Babala:
Naglalaman ng detalye ukol sa karahasan. Basahin ng may pag-iingat.Magmula ng ika'y isilang
Katunggali kang itinuring
Kaagaw sa laruang munti
Paligsahan sa pagkabuti.Sabi nila, mas magaling ka
Lahat ng gawin natin ng parehas
Lahat ng resulta'y angat ka
Angat maging sa palakasan.Kailan ba nila ako makikita?
O masabi man lang na pinagmamalaki kita.
Masyado bang magarbo aking hiling?
O sadyang di mapagbibigyan ang hilig?Hindi nila ako mapagbibigyan.
Ni minsan ay hindi mapagtatampulan.
Paningin nila ay tanging nasa 'yo.
Pagmamahal nila ay para lang sa'yo.Kaya isang araw habang tayo ay naglalaro
Giniya kita sa kwarto nila lolo
Sabi mo ay "Bawal riyan Kuya!"
Sinagot kita ng "Ako ang bahala."Naniwala ka kay Kuya.
Masyado mong sinusunod sila inay.
Bilin nya, "Sundin mo ang kuya mo, utoy."
"Alagaan mo si utoy, kuya" wika ni itay.Masunurin, ngunit uto-uto.
Kung hindi mo sila sinunod,
Maganda sana ang buhay mo.
Paumanhin sa binabalak ko.Pagpasok sa silid
Nakatago sa aparador sa gilid
Baril ni Lolo na nakapinid,
Naghihintay ng kakalabit.Hindi ka nag-atubili,
Ginalaw at nilarong pilit.
Mangha ang nasa iyong mukha,
Bigla ang nasa iyong mga mata."BANG!" Isang tunog na bumulabog.
Maging butiki sa bubong,
Hindi alam kung saan susulong,
Dahil sa malakas na dagundong."BLAG!" Tuluyang nahulog,
Bumagsak at nagdurugo,
Akala ko ay doon matatapos,
Iyon pala ay ito ang tatapos.Sadya palang mapaglaro ang buhay
Ngiti ang sa aking labi ay sumilay
Nakapaglaro ako kasama ang aking kapatid
Napaglaruan ako ng hindi ko batid.Pula, pula ang aking nakikita,
Hanggang dito na pala,
Sadyang bilog ang gulong
Nakaikot na pala at pagulong-gulong.Mabilis ang naging ganti,
Ng mapaglarong langit.
Mabilis na naging pait,
Ang ngiti sa mga labi.Hanggang sa wakas siya pa rin,
Hanggang dulo'y sawi pa rin.
Dito na lang kapatid,
Tanggapin nawa ako ng langit.©️marikitdreams
Litrato mula sa:
www.shuttershock.com/369919001
BINABASA MO ANG
Sampung Maskara ni Anak
Poetry"Ginawa nila ang lahat para sa kapakanan mo, Kaya ikaw na anak, mahalin mo ang magulang mo." Paano kung ako ang hindi mahal ng magulang ko? Anong gagawin mo sa mga taong gaya ko? Inalipusta ako ng mapait na kapalaran ni mundo. Kahit kailan hindi ako...