'y nakulong noon sa hawla.
At ngayon ako'y nakalaya na.
Ang sarap pala sa pakiramdam
Kaligayahan ko'y nag-uumapaw.Nalulungkot lamang para kay ama at ina,
Ngunit alam kong mapagtatanto nila,
Na may lugar sa puso ko para sa kanila,
Ito na ang huli kong wika.Ama, iniwan kita sa iyong kaharian,
Balang-araw mapapatawad mo ako.
Ina, iniwan kita sa piling ni Ama.
Mahal na hari at reyna, paalam na.Kung sakaling iyong mapagsino.
Kapag tayo ay nagkasalubong,
Pakiusap huwag mong ipagsabi,
Kung saan ako nakakubli.Isa pa rin akong prinsesa
Ngunit hindi na marangya,
Hindi na rin alibugha,
Isa ng prinsesang malaya.©marikitdreams
PALATANDAAN:
Madiin - tunay na saloobin ng prinsesa
Pahilis - pampublikong anunsyo
Normal - panlabas na pinapakita ng prinsesa o mga dapat ipakita ng prinsesa
Madiin at pahilis - mensahe para sa iyo ng prinsesaKung ikaw ay naguguluhan, ako rin. Ngunit matagal na akong binabagabag ng prinsesa. Pasensya na.
BINABASA MO ANG
Sampung Maskara ni Anak
Poetry"Ginawa nila ang lahat para sa kapakanan mo, Kaya ikaw na anak, mahalin mo ang magulang mo." Paano kung ako ang hindi mahal ng magulang ko? Anong gagawin mo sa mga taong gaya ko? Inalipusta ako ng mapait na kapalaran ni mundo. Kahit kailan hindi ako...