"Ano! Ako na naman ba ang may kasalanan?"
"Bakit? Kanino ko ibubunton ang sisi? Sa aking sarili?!"
"Alangang sa akin? Lagi na lang! Pagod na ako sa'yo!"
"Pagod na ako sa ganito! Maghiwalay na tayo!"Bungad ito sa pagbukas ng pintuan,
Sigawan ang almusal hanggang sa hapunan,
Daliri ni nanay ay nakaturo kay tatay,
Si tatay nama'y nakakunot ang kilay.Iba-ibang tunog kada araw,
Sigaw, hiyaw at bulyaw.
Kanya-kanyang tono ng pananaw,
Iba-ibang klase ng boses nangingibabaw.Ganyan si nanay at tatay
Hindi nakikinali ng di nag-aaway,
Sampal sa kaliwa at kanan,
Kalmot sa mukha, walang sawang babagan.Iniisip nila kanilang pagkakaiba,
Paano naman kaming mga anak nila?
Saksi na lamang ba kami?
O mangialam dapat kami?Ngunit kagaya nila ako'y sawa na,
Sawa sa away nila tuwi-tuwina,
Mga bagay na di napagkakasunduan,
Napakahaba na ng listahan.Hindi ko alam kung anong gagawin,
Tatangis ba at mananalangin?
Hahayaan na lang at aalis?
O daramdamin ko ang hinagpis?Buo aking pamilya,
Hindi gaya ng iba,
Iniwan at iiwan,
Binalikan at binabalikan.Buo man aking pamilya,
Ganito naman sila.
Hindi nakukuntento sa buhay,
Hanap lagi ay away.Minsan naisip ko na lamang umalis,
Ngunit sa tuwing naiisip,
Walang muwang na mga kapatid,
Nagbabago aking isip, hinihila ako pabalik.Kailan kaya matatapos,
Itong kalbaryong ito?
Hanggang kailan ko maririnig?
Hanggang kailan ako mabibingi?Gusto ko silang sigawan!
Gusto kong isigaw na "AKO NAMAN!"
Gusto kong isigaw na "KAMI NAMAN!"
Gusto ko, pero di ko magawa.Mali, nagawa ko na pala,
Ayaw ko lang maulit pa,
Dahil masakit masabihang "BOBO MO TALAGA!"
Masakit masabihang "WALA KA RING KWENTA!"Nakakapagod rin pala,
Kahit saksi lang ako.
Nakakapagod rin pala,
Lalo na at isinasantabi ka.Sana maghiwalay na sila ng landas,
Upang pagsasakitan ay maiwasan,
Upang habang kaya pang pigilan,
Kahit masakit sa kalooban.Kung ako ang tatanungin,
Ayoko na pabalikin,
Lahat ng sakit,
Lahat ng pasakit.Sawa na ako!
Pagod na ako!
Gusto kong sumigaw!
Gusto kong humiyaw!Kahit mapaos ako,
Kahit maglupasay ako,
Kahit kailan hindi mangyayari ang gusto ko,
Kahit kailan walang makakarinig ng sigaw ko.©marikitdreams,2015
(READ: Picture's not mine. Credits to the owner. Source: Ninang Pinterest)
BINABASA MO ANG
Sampung Maskara ni Anak
Poetry"Ginawa nila ang lahat para sa kapakanan mo, Kaya ikaw na anak, mahalin mo ang magulang mo." Paano kung ako ang hindi mahal ng magulang ko? Anong gagawin mo sa mga taong gaya ko? Inalipusta ako ng mapait na kapalaran ni mundo. Kahit kailan hindi ako...