Hooray! Napakalapit nang Graduation Day namin. Sobrang excited na ako. Sa wakas, magtatapos na din ako sa pag-aaral LOL
Kaso kasabay ng kasiyahan ay ang kalungkutan. (At kapaguran sa dami ng pinapagawa sa amin)
Practice, practice, practice everywhere.
Hindi naman sa bad girl pero kasi di ba obvious naman na kung ano gagawin namin. Lahat naman ng graduation namin, elementary at high school, iisa lang ginagawa. Akyat ng stage, kunin diploma, baba ng stage, balik sa upuan. Plus selfies. Ayun lang din naman malamang ang gagawin namin.
At syempre ang mga kantahan. Hindi mawawala iyan. Okay naman na mag-practice kami tungkol doon pero wala din namang kwenta. Akala ko kung anong special performance ang gagawin yun pala kakabisaduhin lang din ang kanta.
At ang corny pa nung graduation song. Kainis lang.
Tapos hindi pa sila makapag-decide kung kailan maibibigay ung grad pic, tickets for the event, toga at kung anu-ano pa. Sa sobrang delayed ng plano at announcements, natapat sa May 6. Kaya lalo na nag-init ulo ko.
Bakit?
Kasi Grand Meet-Up sa May 6 ng mga Akane BBs. MYGAHD! Kapag naiisip ko, naiiyak na ako at gustong maglupasay. Aawayin ko talaga lahat sa university sa Sabado. Kaasar!
Okay kaya lang ako nagsusulat dito kasi ang sama ng loob ko talaga, hindi ko malaman kung anong pwedeng gawin wala din naman akong magagawa. Kainis talaga.
Siguro kapag nagka-trabaho na ako tapos bakasyon, sugurin ko na lang si Cher. Hahaha!
Pero on the positive side, hello sa mga kapwa ko BBs! Sa mga makakapunta, paki-kaway ako kay Cher. Saka payakap ako sa kanya. Ay wait, gusto ko ako mismo yayakap eh so kaway na lang. Sa mga sawing-palad gaya ko, tara mag-all black at magluksa. With matching lupasay LOL
Anyways, disoras na ng gabi saka talaga ako nagsulat, hindi kasi ako makatulog dahil dito. Technically, bukas na iyong meet-up. Mygah! I hate grads! Hahaha.
Pero babush student life and hello real life!
(OMG KILL ME NOW!)
P.S
Next time naman iyong sa BTS. Grabe ang daming dumadagdag. Pero umaasa pa din ako sa daydream kong pupunta Bangtan sa graduation ko. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Fragments of Memory
RandomThis is not a story. It is a "get to know me" kind of thing. Well, it includes some stories also. Mainly about my life and of other people surrounding me. It also includes my random thoughts and feelings while I read a certain book. Hope we can get...