Tittle: Breathe.
Username: Blue_stalilitStory: Janiele's POV
Nakatingin ako sa bintana ng sasakyan ko. Pinagmamasdan ko si Shame na nag aabang sakin, may hawak syang bouquet ng roses. Aww, ang sweet talaga ng boyfriend ko. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya dahil nakokonsensya na ako. We've been together for almost 7 years and I admit. The sparks on our relationship was gone. Hindi ko na maramdaman ang kilig sa relasyon namin. Dati kapag nakikita ko pa lang sya gusto na sumabog ng puso ko sa tuwa pero ngayon? Parang normal na lang.
Masyado na siguro akong nasanay sa kakesohan nya kaya normal na lang sakin ang lahat.
At eto ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa kanya.
Pakiramdam ko saming dalawa, sya na lang ang nag mamahal. Sa aming dalawa sya na lang kontento. Sa relasyon naming dalawa mag isa na lang sya.
Siguro nga isa akong hangal para pakawalan si Shame, kaso anong gagawin ko? Oo, aaminin ko, hindi ko na nga sya mahal. Para sakin napaka boring na ng relasyon naming dalawa.
Naramdaman ko ang pag ngitngit ng puso ko sa kaba. Tama ba ang magiging desisyon ko?
Bumaba na ako ng sasakyan at pumunta sa harap nya.
"Jan!" Banggit nya sa pangalan ko at niyakap ako ng mahigpit.
Naramdaman ko ang pag ka miss nya sakin sa pamamagitan ng yakap nya.
"Buti naman at nakipag kita ka sakin ngayon, miss na miss kita alam mo ba yun? Bakit kase hindi ka nagparamdam ng Tatlong bwan?" Sabi nya habang nakayakap pa rin sakin.
Oo tama kayo ng basa, tatlong bwan akong hindi nag paramdam kay Shame.
Humiwalay ako sa kanya at nag iwas ng tingin.
"Busy lang ako sa trabaho this past few months" Pag papaliwanag ko kahit na alam ko sa sarili kong hindi totoo yun.
Oo, busy ako sa trabaho pero
I can always find time to communicate with him, but I chose not to. Why? Because everytime that we made up a conversation its just always end up with an argument."Tsk. Sabi nga nila pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan" pag susungit nya.
Napairap na lang ako sa kawalan dahil ayan nanaman kami sa away.
"Hindi naman sa ganon Shame. Busy lang talaga, masyadong madaming pinapagawa yung boss ko" Sabi ko sa kanya.
"Sabihin mo ayaw mo lang talaga akong kausap!" Singhal nya.
Nakakainis! Eto nanaman kami.
"Oo ayaw nga kitang kausap! Masaya ka na ha?!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin ko. Ayaw ko na tumagal sa relasyon naming to.
Lumambot ang ekspresyon ng muka nya at tinignan ako.
"Jan naman. Binibiro mo naman ako eh" pag bawi nya at akmang hahawakan ang kamay ko.
"Hindi kita binibiro Shame. Seryoso ako" sambit ako at iniwas sa kanya ang mga kamay ko.
Nag iwas sya ng tingin sakin. Bago nag salita.
"Sus. Mahal mo ko Jan bakit naman ayaw mo kong kausapin diba? Ikaw talaga"
Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang konsensya na bumabalot sakin.
"Tigilan na natin to Shame" tugon ko sa kanya.
Napatingin sya sakin at pinilit na ngumiti.
"Jan naman. Hindi na ako natutuwa sa mga biro mo ah."
BINABASA MO ANG
Write A Shot Contest: Tragic
Short StoryWattpad University's Writing Contest. Voting Line is now Open