ENTRY #29

25 0 0
                                    

Title: Lost Stars
Username: floopowder118
Story: Lost Stars
"I'll be damned Cupid's demanding back his arrow..."
- Adam Levine; Lost Stars

Sara was fidgeting. Kanina pa niya kinakagat ang kuko sa sobrang kaba. Ngayon kasi ang date nila ni Louis, her boyfriend for five years already.

Their relatives kept asking them when will they finally tie the knot but they always answer them with: "Marami pa po kasi kaming hindi alam sa isa't isa. Marriage is a lifetime commitment and we're not ready for that yet."

Pero kung siya ang tatanungin, payag na siyang magpakasal kay Louis. Bakit hindi? Sa panahon ngayon, ang five years ay sapat na bilang assurance na kaya nilang magsama at alagaan ang isa't isa habangbuhay.

"Sar, ano ka ba! Para kang ewan dyan!," saway sa kanya ng kanyang bestfriend na si Claire.

"Eh bakit ba? Baka mamaya magpropose siya!," Sara panickly said.

"Chill ka lang kasi... Kung magpropose si Lou, edi okay. Papayag ka namang magpakasal 'di ba?"

"Syempre oo naman kaso..."

"Chill. Kalma. Hwag kang mag-isip ng kung anu-ano..."

"Susubukan ko..."

--

It was seven in the evening and just as she expected, the doorbell rang. Ganitong oras kasi siya sinusundo ni Louis tuwing may date sila.

She looked at herself in the mirror bago siya bumaba at harapin si Louis. "Glamorous" daw siya tingnan, according to Claire. Nakasuot kasi siya ng isang simpleng black cocktail dress na tinernuhan ni Claire ng black stilettos. Si Claire na rin ang nag-make up sa kanya.

Nagbuntong hininga muna siya bago lumabas at bumaba sa sala.

Hindi niya maikaila na totoo nga ang sinabi ni Claire nang mapansin niya ang pagngiti ni Louis pagkakita sa kanya. Agad siya nitong nilapitan at hinalikan sa pisngi. "Ang ganda mo..."

Sara playfully slapped his arm wrapped around her waist. "Matagal na." Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng puting long sleeves na polo na pinatungan naman ng itim na coat and tie. "You too. You look great."

She smiled meekly at him. Before she knew it, she felt Louis' breath near her cheeks. He was about to kiss her. Maraming beses na siyang nahalikan ng boyfriend niya pero hindi siya nagsasawa roon.

"Ahem," someone cleared her throat. Pagmulat niya ng mata, bumungad sa kanya si Claire na nakapameywang sa kanilang dalawa.

"Panira ka ng moment," inis na sabi rito ni Sara.

Hindi siya pinansin ni Claire saka ito bumaling kay Louis na katabi niya. "Ibalik mo siya bago mag-11 PM ha? Magmumovie marathon pa kami..."

Natatawang nagsalute rito si Louis. "Yes ma'am!"

"Oh siya, gora na kayo! Bye! Ingat ah!" Niyakap siya ni Claire at saka sila itinulak palabas ng bahay.

--

"Wow." Sara can't stop herself from smiling. Louis prepared a candelit dinner for her sa itaas ng building ng kumpanya ng pamilya nito. The said building has 20 floors at nasa pinakatuktok niyon silang dalawa kaya naman kitang kita nila ang citylights mula roon.

"Anything for you," nakangiti ring sabi sa kanya ni Louis. He led her towards the table and pulled the chair for her.

She laughed at his action but she sat down anyway. "I didn't know you were romantic..."

"Like I said a while ago, anything for you," he said with a wink.

"Kaya naman pala nakasuot ka ng coat..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Write A Shot Contest: TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon