Eos x Tia (Secrets)

1.8K 16 11
                                    

Masaya. Malungkot. Masakit.

Hindi ko inaakala na bigla magpopost si Cher ng update. At mas nakakagulat story na ni Tia. Sobrang excited naman akong buksan lalo na dahil nakakakita ako ng snippets nito sa instagram at facebook.

Noong umpisa, bago pa talaga ang story ni Tia, umaasa talaga ako sa TiaDon. Kahit pa nakakakita na ako ng mga posts na Demitri ang kasama o kausap ni Tia, iniisip ko baka eepal lang si Eos. Pero hindi pala. Nakakaloka kasi sila pala ang magiging ... Ewan ko ba kung ano sila. Basta may something sila. Nakakaloka kasi si Eos. Pabebe masyado. Akala mo kung sinong literal na binata kung mag-pabebe eh matandang binata na naman talaga siya.

Ayaw pa pangalanan kung ano meron sa kanila ni Tia. Kainis na matandang hukluban. Paasa. Ang tanda na nga paasa pa.

Okay, tama na. Kawawa naman masyado si Eos. Inaapi ko na.

Everything is a bliss. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Nagulat na lang ako na 18 na si Tia. Na may regalo si Eos sa kaniya. Na kinantahan siya ng Words ng BeeGees, na paboritong-paborito ko since bata palang ako (kasi lumaki ako na yan ang pinapakinggan) at sobrang close sa puso ko. Tapos nakatakas sa posibleng kaso ng Statutory Rape si Eos kasi madaling-araw na noon at legal na si Tia (lakas mo Tatang Eos). Masyadong nakakaloka at nakakagulat ang mga pangyayari. Pero sa kabila noon, alam kong totoo ung nararamdaman nila para sa isa't isa.

Si Tia nararamdaman kong hindi lang passing feeling ang kung anong damdamin niya para kay Eos. Amazingly kahit naaasar ako sa gawi niya sa storya ng kambal, naisip ko dito sa kanya na matured siya. Oo namuhay kasi nang marangya at ala prinsesa pero tulad siya ni Queen Hera. Once na nagmahal, yun na talaga. Don't forget, Consunji siya. And a Consunji only love once. And Consunji women always fall for the baddies. And baddies = Eos. At doon nagsimula ang pagnanais ko ng Eos x Tia na endgame aka EosTia.

Si Eos naman. Demitri talaga ang mga kilos. Titig pa lang niya tila kinakapos ka na ng hangin sa buong katawan mo at hihimatayin ka na lang bigla. Pero nung nagsisimula na siyang maging sweet kay Tia, hindi pa din ako completely nagtitiwala sa kanya. Iniisip ko na baka may evil plot lang talaga siya at kulang na lang pumasok ako sa storya nila para pigilan siya sa gagawin niya. Ayokong may masaktang anak ni Queen Hera. Ayokong masaktan si Queen Hera.

Storya na ni Tia pero si Queen Hera pa din inaalala ko. O to the M to the G. One true love ko na talaga siya.

Kinanta ni Eos ung Words. Nagbago ang pananaw ko sa kantang iyon. Pinangarap ko bigla na ma-serenade ako na iyon ang kinakanta. Dati kasi ang theme song ng buhay ko ay ang The Reason ng Hoobastank. Pero ngayon gusto ko na yung taong magmamahal sa akin at mamahalin ko kantahin niya sa akin iyan. Ang lalim kasi ng meaning. Ngayon ko lang napansin at na-appreciate.

This world has lost its glory let's start a brand new story now My Love

Bagay na bagay sa love story ni Eos at Tia. Kasi ang dating sa akin noon, they are getting out sa nakasanayan nila. Tipong hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Pero seryoso, parang naisip kasi nila na nonsense naman ang mundo kapag wala ka kaya tara na at magsama na lang tayo forever.

It's only words, and words are all I have to take your heart away.

Walangyang Demitri yan. Nakaka-inlove. Yung mga salitaan niya kahit hindi ko maintindihan kinikilig ako. Napagbukas pa ako ng computer para lang mahanap ko ung meaning ng sinasabi niya. At thanks din kay Dondon.

 At thanks din kay Dondon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Fragments of MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon